Chapter 13

1.1K 55 1
                                    

***Mon Shy Gomez***

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa sobrang iyak na naibuhos ko,maging si tita ilang beses na itong nahimatay simula kaninang naiuwi ang bang kay ni Peach.
Nag iisang anak lang si Peach kaya sobrang sakit ito sa kanyang magulang.

"Mon,halika sa room ni pinsan,may ipapakita ako sayo"akbay sa akin ni Arianna,pinsan ni Peach.

May kinuha siyang diary,at ilang mga love letters.

"Iniipon niya mga to,hilig kase niyang mag sulat" nakangiting saad ni Arianna.

And this sabay kuha sa isang box," I dont know who is Roxanne"umirap ang mata nito sa box na hawak.

"Hindi daw niya yan kasundo,pero sa totoo lang crush daw niya masungit nga lang daw kaya hindi niya maamin"

"Actually Roxanne is here" matipid kong ngiti kahit ang hirap ngumiti dahil sa nangyari

"Hmm pwede ko bang makilala yang babaeng yan,na akala mo naman kaganda ganda at sinusupladahan ang pinsan ko" mataray nitong saad.

"Mabait naman si Roxanne,siguro hindi lang talaga sila magkasundo" sagot ko.

Kinuha ko ang box na naglalaman ng mga sinulat ni Peach para kay Roxanne."Halika nasa labas sila kanina"

Nakita kong nakaupo sila ni Elljay sa ilalim ng puno na animoy mga bodyguard at hindi mapakali ang kanilang mga mata.Ng makita kami ni Roxanne agad itong tumayo at ganun din si Elljay.

"Mag stay ka nalang muna sa loob Mon,huwag kang labas ng labas" bungad ni Roxanne,ni hindi napansin ang katabi kong si Arianna

"Kaya nga Ms.Mon doon ka nalang muna para mas ligtas kung walang makakita sayo" mahinang bulong ni Elljay,naguguluhan man ako sa mga nangyayari pero wala akong magawa kundi sumunod sa knila.

"Oo papasok din ako,siya pala si Arrianna Suarez Carrie pinsan ni Peach" pagpapakilala ko agad namang nkipag daupang palad si Elljay pero si Roxanne nag Hi lang ito.

"So ikaw pala si Roxanne,hmmp" humalukipkip si Arianna at mataray nitong tinitigan si Roxanne mula ulo hanggang paa,atsaka nito inirapan.

"Yes Ms.may problema ba?" tila nag init ang ulo ni Roxanne sa ginawa ni Arianna na pagmata sa kanya.

"Bakit ba hindi magkasundo ang Navar at Suarez,pwede kalmahan nyo mga sarili nyo" mahina kong tawa dahil sa tinginan nilang dalawa parang gustong magsabunutan.
"Arianna diba gusto mo siyang makilala?"

"Hindi na nagbago na ang isip ko,siya mauna na ako sa loob baka may masabi pa akong di maganda sa taong nagmamaganda sa paligid"pairap niya tinignan si Rox atsaka ito tumalikod

"Kesa naman feeling sexy" irap din ni Roxanne natawa nalang kami ni Elljay dahil sa natunghayan naming asaran ng dalawa.

"Siya pala eto oh,nilagay ni Peach diyan yung mga ginawa niyang sulat sayo,andito sa loob ng box kapag may time ka basahin mo,tiyak matutuwa siya "biglang lumungkot ang mukha ni Roxanne

"Haist ang aga niyang nawala,hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataon na makilala sana siya ng lubusan" tinapik ni Elljay ang balikat ni Roxanne tanda ng pakikisimpatya sa nangyari.

"Hindi ka pa nanligaw nabyuda ka na agad,tsskk" si Elljay,napatawa ako ng mahina.

Inirapan nalang siya ni Roxanne.
Napansin ko ang pamilyar na babaeng nakatayo sa di kalayuan.

Nakaramdam ng malakas na pag pitik ng aking puso habang nakatingin sa kanyang kinaroroonan.

"Diba si Maam Samantha yon"nguso ko sa dalawa

"Hindi siya pwedeng lumapit Mon,siya sige na pumasok ka na sa loob"halos ipagtulakan ako ng dalawa papasok sa loob.

Naupo ako sa tabi ni Tita at bigla niya akong niyakap,Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha habang naririnig ko ang hagulgol ni Tita.

"Ang bait bait na bata ni Peach,she dont deserved all this,kailangang may magbayad sa ginawa sa kanya" usal nito habang patuloy na umaagos ang aming mga luha.

"Ti--ta hindi tayo susuko hanggat hindi makamit ni Peach ang hustisya"

"Mga hayop sila,dapat sa kanila mabulok sa bilangguan"galit at hinagpis ang nararamdaman ko sa ina ni Peach.

Ng halos magkakasunod na sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay nila Peach at nagsipagilid ang mga tao.

"Magandang hapon Sir"yukod ng bawat nadadaanan ni Don Dominador,kasama niya ang anak niyang engineering na si Dom Leith Delfuego.

"Nakikiramay kami sa nangyari Misis" bungad ng Don kay tita.

Tumungo nalang si tita,si Dom lumapit ito sa kabaong ni Peach at tinitigan atsaka ito umiling naupo ito sa tabi ko.

"Sino daw may kagagawan?" mahinang usisa nito.

"wala pang lead ang mga pulis" seryoso kong sagot

"Nakikiramay ako sa pagkawala ng bestfriend mo,moning" inirapan ko siya

"Mon hindi Moning" tumawa ito ng mahina,kahit saang lugar  hilig talagang  mang asar.
"sasabihin ko kay Peach multuhin ka niya mamayang gabi" nanlaki ang mata ni Dom sa narinig takot ata sa ghost ang loko

"Huwag naman,mabait na ako hehe" at hindi na nga siya umimik nakinig nalang sa pag uusap ng kaniyang ama at ni tita.

Ilang saglit pa ay nagpaalam na ang mga ito.

"Dadalaw kami ulit dito Misis sa mga susunod na mga araw para sa makuhang mga detalye sa ngyari sa inyong anak" habang tinatapik nito ang balikat ng ginang.Tumingin ito sa akin na tila inaaral ang aking mukha.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw yung bestfriend ni Peach" baling nito sa akin.Nagtaka ako kung paano niya nalaman samantalang ngayon lang siya nagpunta dito.

"Ahhmm O--opo sir" nautal kong sagot..

Nagpaalam na ang mga ito,ngunit bago sila makalabas ng pintuan nahuli ko siyang lumingon sa aking kinatatayuan at ngumisi

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon