***Samantha Claire Villoso***"Huwag kang lalapit,pa-pa tayin kita...wag!!! lumayo kang demonyo ka!!!! no!!!"
"Sam!! Samantha gising!!"
"Panaginip" agad akong tumayo matapos akong yugyugin ni Dom."Tubig,gusto ko ng tubig"mahina kong saad.
"Sam ano bang nangyayari sayo"tila naguguluhang nakatingin sa akin si Dom.Maging ako hindi ko na din maintindihan ang sarili ko,humihina na ang katawan ko,madalas ang halucination ko.
"Si Mon,nasaan si Mon?" maang kong tanong kay Dom." Siya dapat ang nandito,hindi ikaw,siya dapat ang kasama ko,siya dapat ang nag aalaga sa akin" malungkot kong saad.
"Kalimutan mo na si Mon,ako 'tong andito" hinaplos nito ang buhok ko.
"Bigyan mo ako ng tubig" habang nakatingin ako sa kawalan.Nahihiwagaan ako sa mga nangyari,si Miguel na muntikan maybgawin sa akin,may iturok siya.Si Dom na biglang dumating sa lugar kung saan ako dinala ni Miguel.
"Eto na muna inumin mo,wala kase si Dad hindi ko alam kung saan nakalagay yung tubig mo" saad jito habang isinasalin ang tubig sa baso mula pitsel.
Pagkaabot nito naglakad at kinuha nito ang remote ng tv atsaka nito binuksan
"Isang lalaki natagpuang ptay kanyang sariling sasakyan at gaya ng dating mga kaso putol ang maselang bahagi ng katawan nito,hanggang ngayon tinitignan pa ang dahilan kung bakit humantong sa karumal dumal na pagptay,Ang lalaki ay kinilalang si Mr.Miguel Del Rio,sa ngayon wala pang makitang palatandaan kung sino ang may kagagawan..." pinatay na agad ni Dom na tila nakatulala ito.
"Bakit mo pintay?" seryoso kong tingin sa kanya
"Nakakatakot na ngayon ang mga nangyayari,halos karamihan mga kalalakihan ang natatgpuang patay dito sa ating lugar" halata sa kanyang mata ang takot.
Napangiti ako ng lihim,kung sino ka man na gumawa nito kay Miguel,salamat dahil sayo nakaganti ako sa hayop na yon."Kaya ikaw magpakabait ka baka ikaw ang isunod ng serial killer" ngisi ko sa kanya na mas lalo dumagdag sa pagkabahala nito
"Wa-wala naman akong ginagawang masama,sinusunod ko lang si Dad dahil ayaw kong mawalan ng bahay,wala akong mapuntahan kung sakali" naiiyak nitong tugon.
Nakaisip ako ng paraan para makaalis sa lugar na to.
"Dom ilayo mo ako sa Ama mo" baling ko sa kanya"Huh,pero.."hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil hinawakan ko ang kamay nito.
"Please tulungan mo ako,pangako kapag nagawa mo akong itakas magkakaroon ka ng sarili mong bahay at negosyo na hindi ka aasa sa demonyo mong ama,alam kong mabuti kang tao Dom" tumitig ako sa kanya at halata ang namumuong luha sa kanyang mata.
"Pagod na din ako kay Daddy,simula namatay si Kuya Damian,gusto niya sumunod din ako sa kanya gaya ng ginawa ng kapatid ko noon" nakaramdam ako ng guilt sa sinabi niya ngunit may halo itong pagkamuhi sa aking puso kapag nababanggit ang pangalan ng kanyang kapatid.
Ng dahil sa inyong mga Delfuego nasira ang buhay ko,naiwan akong mag isa,nawalan ako ng pamilya sa isang iglap lang.Pero kailangan kong gawin ito para makaalis na dito sa bahay na to.
"Dom,ituloy natin ang kasal" tumitig ito sa akin
"Pero,sabi mo hindi mo ako mahal bakit ka magpapakasal sa akin" natataka nitong tanong
"Matutunan ko din yon Dom,sa tamang panahon"
"Andito lang pala kayo kanina ko pa kayo tinatawag" bungad ni Don Dominador.Gustong gusto ko siyang saktan pero kailangan kong magpanggap.
"Pinag uusapan namin yung tungkol sa kasal Dad" nakangiti kong tugon.
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.