Chapter 18

1K 47 1
                                    

***Doc Ran Nixs Gomez***

Naging abala ako sa panggagamot sa dalawang lalaking ito na halos tadtad ng latigo ang katawan.
Abala din ang utak ko sa pag alala sa mga nangyari bago kami humantong dito.

Maaga akong umalis ng bahay dahil kailangan naming makarating sa mountain province ng mas maaga.

Malayo layo ding biyahe yon.Sakay ng aking kotse,papunta na ako sa lugar kung saan naghihintay amg Van na sasakyan namin.

"Hello Nurse Jhang,yung mga gamot huwag niyo kakalimutan baka may mga maiwan kayo"

"Don't worry Dra. nailagay na po ang lahat" sagot ni Jhang na nasa kabilang linya.

"Sige na malapit na ako" ng matanaw ko na sila na nag hihintay sa labas ng hospital.

"Dra.isang sasakyan nalang ang gagamitin natin?" tanong ng helper.

"oo iiwan ko na tong kotse dito sa hospital,siya tara na pasok na kayo sa van kailangan mas maaga tayong makarating para mas maibigay natin ng tamang seminar para sa mga katutubong aita"

Naging tahimik ang biyahe,medyo malamig na ang simoy ng hangin dahil sa disyembre na.

Naalala ko si Nicole
"Sh*t nakalimutan ko siyang tawagan na hindi kami matutuloy bukas baka hintayin ako nun tssk" napatampal nalang ako sa noo at sinubukan kong tawagan pero mukhang wala akong signal ng biglang tumigil sng sinasakyan namin.

"Bakit anong nangyari"tanong ni Jhang

"May nakabalandrang kahoy ,lance samahan mo ako baba ka diyan buhatin natin"sigaw ng driver.

Medyo madilim pa ang daan,bigla bumukas ang pintuan ng van at pinagtutukan kami ng baril ng mga nakaboneteng kalalakihan at may dalang mga baril.
Hindi na namin nagawang manlaban sa takot na baka patayin kami..

"Bilisan mo diyan"sigaw ng lalaki sa akin dahilan para maudlot ang aking pagmumuni muni.

Nakita ko ang panginginig ni Jhang at hindi nito mahanap hanap kung saan ituturok ang dextrose.

"Kalma jhang"bulong ko sa kanya " kailangan mong tatagan ang loob mo,makakauwi din tayo,pangako yan"

Medyo kumalma naman ito,pagkatapos naming malapatan ng gamot ang mga lalaki ay ibinalik din kami sa kulungan.Ikinulong kami sa puro rehas at talagang naka sadyang kulungan.

Paano kami makakatakas nito.Mula  dito kitang kita kami at kitang kita din namin kung sino ang naglalabas masok sa loob ng bahay na ito..

Isang babae ang dumating,naka damit ito ng itim.

"Hey Dannylyn kumusta,mabuti naman at napadalaw ka dito"sigaw ngnlalaking tinatawag nilang Master.

"Kukunin ko lang yung pera master,kailangan ko na kase" lumingon ng bahagya sa kinaroroonan namin.

"May bihag pa pala kayo dito" baling nito sa kausap

"Mga doctor Nurse para kapag may mga magkasakit at magkasugat agad na may gagamot"nakangising saan ni Miguel habang nakatingin sa aming kinaroroonan.

Lumapit yung babaeng tinawag niyang Dannylyn at umikot mula sa kinaroroonan namin.Huminto ito sa tapat namin ni Jhang at tinitigan niya kami ng mabuti,bahagya itong lumapit  atsaka ulit lumayo papunta kay Miguel.

"Maganda yung babaeng nakaputi"nguso nito kay Jhang.

"Siya si Nurse Jhang,type mo" ngisi ni Miguel

"pag isipan ko " nakangisi itong lumingon kay Jhang

"Doc nakakatakot naman yung babae"habang humalukipkip ito sa aking braso

"Basta kailangan nating makatakas dito,gagawa ako ng paraan" mahina kong saad.

Bigla akong nalungkot ng maalala kong kaarawan pala ng aming bunso ngayon.
"Im sorry Mon,Happy birthday"tuluyan ngang bumagsak ang luha sa aking mata,dahil naisip kong mag isa itong binoblow ang candle at kinakantahan ang sarili.

"Dra okay ka lang?" nag aalalqng tanong ni jhang

"Birthday ni Mon ngayon,nalulungkot lang ako na hindi ko manlang nabati at natawagan.

"Maiintindihan ka din niyan pag nalaman niya ang kalagayan natin dito"malungkot nitong saad.

Napahinto kami sa pag uusap ng lumapit ulit ang babae.Humawak ito sa rehas may hawak itong papel.
"Hi Ms.anong pangalan mo" nakangisi nitong tanong kay Jhang

Puno ng Takot si Jhang na sumiksik sa aking likod.Pero bakit tila ang likod ng mata ng babae na parang tinitignan kung may nakatingin sa kanya.

"Master miguel,matatakotin ata bihag mo"

"patayin mo na kung ayaw kang sagutin hahaha" parang demonyo itong tumawa,

"Saglit lang Danny ,kunin ko lang yung pera mo" paalam ni Miguel

"sige lang master" titigan ko nalng muna si Ms.Nars. sabay kindat nito kay jhang na takot na takot

Kinuha niya ang cellphone nito at kinuhanan niya kami ng larawan na tila may pinagsendan..

Binitawan niya ang kamay nitong nakahawak sa rehas at may nahulog itong maliit na papel pero tinignan niya ito at inilipat ang tingin sa akin.

Pasimple kong ibinulsa ang papel

"Eto nanyung pauna sa bayad,kapag may mas maganda kang balita sa susunod mas taasan ko pa yan" nakangising saad ni Miguel

"Sige Master,mag ingat kayo dito"lumingon ito sa kinaroroonan namin at kumindat "bye Nurse Jhang see you next time"

Ng makaalis na siya,pasimple akong sumiksik sa aking mga kasamahan at binuklat ang papel na ibinulsa ko.,nanlaki ang mata ko  at nabuhayan ng pag asa dahil sa nabasa ko

"11pm bukas itatakas namin kayo"

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon