Chapter 17

1K 45 1
                                    

***Miguel Del Rio***

"Magsaya kayo ngayon baka huling pagsasaya niyo na yan" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang larawang pinadala ni Dannylyn sa akin.

Baka huling birthday na yan ng babaeng prinoprotektahan para hindi lumabas ang baho mo Ms.Villoso.

Master tumatawag si Danny,eto ang telepono

"Hello Danny,anong balita" nakangisi kong tanong.matagal ng pinagkakatiwalaan ni Samantha si Danny kaya alam kong madami itong nalalaman kaya malaking halaga ang iooffer ko sa kanya.

"Master tapos na ang party,wala namang mga plano pa si Boss,baka pagod din siya kaya hindi ko pa nakakausap" sagot ng nasa kabilang linya.

"Sige basta balitaan mo ako kung anong mga plano  niya,si Enzho at Von kailangan makatakas sila bago matapos ang gabing ito" madiin kong saad

"Huwag kang mag alala Master baka nga  andiyan na sila eh" tumatawang saad nito

"Master andito na si Von at Enzho" sigaw ng isa kong tauhan

"Good job Danny,maasahan ka talaga bukas magdedeposit ako ng pera sa bank account mo"tumatawa kong tugon

"Sige na master baka makahalata sila na ang tagal ko dito sa labas,uuwi na din kase kami sa rest house"hindi na niya hinintay ang sagot ko pinatay na niya agad.Nakangisi akong nagtungo sa kinaroroonan ni Enzho at Von.

Nakahiga na ang mga ito sa tig isang kama at puno ng latay ang kanilang katawan.

"Master tulungan mo kami,papatayi kami ni Engr." takot na takot nilang usal

"Ilabas niyo yung Doctor na bihag ngayon natin siya kailangan"

Ilang sandali pa at nailabas na nga nila.
"Gamutin mo sila" maotoridad kong saad

"Masasama kayong tayo bakit niyo kami ikinulong at yung mga gamot na dala namin para sa mga katutubong Aita yon,mas nangangailangan sila,wala ba kayong mga puso" isang malakas na sampal ang itinugon ko sa Doctor.

"Aaggh,ang sama mo" sinamaan ako ng tingin

"Masyado kang madaldal na Doctor,baka gusto mo pang pahirapan bago ka sumunod" gigil kong saad

Tinignan niya ako ng masama "Masahol pa kyo sa hayop,hindi makatao yang mga pinag gagawa ninyo!!"

Hinablot ko ang kanyang braso,sabay sinikmuraan ko ito dahilan para mapayuko at namilipit sa sakit

"Aagghh,,ouch hayop ka..buhay ka pa pero sinusunog na sa impyerno ang iyong kaluluwa!!"galit nitong saad

Isang tadyak ulit sa kanyang tiyan,at napatimbuwal ito.

"Masyado kang madaldal,ahh,ito isang tadyak pa agh" bumaluktot na ito sa sobrang sakit tinawanan ko ito habang namimilipit sa sakit.."hahaha ano,hindi ka padin susunod sa gusto ko",inambaan ko ulit ng tadyak ng biglang nagsalita si Von

"Master baka mamatay yan walang gagamot sa amin" nanghihinang saad ni Von.

Umikot ako Doctor at mag isip kung paano ko siya mapapasunod.

"Hmmm,,Gagamutin mo oh papatayin ko ang  isa sa mga kasamahan mong nurse?" hinawakan ko ang baril at ikinasa

"Hwag mo silang idinadamay sa kahayupan mo!"

"Ayaw mo talagang sumunod,Akhiro,patayin mo ang isa sa mga bihag" galit kong sigaw

"Ga--gamutin ko,basta wala kayong sasaktan kahit isa sa mga kasama ko" mabilis nitong tugon.

"Susunod ka din pala eh,sige tumayo ka diyan" iika ika itong tumayo at lumapit kila enzo

"Kailangan nila ng antibiotics at kailangan matusukan sila ng Dextrose,wala tayong gamot"saad nito

"eto yung mga gamot" tumingin ito sa kahong kahon ng gamot na inilapag

"Para sa mga katutubong Aita yang mga yan,hindi para sa inyo"madiin nitong saad

"Hindi ka ba talaga titigil sa kasusumbat niyan ha!,yan lang ang gamot na andito atsaka saan kami kukuha ng gamot sa ganitong dis oras ng gabi"

Bumuntong hininga ito  "Dalhin nyo sa akin yung nurse ko,kailangan ko ng tulong niya para mas mabilis silang magamot"

"Anong pangalan ng nurse mo?"

"Si--si Nurse Jhang"...

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon