Chapter 25

941 46 1
                                    


***Roxanne Navar***

"woohh!!" isang malakas na buga ng hangin.Hay nakakamis na si Ate Sam.Yung taong naging sandalan namin tuwing may problema.Yung taong nakakaintindi sa lahat ng pinagdadaanan namin sa buhay.

Humithit ako ng sigarilyo sabay buga sa hangin.

"Naninigarilyo ka nanaman" saad ni Elljay habang papalapit ito,sumalampak din ito sa tabi ko.Andito kami sa garden ng mansion.Hinihintay namin ang mga tawag ng kasamahan namin kung anong oras gagala si Miguel ngayong gabi.

"Pampatanggal stress lang Elljay,yaan mo nalang" baling ko sa kanya.

"Hmm,kung andito si Ate Sam,ginawa na niyang qsh tray yang bunganga mo" natatawa nitong saad
"Haha naalala mo yon nun,yung nahuli ka niyang naninigarilyo tapos inagaw sayo yung sigarilyo at sa dila mo inginudngod,naging ash tray " tawang tawa ito habang inaalala ang pagiging strikta ng aming boss.

"Ngayon lang naman eh,simula noon hindi na ako nanigarilyo diba,ngayon lang ulit" sabay hithit ulit.

"Baka kapag si Boss Mon ang nakakita sayo baka ipalunok niya sayo yang buong stick na nasindihan" pananakot nito,kaya bigla kong ibinaba at inapakan para mamatay ang bagang nito.

"Sabi ko nga bawal na manigarilyo" napakagat ako ng pang ibaba kong labi.

"Bakit ka ba kase na i-stress diyan,diba sabi ko naman sayo babalik din sa dati ang lahat"

Tumingala ako sa langit "Ang hirap kase makakuha ng impormasyon ngayon masyado na silang maingat"

Hinugot ni Elljay ang cellphone mula sa kanyang bulsa "Yung spy sa mansion ng Delfuego may pinasang picture sa whatsapp,ano to,plastic battle na may nakasulat na Ms.Sam Drinking water"

Inagaw ko ang cp nito at tinitigan "Ibig sabihin nasa mansion nga talaga si Boss Sam" nabuhayan ako ng pag asa.

"Sinabihan ko ng dalhin yung plastic bottle na yon doon sa Safe house kung nasaan si Doc Nix,kumpleto ang mga aparato doon kaya malalaman natin kung anong laman ng pinapainom nila kay Boss"kinakabahan ako sa mgq nangyayari paano kung nilalason nila si Boss engr.

Tumatawaga si Danny, "Hello Danny"

"Rox tambangan niyo siya malapit sa crossing siguruhin niyong walang cctv sa mga kanto kung saan siya dadaan" saad nito at agad din pinatay ang tawag.

"Tara na Elljay,may huhuliin tayong marino,para sa ating Boss Mon" nakangisi kong tugon.

Agad kaming umalis at sunod sunod ang mga sasakyan na lumabas sekretong lagusan dito sa mansion hindi kami dumadaan sa harap bagkus may ginawang underground tunnel para doon kami dumaan ng walang nakakapansin..

"Baka hindi na siya bubuhayin ni Boss Mon kapag nahuli natin siya" wika ni Elljay habang mabilis itong nagmamaneho,." ay sh*t" agad itong nagpreno dahil sa mabilis na pagdaan ng isang pusa patawid sa kalsada

"Gsgo ka ba Elljay dahan dahan naman sa pagmamaneho mauna pa tayong matigok sa Miguel na yon" kurot ko sa braso nito

"Ouchie naman Rox,excited lang makarating doon eh"

Ilang minuto lang narating na namin ang destinasyon,walang kabahayan dito,may isang street light sa dikalayuan.

Nakapwesto nadin ang ilan naming kasama kung sakaling makatakas man siya dito may mga kasama pa kami sa bawat eskinita.

"Rox ayan na yung puting kotse ni Marino"ngising wika ni Elljay

"Muka kang demonyo pag ganyan ka ngumisi"saway ko sa kanya,umirap lang ito.

At tinambangan na nga ng aming mga kasama ang tapang naman at mag isa niya.

Agad naman inilapit ni Elljay ang sasakyan at ipinasok siya sa loob.

"Ano bang kailangan niyo" singhal nito sa amin.

"Long time no see Mr.Del Rio" saad ko at ibinaba ang salamin ng kotse sa harap.

"Hyop kayo sino kayo"

"Napag utusan lang Master" at mabilis naming nilisan ang lugar.Kinuha din ng kasama namin ang kanyang sasakyan para walang magduda.

I dialled boss min # "Boss andito na siya sa Hide out"

"Good,see you tomorrow,may pinadeliver akong pagkain,magpahinga na kayo,pagkatapos" tanging isinagot nito at nag apir kami ni Elljay.
Hindi kami pinabayaan ni Boss Mon,lahat ng kailangan namin kahit hindi namin hingin ay ibinibigay niya kaya deserve din niya ang loyalty namin sa kanya.

Masasabi naming isang tagumpay ito para kay Boss Engr,isa lang ang ibig sabihin malapit na namin mapabalik si Boss.

TBC

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon