Chapter 8

1.1K 59 3
                                    

***Mon Shy Gomez***

Nakaramdam ako ng takot ng mahimasmasan akong nasa kwarto kami kung saan naganap ang isang krimen a few months ago.

Ngunit nawala ang lahat ng kaba ko ng maramdaman ko ang malambot na labi ni Engr.Sam.,banayad ang paggalaw nito hindi ko maintindihan ang sarili ko na hindi manlang tumutol sa twing walang paalam na bigla nalang akong hinahalikan.

Nakapulupot ang aking braso sa kanyang batok habang ninanamnam ang kanyang halik.

Unti unti niya akong itinulak at inihiga.Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti ng dumako ang kanyang halik papunta sa aking leeg.

"U-uhhmm Ma'am" mahina kong usal ngunit tila wala itong naririnig napapikit nalang ako.
Hanggang sa hinawakan niya ang aking dalawang kamay at nilock ito gamit ng kanyang kamay naka taas ito sa aking bandang ulunan
Muli niya akong hinalikan sa labi dahan dahan hanggang sa tig isang dampi ng halik at muli isang mahinang halik sa labi atsaka ito bumitaw huli ng mapansin kong nakagapos na ang aking kamay sa aking ulunan.

"Ma'am anong—,bakit mo ako iginapos" seryoso lang itong nakatingin sa akin habang nakasandal sa dingding at nakahalukipkip.

Mon ang harot mo kase sermon ko sa aking sarili,napalunok ako ng maalala kong dito din niya pinatay yung lalaki noon.

"Maam please let me go home" halo halong emosyon na ang aking nararamdaman.

Nakita kong may tinatawagan ito sa kanyang Cp

"kunin nyo ang gamit niyo pumunta kayo dito sa lumang mansion" habang nakatingin siya sa akin "Sa likod kayo dumaan para walang makasunod sa inyo,bye"

Hindi ko alam kung anong iniisip niya, basta lang nakatitig ito sa akin.Bahagya itong lumapit "Maam pls.uuwi na ako,may klase pa po ako,tapos hahanapin ko pa si Peach" sunod sunod kong pakiusap sa kanya.
Ng bigla nitong itinarak ang hawak niyang punyal malapit sa leeg ko,bumaon ito sa kinahihigaan ko konting galaw ko lang maaring masagi ang aking leeg.Kaya napalunok ako habang siya titig na titig sa akin..

"Ang ingay mo Ms.Gomez" matalim ang pagkatitig nito.Ano ba kase kailangan mo,"nanahimik ang buhay ko tapos bigla mo akong guguluhin ng ganito" naiinis ko ng saad sa kanya.
Kaya naman mas lalo itong nakatitig sa akin

"Ikaw ang unang nanghimasok sa pribado kong buhay Ms.Gomez" hinawakan niya ng mahigpit ang hawakan ng punyal.Baka sa sunod na ibagsak nito at sa leeg ko na ang tatamaan.

kaya nanatili akong tahimik,kahit ngalay na ang aking kamay na nakatali.

Ilang minuto pa biglang bumukas ang celling nitong kwarto at dalawang babaeng naka suot ng tuxedoo ang iniluwa ng maliit na elevator.
at muling bumalik sa dati ang porna ng kisame.
Hinugot ni Engr Sam ang punyal na nakatarak malapit sa aking leeg.
At unti unti nitong pinadaan sa aking dibdib isa isang nagsiliparan ang butones ng aking uniform.

Napalunok ako ng bahagya niyang iniaawang aking damit at tumambad sa kanya ang aking dibdib.

Tumayo ito "Umpisahan niyo na" seryoso nitong saad sa dalawang nakamaskara.

Lumapit sila sa akin at sabay silang nag tanggal ng maskara.

"Roxanne,Elljhay?? a-anong ibig sabihin nito" pero hindi sila tumitingin sa akin,may mga inaayos silang mga kung ano anong aparato.

Sumulyap si Roxanne kay Engr.Sam "Boss sa left side ba" tanong nito

"Oo laliman mo lang" tugon nito habang natitig sa akin.

"Anong gagawin niyo,Roxanne ako to,yung classmate nyo,Pansinin niyo naman ako,Elljhay pakawalan mo ako please" ngunit tila bingi ang mga ito.

Hanggang sa may narinig akong tila huni ng aparatong ggagamitin.."Kunin mo yung karayom " utos ni Roxanne kay Elljhay

Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang aking pagkakatali.

"Maam anong gagawin niyo sa akin,please pauwiin nyo na ako,madami pa akong pangarap gusto ko pa pong makapagtapos ng aking pag aaral" pagmamakaawa ko ngunit nakasandal lang ito sa pader habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay..

Hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw ng kung anong bagay sa aking dibdib,unti unti may mararamdaman akong sakit..
Napapaluha nalang ako.

Lumapit si Engr at naupo sa aking uluhan.Hinaplos nito ang aking ulo at bahagyang pinunasan ang luhang nahulog sa aking pisngi.

Naramdaman ko ang pagdiin ng aparato"Tama na please masakit yan" iiyak ko.Ngunit nakatitig padin si Engr sa akin.

"Tang*ina ano bang trip mo maam" galit kong singhal

Bahagya itong ngumisi na tila natutuwa pa.
Tumayo ito" Turukan niyo nalang para magtigil "utos nito

Kumuha si Elljhay ng siringe at may inilagay ditong gamot at itinurok sa aking balikat.Hanggang sa ilang minuto pa unti unti nagdilim ang aking paningin..

"Rest my love"huling katagang narinig ko

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon