***Mon Shy Gomez***"Sam magpagaling ka para makalabas ka na dito,basta yung bilin ko sayo huwag kang iinom o kakain ngnkahit ano unless ako o si Nay Agnes ang nagbigay"bulong ko dito habang pinupunasan ko ang leeg nito.
Bigla itong dumilat at nakatitig lang sa aking mukha.
"P--Please stay" mahina nitong saad"I will Sam,andito lang ako palagi,kapag dumating yung time na you will not see me around hindi ibig sabihin nun wala na akong pakialam sayo,iba na ang sitwasyon ngayon at maaring pigilan na nila akong makalapit sayo alam mo namang hindi kami magkasundo ng asawa mo"malungkot kong tugon
Napansin ko ang pangigilid ng luha nito,alam kong kahit hindi siya magsalita alam ramdam kong nasasaktan din siya..
"All is well ha" sabay pahid sa luhang unti unting tumutulo sa gilid ng kanyang mata. "Magpagaling ka ha,hihintayin kita alam kong may mga plano kang gawin kaya inilapit mo ang sarili mo sa mga Delfuego,andito lang kami susuportahan ka sa lahat ng plano mo" nakangiti kong saad.
Pumikit ito,halatang tila pagod na pagod kaya hinayaan ko nalang muna.Dinampian ko ng halik kanyang noo bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.
"Hindi ko alam kung anong balak nyo Dom"bulong ko sa sarili habang papalapit sa kinaroroonan nito.
"Ano bang gusto mong pag usapan" seryoso kong tanong.
"Gusto ko lang malaman anong relasyon mo sa asawa ko?" nakangisi na tila nang aasar na tanong nito.
"Hindi pa ba maliwanag yung mga sinabi nya noon na isa ako sa mga scholar nya at siya ang sponsor ko?" inis kong sagot
Naglakad ito at umikot sa aking kinatatayuan atsaka ito huminto sa harap.
"Mula sa araw na ito hindi ka na pwdeng lumapit pa kay Samantha" pinanlakihan niya ako ng mata.
"Pero Dom,huwag mo namang ipagkait yun,kaibigan ko din si Sam" halos garagal kong saad
"Hindi ka naman siguro bingi Ms.Gomez" napalunok ako ng sumabat ang kanyang ama.
"Sir baka naman po kahit once a week pwde ko siyang dalawin" pagmamakaawa ko sa mag ama
"Hindi pwede!" mariin na tugon ni Dom
"Halika ka iho baka magising ang asawa mo,baka hanapin ka niya" sa kanilang pagtalikod tuluyang bumagsak ang aking luha.
Paano na ngayon si Sam,baka mas lalo siyang mapahamak kung magkataon.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at nanginginig ang aking daliri na nag scroll,hinanap ko ang pangalan ni Roxanne alam kong siya ang makakatulong sa akin.
"Hello Boss Mon,may problema?" saad nito mula sa kabilang linya.
"Rox hindi na ako makalapit kay Sam,pinagbawalan na nila ako" naiiyak ako habang nagsusumbong
"Mga hayop talaga sila,ano pa bang gusto nila lahat nalang ba kukunin nila kay Boss Sam" halata sa boses nito ang galit.
"A-Anong gagawin ko" garagal kong tanong
"Umalis ka na muna diyan,umuwi ka na sa inyo hindi ka na din makakapasok pa sa mansyon ni Boss Sam,maging sila nay Agnes at iba pang tauhan ay pinalayas na ng mansyon,andito kami ngayon sa safe house" galit na saad nito.
"Ano,papano na yan,ano nalang mangyayari kay Sam!" halo halong emosyon ang aking nararamdaman,takot na baka patayin nila si Sam
"Leave it to us,umuwi ka na at mamuhay ka ng walang Engr.Villoso" napantig ako sa sinabi ni Roxanne.
"Anong ibig mong sabihin,hahayaan niyo nalang si Samantha sa mga Delfuego?Anong klaseng mga kaibigan kayo!" halos bulyawan ko siya
"Makapangyarihan ang mga Delfuego Mon" kalmado niyang tugon
"Roxanne please iligtas nyo siya,hindi ako uuwi hanggat hindi ko nakikitang ligtas ang kalagayan ni Sam"pag didiin ko
"Sumunod ka dahil ito ang gusto ni Boss!" napaangat nadin ito ng boses
"Gusto??anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong
"Nagkausap kami at binilin nya na hayaang mangyari at maganap ang mga plano ng mga Delfuego,kahit kapalit ng kam@tayan nito para matahimik na sila"
"Hindi! hindi ako papayag na m@m@tay si Sam" galit kong tugon "Kung mmat@y siya sasamhan ko siya,hindi ko siya iiwan nangako ako sa kanya Roxanne kaya hindi hahayaang lalaban siya ng mag isa" matigas kong saad.
Ng biglang nagkagulo ang mga tao sa hospital,may mga nurse at Doctor na nagsitakbuhan at papunta yun sa kwarto ni Samantha.
May dalawang nurse na tumayo malapit sa akin na tila nag aantay sa ilalabas na pasyente.
"Sa ICU na siya para kumpleto ang mga aparato na maikabit sa kanya" saad ng nurse habang itinutulak ang stretcher na kinahihigaan ni Sam.
"Samantha!"sigaw ko ng mapagtantong siya nga talaga,bahagyang dumilat ang mata nito,at tumaas ang kamay akmang hahabulin ko sana pero hinawakan ako ng dalawang nurse na nasa tabi ko
"Ano ba bitawan niyo ako,Sam!!" tanging sigaw ko ng may isa nanamang pasyente ang sumunod na nakastretcher hindi ko na siya nakita dahil sa sunod sunod na mga nurses ang nagsitakbuhan.
Ilang saglit pa lumabas ulit ang mga nurses dala ang stretcher na may natabingan na puting kumot kasunod nun si Dom at ang kanyang ama.
"Hindi pwede,hindi maari!" lumapit ako kay Dom kahit sobrang nanginginig na ang aking tuhod
"Dom anong nangyari" tumingin siya sa akin at umiling
"Wala na siya" walang emosyong sagot nito.
"Kasalanan niyo to!!" sigaw ko ng diko mapigil ang aking sarili "Nilason niyo siya,kayo ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito!!" singhal ko sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng kanyang damit.
"Bitawan mo nga ako!!" sigaw nito sabay tulak sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig
"wala kang alam,at huwag na huwag ka na muling lalapit pa sa akin!!" duro nito bago niya ako iniwan..
"Sammm,hi-hindi ka pwdeng mawala,.ma-madami ka pang plano" halos hindi na ako makahinga sa sobrang iyak at hagulgol.
"Mon,tama na yan,halika na umuwi na tayo" si Ate Nixs.
"Anong ginagawa mo dito Ate"imbes na sagutin ako isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin.
TBc..
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.