Chapter 14

1.1K 50 1
                                    

***Miguel Del Rio***

"Mr.Delfuego,mabuti naman at pinaunlakan mo ang aking paanyaya" nakangising salubong ni Miguel sa Don.

"Alam mong mahalaga sa akin ang bawat oras kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin ,akoy aalis din agad"seryosong saad nito.

Ngumisi ako habang natingin sa kanya
"Gusto mo bang malaman kung sino talaga ang pumatay kay Damian?"
biglang nagbago ang awra ng Don pagkarinig sa pangalan ng anak.

Kailangang makuha ko ang loob niya para magtulungan kaming mapabagsak sa Samantha.

"May alam ka ba tungkol sa nangyari" kita ang galit sa kanyang mata ,kaya sumulong ang aking mga tauhan palapit sa akin ngunit sinensyasan ko silang huwag makialam kaya umatras sila

"May alam ako pero hindi lahat ay alam,pero kilala ko ang may kagagawan ng lahat"

"Sino siya" mahina nitong tugon

"Malalaman mo kung tutulungan mo akong pabagsakin si Engineer Villoso,alam kong bihag niya ang dalawa kong tauhan na si Enzo at Von"

"Mahirap pabagsakin yang tsong kinakalaban mo Del Rio" natatawang tugon nito.

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang aking baba,oo mahirap kalabanin si Samantha dahil marami itong secret agent na nakapalibot sa kanya,sa lahat ng galaw niya sa bawat pupuntahan niya.

"Ano bang gusto mong mangyari sa Samantha na yun" baling nito sa akin habang nagsisindi ng sigarilyo

"Gusto kong makuha ang kanyang kayamanan,alam kong marami kang kilalang matataas na tao para matulungan ako kailangang maging asawa ko sa papel  si Samantha, kapalit ng paturo ko kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ni Damian" nakangisi kong saad.

Alam kong hanggang ngayon hindi parin ito tumitigil sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang anak.

"Kailangang malaman niyo kung sino ang kanyang kahinaan para mas madali natin siyang mapasunod" saad ni Don Dominador

"Baka pwedeng magpatulong sa iyong anak na nag aaral sa D.U.balita ko professor ng mga Engineer si Samantha"

Sakto naman na kasama niya ang kanyang anak dahil nagpunta sila bahay ng kanilang schoolmate naging bihag namin.
Tumingin si Don Dominador sa kanyang anak

"Bibigyan kita ng trabaho,alamin mo ang lahat ng lakad ng iyong guro na si Samantha Claire Villoso" titig ng Don sa anak

"Dad,ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako gagaya kay kuya Damian na lahat ng kalokohan nyo ay sinusunod,kaya siya napahamak dahil sa inyo" diin ni Dom sa ama.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Don Dominador sa anak,"Wala kang galang,sundin mo ang sinasabi ko kung ayaw mong palayasin kita sa bahay" galit nitong saad atsaka ito bumaling sa akin.

"Huwag kang mag alala Don Dominador, hahatian kita sa lahat ng makukuha ko kay Samantha" paninigurado ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong pugu tan kita ng ulo" masamang tumitig ito sa akin,Napangisi nalang ako ng tumayo na ito at umallis

"Hindi niyo ako mapapasunod sa gusto nyo" masamang tumitig si Dom leith sa akin bago siya tumalikod.

"Pag isipan mo tol palalayasin ka ng iyong ama hahaha" lumingon ito at tinaasan niya ang middle finger nito. "F*ck you" sigaw nito.

Nangangamoy tagumpay ka na Miguel..

TBC...

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon