Chapter 3

1.4K 77 4
                                    

***Mon Shy Gomez***

"Nagsisi ako ma sinundan ko siya noon"bulong ko sa sarili habang hawak ang aking labi.
Napasabunot ako tuwing naalala ko ang katangahan ko.

Malaki at maluwang ang  D.U kaya pakiramdam ko lahat ng nakakasalubong ko ay mga bagong mukha palagi.Minsan may mga pamilyar na mukha,pero hindi alam ang mga  pangalan kaya sapat na ang mag ngitian nalang..

Isang araw tumambay ako sa library dahil sa kagustuhan kong mapag isa.Kaya nagscan nalang ako saga libro ng architure textbooks.

"Engr.Villoso napadalaw ka" saad ng librarian,napatingin ako dahil medyo malapit ako.

"May titignan lang akong textbook ng Architecture maam" nakangiting saad ng napakaganda babae,Ang ganda niya nahahawa ako sa kanyang ngiti.Hindi ko namalayang natitig nalang ako sa kanya.Dumaan ito sa harapan ko at bahagya niya akong nginitian.

Bigla akong nawalan ng huwisyong magbasa.

"Hi"nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko siya sa aking likod at bumulong sa akin." Tapos mo na ba yang isang libro pahiram saglit kukunin ko lang yung author ng book"mahina niyang saad malapit sa aking tainga.

Doon na nag umpisa na palagi ako sa library nagbabakasakaling makita ko siya ulit kaya noong napadaan siya ulit lihim ko siyang sinundan ng pauwi na siya.Pinasundan ko sa taxi ang kanyang sinakyan pero huminto ito sa isang fastfood kaya bumaba na din ako.
Palinga linga ito at tumuloy sa paglalakad,sa likod ng Restaurant may matayog na pader at kulay itim na gate..

Napasabunot ako ng ulo habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.

"Gusto mo ako na sasabunot sayo" hindi ko napansin na nakatayo si Peach sa aking harapan.

"haist,mafren Prof ko siya sa calculus" nakabusangot kong saad

"Sino?Si Engr.Villoso abah maswerte ka guro mo pala yung babaeng lihim mong pinagpapantasyahan"natatawa nitong tugon

Humaba ang nguso ko sa kadahilanang hindi nalang kilig ang nararamdaman ko ngayon kundi magkahalong takot at kaba.

"Pinagpapantasyahan ka diyan,hindi na ngayon napakamaldita niya atsaka ang sungit"saad ko 

"Hoy,Mon hindi ka pa uuwi?wala na tayong klase ah" usisa ni Roxanne pumasok ito sa classroom.

"iihh May lakad kami ni Ma'am Samantha mamaya,hindi ko nalang kaya siya sisiputin" tinapik ko ang noo ko dahil sa di ako makapagdesisyon

"baka bagsak ka agad dun kapag dimo sinipot,mukha pa namang teror,parang gustong lumamong ng tao kung makatingin"banta ni Roxanne

"No choice talaga,,siya nga pala Bestfriend ko si Peach Suarez" pagpapakilala ko sa aking kaibigan."Peach si Roxanne classmate ko "

Matipid ang ngiting iginawad ni Peach kay roxanne ramdam kong tila hindi sila compatible.

"Pwede namang dimo siputin yang prof mo,atsaka para yun lang ibabagsak ka na" nakairap namang saad ni Peach.

"Hindi mo kase kilala yung prof namin na yun,baka pati ikaw  susunod nalang kesa magreklamo kapag sya naging prof mo"singit naman ni Roxanne

"I dont care,porket maganda kailangan nang katakutan"

"Peach diba may pasok ka ng 1:30 lapit na time mo"pag iiba ko sa usapan para hindi na magbangayan pa ang dalawa.

"Oo buti pa nga alis na ako,baka lalong masira ang araw ko dito"pahabol nitong tugon

"Mabuti pa ngang umuwi ka sa department nyo hindi ung kakalat kalat ka dito" inis namang tugon ni Roxanne.

Lumingon si Peach at umirap ito bago tuluyang umalis.

"Ikaw talaga galing mongang asar"sabay kurot ko sa knyang tagiliran dahilan para tumawa ito

"Maganda sana kaibigan mo,pangit naman ugali" naiinis padin nitong saad.

"Mabait yon kilala nyo ang isat isa" natatawa kong tugon.

"Hay naku huwag na,sya mauna na ako,para makapagrest na" kumaway ito ng palabas ng classroom.

Inayos ko na din ang aking sarili,ilang minuto nalang pupunta na ako sa sinabi ni Engr.Sam.Kinakabahan ako,pano kung may gawin siya o ano.
Nagpolbo at naglagay ako lip tint para hindi halatang maputla ang aking bibig.
Lumabas ako ng classroom nag se cellphone ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin ang taong nakatayo sa aking harap.

"Ano matagal ka pa bamg magsecellphone diyan" nakairap na saad ni Maam Samantha habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso.
Nakalongsleeves ito at bahagyang nakabukas ng butones sa parteng dibdib nito kaya kita ang tattoo nito sa kanang bahagi.
Napalunok ako ng mapansin ko ang kanyang kaputian.

"Ahmm,sa--saan po tayo pupunta" lakas loob kong tanong

Naglakad siya kaya sumunod nalang ako sa kanya at huminto ito sa harapan ng itim na kotse at tinted glass ito,Hindi alam kung may tao ba sa loob ng sasakyan.

"Sumakay ka"automatic na nagbukas ang pintuan ng kotse kaya pumasok ako,umupo din siya sa drivers seat.

Dumukwang ito dahilan para magulat ako,inabot niya ang seatbelt sa tabi ko at inayos nya yung para saakin.Napapikit ako at napakagat ng labi ng huminto ito sa tapat ng aking mukha.

Sa pag aakalang nakaupo na siya ng ma ayos binuksan ko ang aking mata napakunot ako ng noo dahil nakatitig padin siya sa akin.
"Whats wrong"tatapang tapangan kong tanong

Ng unti unti nanaman itong lumapit sa akin at nakatitig sa aking labi.Hindi ko maatras ang aking katawan dahil sa upuan.

Ng biglang tumunog ang kanyang cellphone,napahinga ako malalim..

"Hello,yes we will be there in a minute..kasama ko girlfriend ko" nanlaki ang mata ko sa narinig ko napalunok ako ng tumingin sa kanya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Sa--saan tayo pupunta Maam baka naman pwede ko din malaman"naiinis na ako sa ginagawa niya.

Bigla niya akong hinawakan sa braso ng mahigpit "Sumunod ka lang sa gusto ko,magiging maayos ka" singhal nito sa akin.

"Pero Ma'am gus----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang marahas nitong paghalik sa akin hanggang sa bumagal at banayad wala akong magawa kundi pumikit nalang.
Bumitaw ito at bahagyang dinampian ng halik ang aking noo

"Ayaw ko ng makulit" seryoso nitong saad sabay nito ang pag andar ng kanyang kotse.

TBC..

(Sobrang busy po  sa work kaya expect nyo ang late updates palagi)

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon