CHAPTER 20

1.6K 145 38
                                    

HALLEINA'S POV

Tinignan ko kung sapat na ba ang gamit na dadalhin ko. Feeling ko kasi ang dami pang kulang. Ayaw na ayaw ko pa naman ng nanghihiram ako. Tumayo ako ng maayos at tinignan ang mga dadalhin ko. Nilagay ko ang kamay ko sa aking baba at hinagod iyon. Hindi ko talaga alam kung ano pang kulang. Malapit na akong mahuli sa sinabing waiting place namin. Ang hirap talaga maging babae. Ang dami mong dapat isipin bago ka umalis. Syempre, hindi p'wedeng kulang-kulang lalo na't sa bahay ako ng crushiecakes ko pupunta. Baka mamaya ipahiya pa ako ng bwiset na Shiera na 'yon.

“Halleina, baka nakakalimutan mo na overnight ang pupuntahan mo at hindi tanan,” biglang sabi ni mommy. Nakatingin siya sa mga dala ko.

Kumurap ako. “Anong masama diyan, mommy? Feeling ko nga kulang pa 'yan, eh!”

Malakas na natampal ng mommy ang kaniyang noo. Napailing siya ng matindi.

“Limang bag?! Limang bag tapos overnight ng isang araw lang?! Aba'y parang doon mo na gustong tumira, ah!”

“Kung p'wede lang,” bulong ko.

Napakamot ako ng batok ko. Nakasimangot kong tinignan ang mga hinanda kong dadalhin. Oo nga, masyado ng marami pero...

“Lumabas ka, Halleina! Labas! Nandidilim ang paningin ko sa'yo! Lumabas ka at ako ang maghahanda ng mga dadalhin mo!” Taboy sa akin ni mommy palabas.

Wala akong nagawa kung 'di sumunod na lang sa utos niya. Lumabas ako at tinignan ang chat sa group chat namin. Nagkakagulo na ang lahat, tadtad ng message at ang most mention name lang naman ay ako.

BSED 1-A

Lorraine:
@Halleina Mattias where na u?

Gia:
Haleyna! @Halleina Mattias

Shiera:
Hoy Halleina we r waiting 4 u almost 5 hrs na! Bka want mo nman bilisan!

Btch! Bilisan mo dika special!

Feeling important yan?!

Iiwan kana namin!

@Halleina Mattias!

@Fire Gabis i told you dapat dimo na pinasama tong babaeng toh!

Fire is typing....

Ma-una ka na kung gusto mo Shiera!

Wala namang pumilit sayo na hintayin ako!

At saka, magyabang ka kapag di na jejemon typings mo, ew! 🤮

Fire:
Enough with that! We will wait for you here @Halleina Mattias

Fire Gabis sent a picture

Fire:
Diyan ka na lang namin hintayin. Paki bilisan na lang.

Kinikilig na naman ako dahil kay Fire. May pag-picture pa talaga. Hindi na ako makapaghintay kaya naman pumasok agad ako sa kuwarto ko. Sakto, katatapos lang din ni mommy na ayusin ang gamit ko. Ang kaninang limang bag, naging isang bag na lang ngayon. May halong asiwa ko itong tinignan. Hindi ako sanay ng ganito ka-onti lang ang gamit kong dala. Kinuha niya ito at inabot sa akin. Nasusulat sa kaniyang mukha ang pag-alala at naiintindihan ko iyon. Ngayon lang niya ako pinayagan na umalis sa tabi niya ng isang gabi.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon