CHAPTER 35

1.4K 86 44
                                    

This chapter is dedicated AilynCatalan1 thank you for reading this story!

HALLEINA'S POV

“The patient is now okay. Due to over fatigue, stress, cold, and fever nawalan siya ng malay. Nagsama kasi ang lamig na nakuha niya sa sinabing mong pagpapa-ulan at init sa lagnat niya. Maybe before he got wet by the rain he already had a fever which made his feelings worse. P'wede niyo siyang ilabas anytime as soon as he woke up.” Tumingin ako kay Thaddeus na nakaratay sa kama ng hospital.

“Thank you, Doc,” pasalamat ko sa doctor na umasikaso sa amin.

“He is a fragile man. He look healthy in outside pero mahina ang baga niya, Miss. I suggest to take care of him carefully. Kapag palagi niyang ginagawa ang ganiyang bagay baka magkaroon siya ng pneumonia.” Tinignan ako ng doctor. “Are you his?” Turo niya sa akin.

“G-Girlfriend,” pakilala ko sa sarili ko. The doctor nodded his head.

“Okay, Miss Mattias I will come back here after 4 hours to check if the patient is awake and to give him his medicine. You can go home if you want, kami na ang bahala sa kaniya.”

“Hindi po!” Tanggi ko. “Dito lang ako. Sasamahan ko po siya.” Sa ganitong paraan lang ako makakabawi kay Thaddeus.

“I see. You really love your boyfriend, huh? I can see by the way you look and care for him.”

Lumabas na ang doctor sa loob ng kuwarto ni Thaddeus. Umupo ako sa upuan na katabi ng kama niya. Na sa may uluhan niya ako ngayon. Pinagmamasdan ang napaka-guwapo niyang mukha. Hindi ko alam anong ginawa ni Thaddeus nitong mga nakaraang araw pero alam kong grabe ang effort na binuhos niya para sa surprise na hindi ko pinuntahan. Tumulo ang luha ko sa guilt. Ang tanga ko! Napakalaki kong tanga! Alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siya pero bakit ganito ang ginawa ko sa kaniya? Sobra na ako! Sobra na ang pananakit ko sa kaniya. Because of my stupid love for Fire I forgot that there's a man na handang gawin ang lahat makita lang na masaya ako.

You're so stupid, self! Ngayon, talagang masasabi ko ng hindi ako ang nararapat para sa kaniya. Dati nahihirapan akong lunukin kapag iniisip kong hindi ko siya deserve ngayon, nahihirapan man pero tinatanggap ko na. What I did to have this kind of man? Bakit naman binigyan ako ng Diyos ng taong hindi ko naman deserve maramdaman ang pagmamahal, pag-aalaga, at pagpapahalaga na pinaparamdam sa akin? Binigay ba siya sa akin para parusahan ako? Binigay ba siya sa akin para pahirapan ako? Bakit?

Hinawakan ko ang kamay ng walang malay na si Thaddeus. Kinuyom ko ng dalawang palad ko ang kamay niya at dinikit sa bibig ko. Walang patid ang pagtulo ng aking luha.

“I'm sorry, Thaddeus. I'm so sorry!” Umiiyak na sabi ko. Alam kong hindi niya ako maririnig. Hindi ko rin naman kayang sabihin sa kaniya ng harapan ang bagay na 'to.

”If... if I could turn back the time na hindi ka dumating sa bahay at aksidenteng na-inom ang gayuma gagawin ko! Gagawin ko! Sorry for all the pain I've cost to you. Alam kong hindi sapat ang sorry ko. I'm sorry! I'm so sorry!” Tumingin ako sa maamo niyang mukha. Blurry man dahil sa luhang nakapalibot sa mata ko, kita ko pa rin ang ka-guwapohan niya. “I will let you go, Thaddeus. I will let you go. Ayaw ko ng mag-suffer ka pa ulit sa mas matinding sakit dahil lang sa pagkabaliw mo sa akin dahil sa gayuma.  I'm sorry for doing this to you but I think... today is the day na kailangan mo ng inumin ang potion.”

GAYUMA GONE WRONG (BOOK 1) [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon