***Mon Shy Gomez***
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa biglang pag tunog ng aking tyan.
"Panira naman tong tyan na to" patawa kong saad sumabay naman ito sa pagtawa. Kahit ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa kaba.
"Halika na kain na muna tayo" sabay bangon nito sa akin.
Sa kabila ng kasungitan niya may nakatago din palang kasweetan si Sam.Napangiti nalang ako habang nakahawak ako sa kanyang bewang at siya naman ay nakaakbay sakin.
Inalalayan niya akong maupo, at pinagsilbihan niya ako.
Hindi ko mapigilan na gumuhit sa labi habang pinagmamasdan
ang galaw ng kanyang kamay."Oh, bat ka ganyan makangiti?" pinandilatan ako.
"Eerrm, wala lang,ang sweet lang ng misis ko" sabay tawa ng mahina.
"Gutom lang yan, sige na kumain ka na"saad nito, matapos niyang lagyan ng sinangag na kanin at pritong itlog at spam sa plato ko , kumuha ng dalawang tasa at nilagyan ng mainit na tubig. Nagtimpla ito ng kape.
Umupo ito malapit sa akin.Tumingin ako sa kanya
"Hindi ka kakain?" tanong ko."Iba ang gusto kong kainin" Saad nito sabay higop ng kape.
"Ano ba gusto mo? Bat kase hindi yon ang niluto mo para yon ang kainin natin?" tugon ko.
Tumingin ito sa akin at tila nabasa ko ang nasa utak nito.
"Hay naku Villoso, yang utak mo ayos ayusin mo" irap ko dito.Tumawa ito ng mahina
"Such an Innocent girl pero alam ang nasa isip ko" nakangisi ito na tila nang aasar.Humigop ako ng kape atsaka kumain. Nakatitig lang ito sa akin. Kaya humiwa ako ng spam at itinapat sa kanyang bibig, kaso umiling ito.
Naalaka ko ang una naming halik, napangiako tuloy ako.
"Kanina pa hindi maputol putol yang ngiting yan" nakataas ang isang kilay nito, nagagandahan tuloy ako lalo sa kanya kapag sobrang taray ng itsura.
Sumubo ako, at lumapit ako sa kanya
"What are you doi-" hindi ko na ito pinatapos magsalita dahil dumampi na ang aking labi sa kanyang labi.
Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pagkain na ipinapasok ng dila ko sa kanyang bibig.
Nagtagal ng ilang minuto ang aming halikan.Nang mabatid kong wala nang pagkain sa bunganga niya, dahan dahan akong kumalas.
Nakairap ito sa akin, kinindatan ko lang ito atsaka ko itinuloy ang pagkain.
"I remember that day" sabay ngiti sa kanya.
"Hmm" Saad nito.
"Yeah That Day you kissed me"
Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pagguhit ng maliit na ngiti sa kanyang manipis na labi."Kumain ka na, kung ano ano naaalala mo" Saad nito.
Matapos kong kumain,tinulungan ko siyang nag ayos ng kusina.
Saktong natapos namin maglinis ng dumating si Nieca, ang pinsan ni Sam.
Dali dali akong hinila nito Sam papasok sa kwarto dahilan para magulat ako.
"Ba-Bakit,anong problema" kinakabahan kong tanong dahil kong makahila tila ba nangangamba.
"Magsuot ka ng bra" saad nito.
Natawa ako sa sinabi nito.
"Kung ako lang kahit walang suot"
nakairap nitong saad."Sumunod ka nalang, yan ang closet mo" sabay turo dito atsaka lumabas, pero muling dumungaw sa pintuan.
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.