Chapter 10

1.2K 53 1
                                    

"Master Miguel ,sigurado pinapahanap na tayo ni Boss ngayon" nag aalalang saad ni Von

"Huwag kayong mag alala walang nakakaalam sa lugar na ito,maging mga tauhan ni Boss "

"Master,eto yung babaeng may ari ng cellphone na may larawan ng babaeng kasama ni Boss nung isang araw" habang hawak hawak nila sa kamay ang babae

"Pakawalan niyo ako,ano bang kailangan niyo sa akin!"

"Anong pangalan ng babaeng to"sabay pakita sa larawan ni Mon Shy Gomez

"Hindi ko siya kilala" madiin nitong tugon.

"Peach Suarez,tama?Hrm student at graduating,,gusto mo bang grumaduate na may hawak na diploma o gusto mong grumaduate na may bulak sa ilong" Nakangising saad ni Miguel.

"Kahit patayin niyo ako hindi ko kilala yang babaeng sinasabi niyo,Nagandahan lang ako kay Engineer Villoso kaya pati yang babaeng kasama niya nakuhanan" matigas padin ang sagot ni Peach.

"Talaga? eh itong larawan niyong dalawa ng babae,hindi rin ba sinasadyang nakuhanan mo?" habang inilalapit nito sa mukha ni Peach.

"Kahit pa kilala ko siya wala kayong makukuhang sagot sa mga tanong niyo" matalim na tingin ang iginawad sa mga ito.

Isang malakas na sampal ang isinagot ni Miguel

"Aghh!,"hinawakan nito sa leeg at sinakal
"Ayaw mo talagang magsalita ha!!!" at mas lalo nitong hinigpitan ang pananakal nito

"Ka--kahit patayin mo a--akk ako hindi ko ipagkakanulo ang kaibigan ko,,pwee!!! " nabitawan niya ito dahil sa pandudura ni Peach sa mukha ni Miguel.

"Talagang ayaw mong magsalita" binunot nito ang kanyang sinturon.Igapos niyo yan.

Pagkatapos nila itong maigapos ng nakatayo at payakap sa isang haligi na nakalagay sa gitna ng bahay na piangkulungan sa kanila.
Nakatingin ang lahat ng mga dinukot nila at nag iiyakan.

"Tumahimik kayong lahat,kung ayaw niyong magaya sa babae ito" sigaw ni Miguel.

"Hayop ka,pakawalan mo ako dito duwag!!" sigaw ni Peach

"Duwag pala ha"nanggalaiti sa galit si Miguel na hinampas ito ng sintron sa likod ni Peach."Sino yung babae sa larawan?"

"Wala kang mapapala sa akin,hayop ka!" muling sigaw ni Peach,at muli isang malakas na hampas ang lumapat sa kanyang braso

"Master tama na baka mapatay mo baka magamit natin yan para magpakita yung babae" habang inaagaw ni Enzho ang hawak ni Miguel na sintron.

"Kaya nga master" segundo naman ni Von.

Lumapit si Miguel kay Peach at pasabunot nitong hinawakan ang ulo "Pag isipan mong mabuti kung gusto mo pang mabuhay magsabi ka nalang ng mga nalalaman mo"  sabay kutos nito

Hinang hina si Peach sa ginawa sa kanyang pagpapahirap ngunit matigas ang desisyon nitong proprotektahan ang kaibigan kahit pa kapalit ng kanyang buhay.

"Peach!,peachy  peachay hahaha"

"Hoy gulay"

"the living gulay petsay hahaha"

Pambubu lly ng mga bata kay Peach.

"Hoy anong ginagawa niyo sa kanya,gusto niyo isumbong ko kayo sa teacher nyo para ibagsak niya kayo"masungit at suplada si Mon kapag may mga naagrabyado.


"Markus"Isang malakas na sampal ang isinalubong ni Mon matapos malamang niloko niya ang kaibigan niyang si Peach.

Naging shield ni Peach si Min noong panahong hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.
Kung minsan,kahit gabing gabi na nagtityaga itong mag antay hanggang sa matapos ang ginagawang assignment ni Peach kahit magkaiba sila ng kurso.

"Nothing feels as  good as being loved by Mon, and i promise to protect you,its my turn to pay back" nag uunahang tumulo ang kanyang mga luha habang inaalala kung gaano naging mabuting kaibigan si Mon sa kanya.

"Master,sa D.U din pala nag aaral yung anak ni Don Dominador Delfuego" saad ni Von

Napangisi si Miguel at nagkasilip ito ng pag asang may makakatulong para malaman kung taga saan ang babaeng kasama ni Engineer Sam.

"Ihanda mo ang sasakyan,makikipagkita tayo kay Don Delfuego at ibubunyag natin ang lihim ni Samantha Claire Villoso,siguradong kakampi sa atin ang Don at mas mapadali ang lahat"Tila demonyong humalakhak ito

"Master sigurado ka bang makukuha natin ang lahat ng kayamanan ng mga Villoso" tanong ni Enzho

"Wala ng kamag anak si Samantha,walang asawa tanging yung yaya Agnes niya ang pwde at maaring pamanahan niya madali nalang idispatsa ang babaeng yun,.

May usapan noon ang grupo na ibabahagi ni Samatha ang kanyang ari arian sa lahat ng tauhan niya pero gagawa tayo ng paraan para mapapirma natin ang mga testamento na hawak natin" sabay sabay sabay silang nagtawan.

"Woohh nangangamoy mayaman na Master" sigawan ng mga ito.

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon