***Samantha Claire Villoso***
"Boss tapos na" baling ni Roxanne,
"Dumugo ba" seryoso kong tingin
"Konti lang boss,hindi na eto basta mabubura lang"
"Siya bumalik na kayo sa D.U may klase pa kayo,ako na ang bahala sa kanya,maging mapagmatyag kayo baka may mga kaklase kayong kampon ng mga Delfuego,at subaybayan nyo yung Engineering na Delfuego gusto kong malaman kung sino siya at kaano ano niya si Dominador Delfuego" seryoso kong saad sa kanila.
"Boss,paano yung kaibigan ni Mon,tutulong ba tayo sa paghahanap"usisa ni Elljay
"Huwag na kayo makisama sa paghahanap inutusan ko na ang ibang miyembro ng fraternity,Sige na umalis na kayo at mag iingat kayo palagi"paalala ko sa kanila..
Inayos ko ang damit ni Mon,Tinanggal ko ang jacket ko at isinuot sa kanya.
Hinaplos ko ang kanyang dibdib na minarkahan,namumula ito ,pasensyahan na tayo Ms.Gomez ikaw ang lumapit sa buhay ko kaya tanging ikaw lang ang alam kong magagamit kong pananggalang kapag nagkaroon ng di inaasahang pangyayari.
Binuhat ko siya at ipinasok sa kotse.Inayos ko ang seatbelt nito.
"Hello nay Agnes pauwi na kami diyan,paki ayos yung kwarto ko diyan na muna siya titira sa ngayon"saad ko habang kausap ko sa cellphone.
Tinitigan ko si Mon,napaka inosente ng kanyang maamong mukha.Hinaplos ko ang buhok nito..Tahimik akong nagdrive hanggang sa makarating kami sa bahay
Naroon nat nag aantay na nga si Nay Agnes sa garahe.
Tinulungan niya akong ilabas si Mon sa kotse na hanggang ngayon wala padin malay dahil sa itinurok na pampatulog.Inayos ko ang kanyang pagkakahiga at kinumutan binuksan ko din ang aircon para hindi ito mainitan.
Chineck ko ang social media accounts ko.May message si Dannylyn sa IG ko.
"Boss confirm kagagawan ni Miguel ang laganap na pagkawala ng mga kababaihan sa mga universities at ang masama nakaalis na si Miguel dito sa lugar.
Huwag kang mag alala gagawin namin ang lahat mahanap lang sya at ng mga bihag."Hindi ko na siya nireplyan,nangitngit ako sa galit.
Ng biglang gumalaw si Mon."Huwaagggg ,layuan niyo ako...hmmm tulong"" sigaw nito,nanaginip ito kaya ginising ko siya ng pilit..
"Mon wake up,hey, "Bigla siyang bumangon
"Anong ginawa niyo sa akin" tila natatakot nitong tugon
"Wala kaming ginawa sayo"seryoso kong tingin, "dito ka na muna tumira habang wala kang kasama sa bahay niyo" tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at binalingan ko ito ng tingin,
Bumangon ito at hinawakan ang kaliwang bahagi ng ng dibdib.
"Masakit pa ba? ,maghihilom din yan,inom ka mamaya ng gamot pagkatapos mo kumain"habang nakatingin ako sa paryeng hinahawakan nito.
Tumayo ito at nagpunta sa harapan ng salamin.Tinanggal ang botunes ng white polo na isinuot ko sa kanya.
"Bakit kailangan mo akong markahan" seryoso ang mukha nitong nakatingin sa reflection niya sa salamin.
Naglakad ako papalapiit sa kanya,hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat at tumingin ako sa reflection namin.
Bahagya akong yumuko at bumulong sa kanyang tainga"Balang araw maiintindihan mo din ang lahat"
Hinawi ko siya paharap sa akin.Nagkatitigan kami hanggang sa dumapo ang aking mata sa nakabukas nitong polo.
Napalunok ako ng masilayan ko ang maputi nitong dibdib at ang namumula pa nitong tattoo.Muling umakyat ang aking paningin sa kanyang labi,na tila nag uudyok na mahalikan.Hindi talaga mapigilan ang aking sarili sa tuwing matagal ko siyang natitigan.
Unti unting lumapat ang aking labi sa kanyang labi..Kakaiba ang nararamdam ko.I have this urge feeling na gusto ko siyang angkinin.
Dahan dahan ko siyang itinulak papunta sa kama at inihiga ito.Tinutugon na nito ang aking halik..Hindi ko na talaga mapigilan kapag itinuloy ko to baka maangkin ko siya ng tuluyan.Kaya unti unti kong dinahandahan na ihinto ang paghalik.
Naka ibabaw padin ako sa kanya at nakatitig sa kanyang mata.Parang ang daming gustong sabihin."Bumaba ka na kakain na tayo,ayaw ko ng naghihintay " umalis na ako sa pagkumbabaw sa kanya at lumabas ako ng kwarto na nakatutulala padin ito.
Inihanda na ni Nay agnes ang pagkain..
"Tawagin niyo na ung ibang kasama dito sa bahay sabay na tayong kumain" saad ko"Tapos na kaming kumain nak bago kayo dumating nakakain na kami"sagot naman nito.
"Ms.Mon halika umupo ka dito"sabay hila ni Nay agnes sa upuan na katapat ko.Seryoso lang akong nakatingin sa kanya.
"Have a sit"seryoso kong saad
"Nay Agnes pde ka ng mgpahinga ako na dito"
Wala padin kibo si Mon,nakaupo na ito at nakatingin sa pagkain.Nilagyan ko ng pagkain ang kanyang plato.
"Kumain ka" walang emosyong saad ko
Hindi padin ito kumikilos nakayuko lang ito.
"Kakain ka o susubuan kita?" doon lang siya nahimasmasan
"Ka--kain po Maam" at mabilis na dinampot ang kutsara at tinidor
"Huwag mo akong tawaging maam,walang tumatawag sa akin ng ganyan dito,just call my name" seryoso kong saad.
Tumango lang ito at tahimik na kumain.Hindi ko maiwasang titigan ito,habang kumakain.
kumuha ako ng meat at inilagay sa plato nito
"No Maam thanks,dipo ako nag mimeat" nakayuko nitong tugon.Kinuha ko ulit ito at ako ang kumain bigla itong nag angat ng tingin na tila kinabahan sa pagsubo ko ng karne,napangisi ang loob loob ko dahil alam ko ang iniisip nito.
Ipinagbalat ko ito ng shrimp at nag ambang isubo sa kanya.
"Dont tell me na ayaw mo din to" habang nag aantay akong ibuka nito ang bunganga
Ngumanga naman ito at isinubo ko sa kanya.
"Thanks Sam" medyo pabulong nitong saad.Bakit tila ang sarap pakinggan kung sa kanya galing ang katagang yon..
"ahmm damihan mo kumain para lumakas ka at medyo tumaba ka naman,ang liit liit ng katawan mo" seryoso kong saad.
Tumango lang ito at itinuloy ang pagkain.Tahimik lang kaming kumain at minsan napapasulyap ako sa kanya bigla naman itong nag babaling ng tingin..
"Excuse me Ms.Sam" nahihiyang bungad ni Jana
"Yes?"
"Mag gogrocery kami ngayon may idadagdag ba kayong gusto ipamili?"
"Kumuha kayo ng ibat ibang uri ng prutas,damihan nyo ang gulay at ibat ibang klase ng isda" sagot ko habang mabilis naman niyang inilista. "
"Kailan ako pwedeng umuwi" tanong ni Mon ng makitang umalis na si Jana.
"Walang uuwi hanggat wala kang kasama sa inyo" seryoso kong saad.
"Paano ang pag aaral ko,bakit kailangan mo akong dalhin dito,bakit kailangan mo akong patattoohan,alam mo bang pwede kita idemanda sa ginagawa mo sa akin" naguguluhan nitong tanong
Tinignan ko siya ng masama atsaka ako uminom ng tubig.Lumapit ako sa kanyang kinauupuan at hinawakan ko ang baba nito,pinaharap ko siya sa akin.Yumuko ako ng bahagya para magkalapit ang aming mukha
"Gawin mo ang gusto mo,magdemanda ka just go ahead,sa susunod na araw sa ayaw mo at sa gusto magpapakasal tayo,pumirma ka sa mga papeles na kailangan kung gusto mong mabuhay ng matagal" Napasinghap ito ng bitawan ko siya.
"Sumunod ka sa sala pagkatapos mong kumain"Tumalikod ako at hindi na hinintay pa ang isasagot.
TBC..
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.