Chapter 36

1K 49 1
                                    

*Samantha Claire Villoso*

"Caz where are you?" tanong ko mula sa kabilang linya.

"Andito ako sa coffeeshop,andito ka na ba sa probinsya?" masayang wika nito

"Yes,Nieca..and I'll be there for a minute,ang traffic eh naabutan pa ng stop light" saad ko habang nakatingin sa paligid.

Lumingon sa akin ang isang motorista,naka suot ito ng itim na helmet,kitang kita ko ang paggalaw ng ulo nito na sa akin nga nakatingin

"Ako ba ang tinitignan niya?Muling bumaling ito sa kanyang harapan pero na tingin padin sa side mirror nito.Napailing nalang ako

Umusad na ang ibang sasakyan ngunit siya nanatili padin ito.Kaya nilampasan ko nalang ito.

Napansin ko ang pagsunod nito ng tingin maging sa side mirror ko nakatingin padin ito..
May naalala tuloy ako,ganon siya,napakainosente sa lahat ng bagay.Napangiti nalang ako ng marating ko na ang coffeeshop.

Ilang buwan na din ang nakakalipas simula itinayo ko ang coffeeshop na ito.

"Goodmorning Boss" halos sabay sabay na bati ng mga crew

"Goodmorning" seryoso kong tugon,dumeretcho ako sa opisina ng shop para magbasa ng mga mga emails dahil may meeting ako mamaya para sa new investor ng coffeshop sa kabilang bayan.

Matapos kong replyan ang lahat ng emails,inayos ko ang sarili ko.
at lumabas ng Opisina ng mapansin ko si Nieca na abala sa pakikipag usap sa costumer.

Hinayaan ko nalang ito at tuloy tuloy na lumabas.

Naptingin ako sa motor na nakaparada sa harap at yung helmet na nakasabit dito.What a coincidence,nasa loob siya ng coffeeshop.

Naglakad ako patungo sa aking kotse malelate na ako sa aking meeting

Ilang minuto na akong nagdadrive ng mapansin ko nanaman ang motorsiklong nakabuntot sa akin sa di kalayuan.

"Sinusundan mo ba ako"bulong ko sa aking sarili

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ngunit ganun din siya,lumiko ako para masigurong ako nga ang sinusundan nito.Lumiko din ito nakailang beses na aking nag iba ng daan pero nasa duluan padin ito..

"Arggh Sh*t wala na late na ako sa meeting!!" napahampas nalang ako sa monubela ng makita ko ang oras sa aking relong pambisig.

"Kainis!" Nagdesisyon akong umuwi nalang

"tignan ko lang kung susunod ka pa" inis kong usal

Bigla kong naalala si Mon,that day when she followed me at natunghayan ang mga bagay na hindi niya dapat nakita na wala dapat nakakita.

Napangiti ako ng maisip kong hindi kaya si Mon ang sumusunod sa akin?Binagalan ko ang pagpapatakbo ganon din siya bumagal din ito.

Naalala ko tuloy ang lahat ng nangyari nakalipas

"Please stay" mahina kong saad sa kanya habang pinupunasan ako.
Kita ko ang maluha luha nitong mata.

"Andito lang ako palagi Sam,hindi kita iiwan pero alam kong may plano ang mag ama pero sana wag nilang ipagkait na makita ka"

Bago ako dinala sa hospital nakausap ko na sila Roxanne at sinabi ko din na abisuhan ang kapatid ni Mon para kunin ito sa hospital

"Paging Doctor Jimenez"Nagkagulo ang lahat sa loob ng hospital mula sa aking kwarto..
Inilagay ako sa stretcher ay mabilis na kumilos ang mga kunwaring doctor at nurses na kumuha sa akin
Nakita ko si Mon sa pasilyo ng hospital,sobrang iyak nito kaya sinubukan kong itaas ang aking kamay ngunit nanghihina ako,mabilis akong dinala sa loob ng ICU at isinunod ang isang katawan ng babae na halos kamamatay lamang.

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon