CHAPTER 22

1.5K 121 10
                                    

HALLEINA'S POV

Isang araw pa lang simula nang umalis si Thaddeus. Talagang hindi na ako sanay ng wala siya. Gusto kong mag-chill pero hindi ko magawa. Although magka-usap kami kagabi hanggang 11 pm, iba pa rin talaga kapag nandito siya sa tabi ko. Mas nararamdaman ko 'yong presence niya. Mas feel ko na buhay ang paligid ko. Kaysa sa phone ko lang siya nakakausap tapos nakaharap pa siya sa laptop niya. Gusto ko ngang magtampo kagabi, iniisip ko lang 'yong ginagawa niya. I could feel his stress every time he stroked his forehead. Kawawa naman kung aawayin ko pa just because of small reason.

"Ang tahimik naman ni Halleina!"

"True!"

"Umalis kasi ang boyfriend niya kaya ganiyan. Alam mo naman kapag naglalayo ang dalawang nagmamahalan talagang pareho silang malulungkot."

"Hmp! Sabi ko na nga ba siya rin mahuhulog sa kagagahan niya, eh!"

"Ano ka ba!? Maging masaya ka na nga lang para sa kaibigan natin!"

Tignan mo 'tong mga gaga na 'to, nagawa pa talaga akong pqg-chismisan. Ang ganda ng bulungan nila, rinig na rinig ko.

"HEY, BITCH!" Bulyaw ni Shiera na galit na galit. Papasok pa lang siya ng pinto ayon na agad ang intro niya.

Nagulat ang lahat nang sipain niya ang isang upuan na nakaharang sa daan. Umuusok ang kaniyang ilong sa galit habang papalapit sa akin. Ano na naman bang ginawa ko sa babaeng 'to? Ganitong nangungulila ako kay Thaddeus baka sa kaniya ko ibunton ang galit ko.

"HOW DARE YOU PARA IPAHIYA AKO SA HARAPAN NILA TITO, HA?! WNG KAPAL NG MUKHA MO!" Susugod sana siya pero may humawak sa kaniya para umawat.

Bored akong tumingin sa kaniya. "Talaga bang wala kang magawa sa buhay mo? Kasalanan ko bang tanga ka that time at hindi mo naitapon sa akin ang sisi?" I rolled my eyes at her.

Pinatong ko ang kabilang pisngi ko sa palad ko. Nakapangalumbaba akong tumingin sa kaniya. Wala akong pake kung galit siya, malungkot ako ngayon kaya walang epekto sa akin 'yang umuusok na ilong niya. Parang pinakain ng sili.

"WOW! AKO PA TALAGA ANG SISISIHIN MO?!"

"Ikaw talaga! Kitang-kita ng lahat na tinulak mo 'yong baso para matapon sa akin 'yong juice!"

"LIAR! GUSTO MO LANG TALAGA NA MAKUHA ANG SPOTLIGHT AT ATENSYON NILA KASI MAY GUSTO KA NA KAY FIRE, JINOWA MO PA SI THADDEUS!"

Malakas kong hinampas ang desk ko. Galit akong tumayo sa harapan niya. I pointed my finger at her and looked at her angrily.

"Ikaw babae ka, talaga sinusubukan mo ang pasensya ko 'no?! Dati ka bang bobo?! Paano mo nasasabing role model ka ng classroom na 'to?! For your information I am not the liar here, YOU ARE! Sino ba naman kasing tanga na balak i-frame up ang isang tao pero ipapahalata sa iba? Sana kasi ginalingan mo ang acting mo thag time! Puro kasi ganda ang pinapakita mo, wala ka naman pa lang utak!" Walang prenong sabi ko sa kaniya. Talagang nag-iinit ang ulo ko. Wala na akong pake kung ano pa ang lumabas sa bibig ko.

"Tama na 'yan, Halleina, Shiera!" Saway sa amin ng secretary. Hinaharangan nila si Shiera na gusto akong sugurin.

"Let me go! I will kill this girl! I will kill this slut!" Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon