Chapter 19

1K 53 1
                                    

***Samantha Claire Villoso***

Mahimbing padin ang tulog ni Mon,napagod at puyat kagabi.

Napangiti ako,sumandal ako sa headboard ng kama atsaka ko hinaplos ang kanyang buhok.
Bigla itong gumalaw at idinantay ang kamay sa aking tiyan.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso,napalunok ako at hinawakan ko ang kamay nito at ibinaba atsaka ako umalis ng kama.

"Hindi pwede"bulong ko sa aking sarili.

Tinignan kong muli yung picture na sinend ni Danny kanina,hindi ako nagkakamali kapatid ni Mon yung Doctor na sinasabi ni Danny..
Kailangan namin silang maitakas bago may masamang mangyari sa kanila.

Nagkaroon na announcement  na online class na muna ang magaganap,dahil sa nangyaring pagkawala ng ilang studyante sa ibat ibang unibersidad.

Kaya kailangan kong ihanda yung mga ipapagawa ko sa mga studyante,Hindi ko alam pero pakiramdam ko lumakas ang aking mga kalaban dahil nagsanib pwersa sila.Kailangan kong paghandaan ang lahat ng kanilang hakbang..

"Maam" tawag ni Mon na nakaupo na ito sa gilid ng kama

Kunot noo akong tumingin sa kanya "Anong itinawag mo sa akin?" tumayo ako at lumapit sa kanya

"Ma--maam" mahina nitong saad..

"Sam ang itawag mo sa akin kapag andito tayo sa bahay,nagkaintindihan ba tayo?tapos na ang kasal at ayaw kong marinig ng mga kasamahan ko dito sa bahay na ganyan ang tawag mo sa akin" saad ko habang nakatitig sa kanya.

Nagbaba naman ito ng tingin

"Okay Sam,im sorry"nakayuko nitong tugon

"Siyaa mghanda ka na  baba na tayo mamaya para makakain may online class ka ngayon" paalala ko sa kanya

Tumango nalang ito at tinungo ang banyo.Muli ko namang tinungo ang study table ko at itinuloy ang mga iniencode ko.30mins na ang nakakalipas pero dipa siya  natatapos

"Mon matagal ka pa ba diyan" unti unting bumukas ang pintuan ng banyo at sumilip bahagyang ang ulo nito.

"Eh Sam wa--wala pala akong damit at towel" napatawa ako ng mahina,nakalimutan ko din wala pala siyang gamit na kinuha dahil dineretcho ko na siyang iniuwi dito.

Kumuha ako ng t'shirt ko at short na maiksi.Lumapit ako sa pintuan at ibinigay ito.

Agad din nitong isinara ang pinto ng mapansin niyang bumaba ang tingin ko papunta sa kanyang dibdib
Napangisi nalang ako sa kanyang reaksyon.

Ilang saglit pa lumabas na ito,maluwang sa kanyang yung tshirt,bahagya kong nilingon atsaka ko itinuloy ang aking ginagawa.Nagsusuklay na ito ng lingunin ko ulit.

Tumayo ako sa likod niya at kinuha ang hair blower ,"Mas okay kung patuyuan mo agad tong buhok mo" saad ko habang pinapahanginan ang kanyang buhok.

"Kapag may nangyaring masama sa akin,sana lahat ng iniwan ko ay alagaan mo,maging ang mga tauhan ko huwag mo silang pababayaan" seryoso kong saad sabay patay sa blower at sinuklay ko ang buhok nito.

Humarap siya sa akin at nakipagtitigan

"Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal ng nanganganib ang buhay ko simula namatay si Damian Delfuego,alam kong isang araw matagpuan nyo akong patay o bihag ng mga kaaway kaya sana huwag mong pababayaan ang lahat,sayo ako may tiwala" nakatitig padin ito sa akin,halata ang kaba sa kanya

"Paano kung idamay ako"

"Maari kang idamay pero gagamitin ka nila kontra sa akin para maidiin,dahil ikaw ang nakasaksi sa lahat ng ginawa ko noong araw na yun,maaring kang tumestigo laban sa akin at kapag naibunyag ang buong katotohanan pwede akong makulong habangbuhay" mahaba kong paliwanag

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon