CHAPTER 2

3.1K 210 31
                                    

HALLIENIA'S POV

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Maganda ang ngiti ko, kasing ganda ng panahon ngayon. Asul na asul ang langit. Malakas ang simoy ng hangin. Gusto ko ang ganitong pakiramdam palagi. Nakakapagod na rin maging stress sa isang tao. Hinihintay ko ang mga kaklase ko ngayon na pupunta sa bahay syempre kasama na roon si Fire, ehe! Simula ngayong araw mapapasakamay na kita, Fire Gabis! Ewan ko na lang kung hindi pa matanggal sa katawan mo 'yang pagiging yelo mo kapag nainom mo na 'tong gayuma na specially prepared for you! Kinikilig ako ngayon pa lang na naiisip ko kung paano mababaliw sa akin si Fire.

Dream came true!

Wala naman talaga akong hindi nakukuha. Lahat gagawin ko para makuha lang isang bagay kaya walang silbi sa akin 'yang pagiging cold niya. Mabuti na lang talaga at palaging na sa tabi ko ang mommy para sumuporta.

"Anak ko, talaga bang gusto mong ituloy 'yang pangga-gayuma mo sa isang Gabis? You know what kind of family they are, hindi ba? They known as influencer at malakas ang connection nila. Do you think they will not find it suspicious if ever na bigla na lang nabaliw sa'yo ang isa sa pinaka-matalinong anak nila?" Mom's asked in worried. I understand my mom's worry but, no!

Wala ng atrasan 'to!

Humarap ako sa kaniya. "Mommy, nandito na po ito. Kapag hindi ko sinubukan paano ko po malalaman? Isa pa, what's the sense of their connection kung ako talaga ang kababaliwan ng anak nila?" I confidently said.

"Correction, my daughter. Aksidenteng kababaliwan hindi kababaliwan, okay?"

I pouted my lips. "Mommy naman! You're so kontrabida today!" Maktol ko.

She chuckled. Hinawi niya ang mga buhok ko at nilagay sa gilid ng tainga ko. We both turned our when we heard a car beep. Lumawak ang ngiti ko ng makita si Fire. Hindi siya nakasakay sa sasakyan kung 'di sa paborito niyang motor na I don't know what model. Sumenyas si mommy sa guard na papasukin sila. Agad naman itong sumunod. Habang papalapit sila nang papalapit sa parking lot mas lalo akong na-i-excite. Hindi sa iba ang tingin ko kung 'di sa crush ko. Syempre, crush ko na 'yon paanong hindi ko titignan?

Huminto sila sa parking lot tapos isa-isang bumaba sa van na sinakyan nila. Mangha silang nakatingin sa bahay namin. Syempre, hindi naman kasi nila alam na ganito kaganda ang bahay namin. Ang alam lang nila simpleng mayaman lang ako. Little they didn't know that my mom is a famous fashion designer and she has 15 branch all over the world. Kaya hindi nila ako masisisi kung maganda lahat ng damit ko. That's my mom work of arts. Anyway, where's is my mom? Kanina lang na sa tabi ko siya tapos biglang nawala. Maybe na sa loob na siya para asikasuhin ang meryenda. Wala pa ngang nasisimulan, meryenda agad? Iba nga naman talaga ang mga Pinoy, oo!

"Wow! Halleina, ang ganda pala ng bahay niyo! You didn't tell us na hindi ka lang pala basta mayaman kung 'di sobrang yaman mo!" Jacob praised. Iniikot niya ang tingin niya sa paligid.

"Aish! Kailangan ko bang ipagyabang 'to?" Pa-humble kunwari na sabi ko. By the way, Jacob is one of my best friend in school not because I am rich.

"Yayamanin ka naman pala, Halleina!" Gatong ni Tristan.

"Oo nga! Ang sabi niya lang may pera sila pero hindi niya sinasabi sa atin na ganito pala sila kayaman!" Ani ni Cloeh.

"Matagal na sana kitang kinaibigan kung alam ko lang," may kahinaang sabi ni Kia. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.

"I-I mean... kung alam ko lang na.... na... na mabait naman pala si Halleina! Ang sungit niya kasi, hehe!" Sus, lulusot ka pang gaga ka! Pakainin kita ng pera, eh!

"Hindi naman kasi mahalaga 'to. Ang mahalaga ngayon matapos natin 'tong gagawin natin. Hindi ba, Gabis?" Ngumiti ako sa kaniya. He throw his cold gaze to me.

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon