Chapter 1

2.7K 78 2
                                    

****MON SHY GOMEZ***

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong maganap ang isang pangyayaring nagdulot ng matinding trauma sa aking pagkatao.

Gusto kong magsabi sa pamilya ko pero natatakot ako sa pwede nilang gawin at baka mas lalong ikapahamak pa namin..

Gusto kong magsabi sa pamilya ko pero natatakot ako sa pwede nilang gawin at baka mas lalong ikapahamak pa namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mon,hawak mo nanaman yang lumang news paper,that was 3months ago.Bakit nasasayangan ka sa gwapong yan" pabirong akbay sa akin ni Peach,kababata ko siya at parehong school ang pinapasukan namin sa kolehiyo,pero magkaiba kami ng kursong HRM siya samantalang ako BS Architecture medyo magkalayo ang department namin pero halos nag sasabay din kaming pumasok dahil magkatapat lang ang bahay namin dito sa subdivision.
Linggo ngayon kaya as usual nagchichismisan sa mga bagay bagay.

"Sira,hindi iniisip ko lang kung sino ba may gawa neto,sabi nila closed case na daw,pero wala naman akong nakita noon sa TV na sumukong killer" seryoso kong sagot sa aking kaibigan.

"Baka highprofile may gawa,atsaka sabi naman diyan na rapist yang lalaki at madami na yan ginahasa pero hindi nakukulong dahil sa mayamang impluwensya ng magulang"sabay inom nito ng juice at ngumuya ng tinapay.

"Hmm,kaya pinatay nalang siya ng serial killer?atsaka hindi lang naman siya ang namatay na ganyan may tatlo pang lalaking natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa kabilang Brgy at lahat sila ay may mga kaso ng panggagahasa" tinignan ako ni Peach at tinitigan na tila nanunuri ito

"bagay sayo maging detective conan,di bagay sayo kurso mong architecture"mahina nitong tawa

"Mon halina kayo at mananghalian tayo" tawag ni Papa Em habang naglalakad papalapit sa kinaroronan namin.

"Pa,nagmemeryenda kami oh" sabay turo ko sa kinakain namin

"Hindi naman yan kanin kaya sige na halina kayo,masamang pinaghihintay ang grasya" pamimilit ni Papa sa amin.

Hinila ko si Peach papunta sa kusina.

"Wow vegies"natakam na saad ni Peach.

"Oo ayaw na kase ni Mon ng karne ewan ba sa batang to dati paborito naman niya ang mga karne ngayon ayaw na niya kaya naging vegetarian nadin kami"natatawang saad ng aking Ama.

"Naku Tito,Kaya naman pala pati sa school dati laging beefsteak inoorder nya biglaan nalang hindi na niya gusto 3months ng Vegetarian si Mon" patawa na din na saad ni Peach dahil maging siya ay vegetarian at bawal sa kanilang relihiyon ang pagkain ng mga karne.Karamihan na kanilang kinakain ay isda.

"Ayaw mo nun magkakasundo na tayo sa pagkain"nakangusong saad ni Mon habang sumasandok ng kanin at inilagay sa plato ng kaibigan.

Nagkwentohan kami hanggang sa matapos kaming kumain,nagpaalam na din si Papa dahil gagawa pa ito ng lesson plan niya para bukas.Teacher ang aking ama sa isang public school dito sa Quirino Province..

"So paano sabay tayo bukas?aangkas ka ba or idadaan ka si Dra.Nixs sa D.U?"habang palabas na kami ng bahay matapos niya akong tulungang maghugas ng pinagkainan.

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon