Chapter 32

930 41 1
                                    

**Dom Leith Delfuego***

"Dad paano kung mamatay siya"balisa kong saad sa aking ama ng dumalaw ito sa hospital kung saan nakaconfine si Sam.

"Hindi basta mamatay iho unti unti lang"nakangisi nitong tugon habang nakatingin kami kay Sam na hanggang ngayon mahimbing pa ang tulog

Hindi ko alam kung anong plano ni Dad basta sumunod nalang ako sa gusto niya.Noong una ayaw ko pero noong makita ko kung gaano kayaman si Sam,biglang nagbago ang isip ko.Kahit hindi na ako mag aral at magtrabaho mabubuhay na ako ng sagana kapag napasakamay ko na ang lahat ng kanyang kayamanan.

Gumalaw si Sam at tumingin sa kinaroroonan namin ni Dad

"Sam,hon kumusta ang pakiramdam mo" saad ko habang papalapit sa higaan nito.

"Nanghihina ako" mahina nitong saad

Napansin ko ang pag ngisi ni Dad,medyo naawa ako sa kalagayan niya pero andito na to,nakaplano na kaya maiging ituloy nalang namin.

"Kumusta na siya" tanong ni Mon habang papalapit ito. "Pasensya hindi na ako punta kanina kailangan ko kase mgreport sa school" habang nakatitig ito kay Sam na parang kay Sam niya ito sinasabi.

"Mon pwede ba tayong mag usap?" baling ko dito

"Mamaya nalang Dom asikasuhin ko muna si Maam Samantha  kagabi pa siya hindi napupunasan"saad nito,napapansin kong sobrang close ni Mon kay Sam,tapos lagi siyang hinahanap noon ni Sam.

"Hmm,Mon gaano mo na katagal na nakakasama si Sam" lumingon ito sa akin habang pinupunasan nito ang kamay

"Medyo matagal tagal na din ,hindi ko na tanda kung kelan yung una naming encounter" binalik nito ang tingin kay Sam

Dumapo ang bimpo sa dibdib ni Sam huminto si Mon at lumingon sa akin kaya kunwaring nakatingin ako sa kisame.

"Ahm Dom pwedeng lumabas ka na muna,oo asawa mo siya kahit nakta mo na siguro mas madali kong matatapos kung walang nanonood."

"Ah okay sige,hintayin kita sa labas gusto kitang makausap"

Naglalakad lakad ako ng ilang minuto sa pasilyo ng hospital.

"Dom,anong pag uusapan ba natin?" seryosong nakatingin ito.

"Gusto ko lang sanang malaman kung anong alam mo sa mga negosyo ni Sam,para kapag naggraduate ka sa amin ka naagtrabaho,syempre lahat ng negosyo ni Sam ako ang kahalili niya" nakangisi kong saad

"Alam mo Dom,masyado kang assumero,wala ka din delikadesa alam mong may karamdaman si Sam tapos yan ang isisingit mo sa ganitong sitwasyon?" kunot noo nitong tugon na tila may halong galit

"Gusto kong malaman kung anong meron sa inyo ni Sam"diretcho kong tanong na tila ikinagulat nito

"Gaya ng sabi niya noon,sponsor ko siya,at prof ko siya,kung anong sinabi niya yon na yon Dom"

"Kung ganon layuan mo ang asawa ko,huwag ka ng lalapit pa sa kanya simula sa araw na ito" pinadilatan ko siya

"Huh?,Are you insane Mr.Delfuego? kaibigan ko si Sam at tanging kami nalang ang pwedeng tumingin sa kanya dahil wala na siyang pamilya"sarkasmo niyang tugon

"Kaya may ako eh,may asawa na siya,kaya hindi na niya kayo kailangan" seryoso kong saad

"Tama ang aking anak Ms.Gomez hindi mo na kailangang magpunta dito araw araw para tignan si Samantha,kami na ang bahala sa kanya" singit naman ni dad na kanina pa pala nakatayo sa aking likuran.

"Huwag niyo naman po akong pigilan na asikasuhin ang aking kaibigan" may halong garagal ang boses nito.

"Basta bawal ka ng lumapit kay Samantha" pag didiin ko.

"Hindi ka naman siguro bingi iha" nakangising singit ni Dad "Halika na iho baka magising si Sam hanapin ka niya" iniwan namin si Mon na nagpupunas ng luha.

TBC...

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon