Chapter 30

995 52 1
                                    


***Mon Shy Gomez***

"Hays hindi ako makaconcentrate sa aking ginagawa,ang dami ko ng scratch na drawing paper,Arrgh!" napasabunot ako sa aking buhok

Nakikita ko padin sa aking imahinasyon ang mukha ni Sam.

"Miss na miss ko na siya" nagbabadya nanamang tumulo ang aking luha kaya naglock ako ng pinto baka maabutan nila akong umiiyak.

Nakatitig ako sa aking wallpaper,mukha naming dalawa ang nakalagay,siya din mismo ang naglagay nito hanggang ngayon hindi ko padin tinatanggal

Hinaplos ko ang screen ng aking cp,
"Ang daya daya mo eh,nang iiwan ka" saad ko habang nakatitig sa kanyang larawan.

Roxanne Calling....

"Hello Rox"pinilit ikalma ang sarili

"Mon kumusta ka na,balita namin wala ka na sa mansion ni Engr" halata sa boses nito ang lungkot

"Wala naman na akong gagawin doon,atsaka walang nakakaalam na kasal kami tanging kayo lang na naroon noong araw na yon,samantalang kay Dom lantarang naisapubliko ang lahat" medyo garagal ang boses kong saad.

"Binilin ko na si Nay Agnes tungkol sa tubig na pinapainom kay Engr." saad ni Roxanne

"Mabuti kung ganon,sana walang mapahamak sa mga tao sa mansyon dahil sa pagpapatuloy ni Sam sa mga ahas" malungkot kong tugon.

"Mon kailangan mong bumalik sa mansyon"pakiusap nito

"Pero Rox---"

"Bumalik ka kailangan ka ni Nay agnes doon nahihirapan daw siyang makalapit kay Sam" putol nito sa aking pagsasalita.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot sa pwedeng mangyari..

"Sige Roxanne mag usap tayo sa school bukas,bye"

Maghapon magdamag akong halos hindi hindi mapakali,hindi rin nakatulog ng maayos.Mabuti at hindi natuloy si Ate Nicole isa pang ikinababahala ko na malaman ng pamilya ko ang lahat ng ngyari,Alam ni Ate Nicole na ikinasal ako sa kaibigan niya na hindi alam ng pamilya ko.

Maaga akong pumasok ng school para magkaroon ng oras na makausap ko sila Roxanne.

As usual ni Dom nanaman ang nasa pintuan ng aming classroom at mas lalo itong naging siga siga sa bawat dumadaan sa harap niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nakayuko akong naglakad kunwari hindi ko siya nakita.

"Opss" sabay hila nito sa sling ng aking bag

"Arghh,ano ba,Dom kaaga aga ha!" irap ko dito

"bat ka umalis sa Mansyon pandak?" nakangisi nitong tanong

"Kase maaga ako ngayon,uuwi din ako mamaya doon para hindi naman nakakahiya sa sponsor ng scholarship ko" pagsusungit ko dito

"Abah dapat na,atsaka dapat pagsilbihan mo din ako "sabay kindat nito

"Bakit ikaw ba sponsor ko?" irap ko dito

"Syempre partner ako ng sponsor mo" sabay ng pag wink ng mata nito

"Kapal,kabet ka lang naman" singit ni Roxanne ng makalampas ito sa aming kinatatayuan

"Anong sabi mo Miss?" tila galit na saad ni Dom

Tinampal ko ang kamay nito para bitawan niya ang pagkakahawak sa aking bag.

"Ouch" binitawan niya at hinipan ang kamay nito na pinalo ko. "Sa mansyon ka lang humanda ka sa akin" pahabol nito.

Hindi rin naging regular ang klase namin dahil madaming prof ang wala.
Si Sam may kahalili ito dahil naka sick leave siya.

"Roxanne uuwi ako ngayon doon,balitaan ko nalang kayo kung anong mga nangyayari"baling ko dito habang naglalakad kami palabas ng gate.

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon