Chapter 38

1.2K 56 3
                                    

***Samantha Claire Villoso***

"Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin Nicole" saad ko sa aking kaibigan mula sa kabilang linya.

Naglakad papuntang kusina at naglagay ng wine sa baso

"Alam mo kailangan mong bumawi sa lahat, ilang buwan din siyang nagdusa sa pagkawala mo, she feel like everyone betrayed her, even her family diba? , kahit sino naman masasaktan" tugon nito,lumagok ako ng wine. Muli akong tumitig sa kawalan.

"Pano?, anong gagawin ko, gusto kong bumawi pero ayaw niya akong bigyan ng pagkakataon, hindi ko alam kung paano siya suyuin, alam mo namang hindi ako ganon na mahilig magmakaawa sa atensyon ng ibang tao" naiinis kong wika.

"Hahaha, Samantha Claire Villoso mukhang naipanganak na nga talaga ang taong magpapabago ng rules mo sa buhay" natatawa nitong saad.

"Arghh kainis na talaga,ano ba dapat kong gawin para pansinin niya ako"

"Hmm puntahan mo sa bahay nila"

"Sige bye Nicole, usap nalang tayo next time" mabilis kong kinuha ang susi ng kotse
Bumili ako ng isang bugkos ng redhorse at chocolates, tatlong box ng donut at isang bucket ng fried chicken paborito kasi niya.

Kinakabahan, nanlalamig na pinagpapawisan ang aking pakiramdam ng makatapat ako sa kanilang bahay. Alam ko na agad ang bahay nila dahil ako mismo ang bumili ng bahay na to para kay Mon para malayo siya sa mga Delfuego.

"wooh!! Samantha relax lang" bulong ko sa sarili, kinuha ko ang mga pasalubong ko kay Mon atsaka ako nag doorbell.

Agad namang lumabas si Tito Em

"Magandang gabi po Tito" kabado kong bati.

"Ikaw pala iha, nakabalik ka na pala....halika pasok ka" tinulungan niya ako sa aking mga dala "Ano ba mga to"

"Paborito po ni Mon"

"Speaking of Mon" singit naman ni Doc Nixs ng makapasok na kami sa loob
"Naku Sam balik ka nalang sa ibang araw,hindi maganda mood niya. Lumabas,mukhang galit sa amin. For sure hindi yon lalayo baka nasa coffeeshop lang yun nag papalipas ng oras" mahabang saad nito.

"Kung ganon hahanapin ko siya"

"Iha gabi na, umuwi ka nalang. Kami na mag hahanap sakanya"

"Tito ako nalang po, tatawagan ko kayo kapag nakita ko siya" pamimilit ko.

"Sige mag iingat ka nak" napangiti ako sa tinuran ni tito Em. Ang gaan sa pakiramdam na may nahanap akong pamilya.
"At sana niyo pa ang lahat sa inyo ni Mon, dahil alam kong mahal na mahal mo ang anak ko" sabay tapik nito saking balikat, ngumiti naman si ate nixs atsaka tumango.

Dalawang coffeeshop na ang aking nadaan pero wala pa din, susunod na ang ang coffeeshop ng pinsan kong si Nieca.Si Nieca ang naging sandalan ko noong panahong lumayo ako sa lahat, pinagamot niya ako hanggang sa maging ok na ulit ang lahat.

Alam din niya ang tungkol kay Mon, wala akong itinago sa kanya.
Ipinarada ko ang kotse nakita ko ang motor ni Mon. Andito siya.
Agad akong pumasok, nasa pinakadulo ito kasama niya si Nieca na nag iinom.
Bigla akong nainis sa bahagyang paghampas ni mon sa braso ni Nieca kaya mabilis akong lumapit at hinawakan ito.

Kinausap ako ng pinsan ko pero sinabihan ko ang crew na ipasok siya sa opisina at huwag na pauwiin.

"Oy Villoso, bakit ka andito, l-lasing ka ba?" namumungay ang mata Mon na nakatingin sa akin.

"Uuwi na tayo" seryoso kong saad.

"Oo uuwi na-ako, uwi kana din" medyo uutal utal nitong tugon, sinenyasan ko ang isang crew
para tulungan ako baka matumba kami dahil may steps pababa ng coffeeshop

Inayos ko ang seatbelt nito atsaka ko mabilis na pinatakbo ang sasakyan. Iniuwi ko siya sa bahay at tinawagan ko na din si tito Em na sa akin muna siya mag i stay ng ilang araw.

Dahan dahan ko siyang
inalalayang bumaba

"Ba-Bakit ka nagsinungaling Vi-Villoso, huh!?" Saad nito habang inaayos ko ang pagkakahiga nito.

"Bukas na tayo mag usap, matulog ka na" mahinahon kong tugon.

"A-alam mo ba kung g-gaano kahirap a-ang pinagdaanan ko, kung paano ko t-tanggapin na p-patay ka na sobrang m-mahal kita!" Sabay duro nito sa akin, akmang babangon pero bigla niyang hinawakan ang ulo dahil nahihilo nitong pakiramdam.

Unti-unti itong pumikit, pinunasan ko ang luha sa kanyang mata. Binihisan ko na din ito. Buo na desisyon ko, hindi na kita papakawalan pa Ms. Gomez dinampian ko ng halik ang kanyang noo.

-

"Noooooo!!" malakas na sigaw ni Mon mula sa kwarto kaya dali dali kong pinatay ang stove at mabilis na pinuntahan ito.

"Mon! what's wrong?" nag aalala kong tanong

Pero binato niya ako ng unan at matalim na tumitig sa akin "A-anong ginawa mo sa akin?" napangiti ako sa itsura nito, itinakip niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

Pinulot ko ang unan na ibinato sa akin at lumapit sakanya

"Wala pa akong ginagawa sayo, gagawin palang" sabay kindat sa kanya. Bigla itong tumayo at ipinulupot ang kumot sa kanyang katawan atsaka niyakap ang isang unan.

"Samantha huwag kang lalapit!" galit nitong tingin pero hindi ako natinag

Lumapit ako sa kama at naupo sa gilid
"Wala naman akong gagawin sayo eh, mag usap sana tayo ng maayos" mahinahon kong saad.

Unti unti itong umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"Ginawa ko ang lahat ng alam kong paraan para maprotektahan ka, lumayo ako dahil alam kong hindi titigil ang mga Delfuego kapag nalaman nilang magkasama tayo, inayos ko ang lahat , ng malaman kong nakaalis na nang bansa ang mga Delfuego doon na din ako nag decided na bumalik dito sa probinsya para hanapin ka" paliwanag ko.

Lumingon ako sa kanya nakatitig pala ito sa akin "But you left me, ni wala ka manlang pasabi, hindi nagpaalam"
patuloy ang pagbuhos ng kanyang luha, lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luhang walang patid ang pagbuhos sa kanyang mata.

"Enough,don't cry na.... Alam ko kaseng hindi ka papayag na lumayo ako kapag nagpaalam ako sayo" saad ko habang hinahaplos ang pisngi nito.

"It hurts me, knowing that you lied, but it makes me happy that your alive" patuloy ang pag iyak nito.

"Sshh, I'm here na, hindi na kita iiwan, promise hindi na ako lalayo pa" saad ko bilang assurance sa kanya.

Unti unting naglapat ang aming labi. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman na saya, Naghalo halo na ata ang aking laman loob dahil sa kaba na aking nararamdaman.

I really like this girl aminin ko man o hindi, bihag na nya ang puso ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ramdam ko din na tila nanginginig ito bahagya ko itong pinahiga at nakakumbabaw ako sa kanya habang patuloy ang aming mainit na halikan.

Nakaramdam ako nang kakaibang init sa katawan. Natutuwa akong isipin na ako ang unang umangkin sa labi niya. Bahagya ko itong kinagat.

"Uhmm" tanging namutawi sa kanyang bibig, ang kanyang kamay ay nakahapit sa aking bewang na lalong humigpit sa pagkakayakap sa akin.
Nag umpisang maglakbay ang aking labi papunta sa kanyang leeg.

"Love" bulong nito, bahagya akong tumingin sa kanyang mata na tila kinakabahan, Ngumiti ako at muling dinampian ng halik ang kanyang malambot na labi.

"Leave it to me" usal ko sa pagitan ng aming halikan.

Naglakbay ang aking kamay papunta sa kanyang dibdib, hinawakan ko ito dahilan upang lalo pang humigpit ang yakap nito sa akin.

I'm about to undress her ng biglang tumunog ang kaniyang tyan. Napatawa ako.

"Oopss maybe this is not the right time we need to eat first my queen" dinampian ko ito ng halik sa labi atsaka ko hinila ang kamay para bumangon "malamig na yung pagkain" bulong ko.

She looks dismayed, pero natawa na din eto "Panirang tiyan to" bulong ni Mon.

Nagtawanan kami na lumabas ng kwarto.

TBC....
A/N:Oh ito na po ang update HAHAHAH,Btw pasensya na po sa late ud : )
Sana support pa rin kau hanggang huli labya BBY'S
And please read "THEY BETRAYED ME"

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon