***Nicole Flores***
"Pa,alam niyo naman na umalis na ako sa Chua Vet Clinic kaya wala akong trabaho sa ngayon" saad ko sa aking ama na pilit akong hinihingan ng pera para sa step sister kong si Krissa
"Alam kong may ipon ka pa Nicole,babayaran ko nalang kapag nakasahod ako.Kailangan lang talaga ng kapatid mo" pamimilit ni papa
"Masyado na atang mataas ang tingin mo sa sarili mo Nicole,tandaan mo kumakain at nakikitulog ka padin dito sa bahay ng libre" singhal ng aking madrasta
"Mama Pina,bahay naman ito ni papa,atsaka anak din niya ako kaya malaya akong tumira dito ng libre" mahinahanon kong tugon " atsaka nagbibigay naman ako ng pang grocery every week" akmang hahablutin niya ako ng iharang ni papa ang katawan niya
"Hayaan mo na honey,dedelehensya nalang ako sa katrabaho ko" sabay akay papunta sa kanilang kwarto.
"Haist,paano kaya kung magtatrabaho nalang ako kay Sam,pero ayaw ko ng magulong buhay,alam ko kaseng delikado ang mga trabaho sa kanya lagi tago ang identity" naglakad ako papunta ng sa garden para magpahangin,maliwanag ang buwan,malamig na ang simoy ng hangin ramdam ko na ang lqmig ng pasko.
Tumunog ang aking cellphone na nakabulsa sa aking pajama.
"Hello po sino to?" sagot ko mula sa tawag na hindi ko kilala
"Hello Maam,si Jemelyn po ito ng JRV vet Hospital.Maari pong mag report po kayo sa director office bukas para sa inyong interview." halos walang mapagsidlan ang aking saya dahil nabigyan ako ng pag asang makapagtrabaho ulit.
Ilang linggo ko din hinintay ang tawag ng Vet hospital na yon."Thank you so much Ms Jemelyn,makakaasa po kayo darating ako bukas" nagpasalamat ito atsaka binaba ang telepono.
"Haist" ngumiti ako tumingala sa langit,natakpan ang buwan sa mga ulap.
"Kumusta na kaya si Doc Nixs,hindi na siya nagparamdam simula noong di niya ako sinipot,siguro nga tama nga na hindi naman kase ako ganon kahalaga para bigyan at pagtuunan ng pansin.
Masaya na ako na meron si Sam at Marro bilang mga taong nagmamahal sa akin.
Bakit ko ba iniisip yung Ran Nixs na yon,sino ba siya sa akala niya hmmp.Pumasok na ako sa loob at inihanda ang damit ko para bukas,kailangan kong plansahin para hindi na siya pang gagawin ko bukas
"Sh*t " bulalas ko,bat anong nangyari sa mga gamit ko at kalat kalat,mga laman ng kabinet ko lahat nailabas.
Dali dali kong hinanap yung bag ko,wala na yung cash ko na five thousand maging yung mga tig twenty pesos ko walang itinira."Pa!!,Ma!! buksan niyo to!!" kalabog ko sa pintuan ng kanilang kwarto
"Ano ba naman Nicole gabing gabi na ang ingay ingay mo!" pagalit na saad ni papa pagkabukas nito ng pinto.
"Pa nawawala yung pera ko,hindi ko alam kung sinong kumuha,Pera ko yun para sa paghahanap ko ng trabaho pang allowance ko yon pa" garagal kong saad.
Isang malakas na sampal ang itinugon niya sa akin
hinawakan niya ang aking panga at galit na dinuro"Huwag mo kaming pinagbibintangan Nicole dahil wala kaming pakialam sa mga gamit mo!"singhal ng aking ama at pabalibag nitong isinara ang pintuan.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang ng umiyak.Saan ako kukuha ng pera ng pamasahe ko papunta sa hospital bukas.Ayaw ko nandin magkaroon pa ng koneksyon kay Aiko siya lang alam kong makakatulong sa akin..Si Marro hindi rin ito sumasagot sa aking tawag baka busy din sya..
Kinuha ko ang mga gamit ko at inilagay lahat sa maleta .Nakapagdesisyon na ako.Aalis ako dito at hindi na muling magpapakita pa sa pamilyang ito.
Pagbaba ko ng hagdan lumingon si Krissa
"Abah saan ka naman pupunta niyan,ang tapang mo din talaga noh" nakairap nitong saadTinignan ko siya ng masama "pagsisihan niyo ang lahat ng mga ginawa nyong pananakit sa akin"
Humagalpak ito ng malakas at hinatak niya ako palabas ng bahay
"huwag ka ng babalik sampid,pwee!!" malakas na isinara ang pinto"Sam please answer your phone,ikaw nalang ang pag asa ko"
"Hello po" mtinis na boses ang sumagot
"Hi,andiyan ba si Sam,pwede ko ba siyang makausap" tugon ko
"May kausap sa landline sabihan ko nalang na mag callback po siya sayo ate Nicole" tila may humaplos sa aking puso sa pagtawag niya sa akin ng ate, comforting.
"Ate Nicole andiyan ka pa?" napangiti ako sa muli nitong pag ate.
"Aahhmm ,,pu--pwedeng pasabi na sunduin niya ako " mangiyak ngiyak kong saad
"Halla Ate okay ka lang ba?Basta diyan ka lang ipapasundo ka ni Sam" nag aalala nitong tugon.
Naupo ako sa gilid habang hinihintay ko ang susundo.Habang nakatingin ako sa bahay.Nagpatay na si Krissa ng ilaw maging ilaw dito sa gate kaya tanging street lights nalang ang lumiliwanag sa aking kinauupuan..
Ang kaninang ang gandang panahon ngayon tila nag iba,mukhang uulan pa ata.Nakikisimpatya ba sa nararamdaman ko sa oras na to.
Paisa isa na ngang pumatak ang ulan,mayat maya ay lumakas ito.
Bumalik ako sa bahay pero nakalock na ang pinto."Krissa ,pa,ma buksan nyo ang pinto" ngunit bingi ang lahat.
Hanggang sa may humintong sasakyan sa tapat kaya lumapit ako
"Ms.Nicole Flores,ako po inutusan na magsundo sa inyo" hindi na ako nag alangan na sumama sa babae.
Giniginaw na ako dahil sa pagkabasa ko sa ulan.
"Maam, kunin mo muna yang jacket na nasa likod para hindi ka ginawin masyado" saad ng babae"Ako nga pala si Rhea" nakangiti nitong saad
"Bakit ibang daan tinatahak natin diba kay Sam tayo pupunta" taka kong tanong
"Hindi po si Engr.ang nagpasundo sa inyo Maam,basta sabi niya ipunta kita sa apartment na pwde mong tirahan,gusto daw niya na ligtas ka kung kay Engr.daw walang kasiguruhan ang kaligtasan mo" ngumiti ulit ito ng bahagya
"Sino nag utos sayo?naguguluhan kong tanong
"Atsaka na Maam,malalaman niyo din,huwag kang mag alala makakpamuhay ka ng malaya,eto nga po pala,kunin mo ito pinapamigay sayo" sabay abot sa nakasobre
Sinilip ko ito at bugkos ng pera ang laman."Kung sino man siya pasabi salamat" isang matipid na ngiti ang itinugon nito matapos niya akong ihatid sa titirhan kong apartment,
Alam ko tong lugar,malapit lang ito sa JRV Vet.Maliit lang ang apartment pero kumpleto na sa lahat ng gamit.may maliit na ref at ilang mga de-kuryenteng gamit sa pagluluto.
"Sana ito na ang umpisa ng maayos at tahimik kong buhay"habang nakatanaw sa bintana at pinapanood ang paunti unti pagtigil ng ulan.
TBC
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.