***Dom Leith Delfuego***"Dad anong ginawa mo" kinakabahan kong tanong
Ngumisi si Dad at tinapik ang aking balikat " kalmahan mo iho,hindi ka magiging ganap na Delfuego kung matatakutin ka"
Sobrang kaba ang aking nararamdaman patay na si Sam.Pinatay ni Dad si Sam at kasama ako sa lahat ng plano ni Dad.Parte ako ng kamatayan ni Samantha.
"Dad,pa--pano kung ikulong nila tayo,si-si Mon alam niya na may inilalagay sa inumin ni Sam"aburido kong saad.
"Walang laban yang isang paslit na studyante na yan Dom Leith kaya huwag kang mag alala" nakatawang saad ng aking ama. "I-crecremate din si Sam agad ngayon" dugtong nito
"Pero Dad,baka may pamilya pa siyang gustong makita si Sam sa huling pagkakataon"
"Hindi na natin sila bibigyan ng pagkakataon iho,baka makikipag agawan pa sila sa kayamanan ng iyong asawa" halata ang saya sa mata ni Dad na sanay na sa ganitong gawain,samantalang ako hindi ko mawari ang aking nararamdaman.Natatakot na kinakabahan
"Dad baka pwdeng masilip ko ang bangk*y ni Samantha bago abuhin" pakiusap ko sa aking ama
"Halika subukan nating kausapin si Doc Jimenez"sumunod kami sa kanya at agad tinungo ang opisina ng Doctor.
"Mr.Delfuego,nakikiramay ako sa nangyari sa iyong daughter in-law" malungkot na saad ng doctor
"Salamat Doc,may pakiusap lang sana tong asawa ni sam na kung pwdeng masilip muna sa huling pagkakataon"
"Sige po,sumunod kayo sa akin"pumasok kami sa isang kwarto na kung saan naka lagay ang katawan ni Sam.
Sinensyasan ni doc Jimenez ang tagabantay at hinila ang isang parihabang kahon at tumambad sa amin ang katawan ni Samantha
"Paalam Sam" bulong ko,bigla akong napaatras ng parang dumilat ang kanyang mata,
"Buhay siya!" sigaw ko
"Iho panong buhay si Sam malamig na ng katawan" saad ni dad habang hawak hawak ang kamay ni Sam
Tinitigan ko ulit ang mukha nito ng biglang parang ngumisi ito.
"Hindi,bu-buhay siya,ngu--ngumiti sa akin,Dad,buhay si Samantha huwag niyo icrereamate" maluha luha kong saad kay dad
Halika na sa labas,"Doc How long it takes bago macremate ang katawan ni Sam" Naglakad kami palabas ng kwarto
"It takes 2weeks siguro Mr.Delfuego,kailangan muna ninyong pirmahan ang lahat ng pati death certificate at mga pahintulot mula sa inyo"paliwanag ng Doctor.
"Gusto naming lamayan sa Chapel kahit na ilang araw lang muna bago ito tuluyang icremate" saad ni Dad.
Inasikaso namin ang lahat ng kailangan bago nag umaga naset na ang kabaong ni Sam sa chapel.
Maraming nakidalamhati..
"Nicole,Marro mabuti naman dumalaw kayo" tumingin lang sa akin si Nicole na tila may paninisi sa mga mata nito,maging si Marro nilagpasan lang niya ako at dumeretcho sila sa kabaong ni Sam.
Hindi ko kinakitaan ng luha ang mga kaibigan ni Samantha dahil nakashade ang mga ito.
"Gusto kong makita si Sam,please let me in" sigaw ng isang babae sa trangkahan ng Chapel
Naglakad ako palabas,Hmm si Mon
"Ms.Gomez ano nanaman to,pwede konting respeto naman sa asawa ko" masungit kong saad
"Dom please gusto ko masilayan si Samantha,kahit saglit lang"pagmamakaawa nito sa akin,pero hindi ko hahayaang gagawa siya ng eksena.
"Hindi!! matapos mo kaming akusahan" humulukipkip akong tumingin sa kanya at sumandal ako sa hamba ng pintuan
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.