Chapter 16

1.1K 58 1
                                    

***Mon Shy Gomez***

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.Malungkot,nasasaktan at hindi ko alam kung masaya.Pero ang puso ko gustong sumaya dahil sa babaeng kasama ko sa oras na ito.

Shes gorgeous wearing a off-shoulder white gown naplunok ako ng dumapo ang aking mata sa kanyang dibdib.Hindi na to tama,I have this feeling parang hays ewan.

Bigla niyang hinawakan ang aking baba at itiningala niya sa akin,

"Ayaw kong tinitignan mo ako ng ganyan"tila namumula nitong saad.

"Bat pag ikaw gumawa sakin  okay lang" nakairap kong tugon "Atsaka bakit same ng tattoo natin" nahihiwagaan kong tanong.

Ipinaliwanag niya lahat sa akin,parang ang hirap at hindi ako makapaniwalang ako ang gagawin niyang taga pagmana ng kanyang mga ari arian

"Humanda na kayo andito na sila" saad ni Nay Agnes,nakaramdam ako ng kakaibang kaba,hindi alam ng pamilya ko tong ginagawa kong to.

Ang busy nila sa buhay,wala manlang silang chat o tawag para lang batiin ako ngayong kaarawan ko,ganun na ba sila ka busy at maging mahalagang araw sa aking buhay ay hindi nila maalala.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Sam sa aking kamay.
"Forget everything today,lets enjoy" nakangiti nitong saad.
Napangiti ako dahil simula kanina ngumingiti na din siya hindi na siya nakakatakot at mas lalong lumitaw ang kagandahan niya.

"Oh bat ka nakatitig diyan" taas ang isang kilay nito.
Natawa ako
"nagsusungit ka nanaman" saad ko sabay pisil sa kanyang baba,parang bigla itong nailang.
Bakit ang unfair ng babaeng to kapag siya ang gumagawa nun sa akin ang tapang kapag ako ang gagawa biglang naiilang.

Tumayo na ito at hinawakan ang aking kamay,paglabas namin isang magandang musika ang bumungad sa amin,sound proof pala yung room niya kaya pala di naririnig ang tugtugan dito sa sala.

Ang bilis naman nila magdecorate ang ganda ng paligid

May mga nakapatong na mga regalo sa mahabang mesa.

"Thank you for coming"bati ni Sam sa mga nadadaanan nito.Kahit saan napaka pormal niyang tao,pero kakaiba ngayon dahil may dagdag itong ngiti.

Hanggang pinaupo kami sa dalawang upuan na magkatabi,

Lumapit sa amin ang isang lalaking nakabarong ng puti.at may hawak itong libro.

Kinakabahan ako habang binabasa ang ilang linya sa libro na hawak nito.

Nanumpa kami ng sabay ni Sam sa harapan ng mga tao na nakatunghay sa amin.

"Miss Samantha Claire Villoso,tinatanggap mo ba si Miss Mon Shy Gomez bilang iyong asawa?"

"Yes Judge" walang pag aalinlangang tugon ni Sam
Bumaling naman ng tingin sa akin,kinakabahan ako.

"Mon Shy Gomez tinatanggap mo ba si Samantha Claire Villoso bilang iyong asawa?" bahagya akong napalunok,napaisip akong ang bata ko pa,tapos bigla aking magkakaasawa,8yrs ang gap namin ni Sam.

"Inuulit ko,Tinatanggap mo ba si Samantha bilang magiging asawa?" tumingin ako kay Sam,pero nakayuko lang ito.hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil

Ngumiti ako sa judge "Opo Judge" narinig kong paghinga ng malalim ng mga ilang taong naroon.

"Akala ko magkakaroon ng shotgun wedding eh" singaw ni Roxanne,tawanan ang lahat

Marami pang sinabi ang judge..
Hanggang sa nagkapirmahan ng kontrata,maging ang Atorney ni Sam ay naroon at may iniabot na mga dokumento at pinirmahan naming pareho.

"Now I pronounced you partners in life" nakangiting saad ng Judge
"You may now kiss your wife"

Hiyawan ng lahat ng mga dumalo,nahihiya man ako dahil nasanay akong hinahalikan lang ni Sam kapag kapag kaming dalawa lang at walang ibang tao paligid.

Nangangatog na ang aking tuhod dala ng kaba at hiya.Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman.

Nang hawakan ni Sam ang aking baba at bahagya niya itong itinaas.
Tumingin ako sa kanyang mata,parang ang daming gustong sabihin pero mas nangibabaw ang saya sa kanyang mata,nakangiti itong nakatitig sa akin.

Sana ganito nalang hindi na matapos ang gabing ito para palagi siyang nakangiti para hindi na ako natatakot sa kanya..

Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang malambot na labi,malakas at nakakabinging hiyawan ang aking narinig habang nakapikit at ninanamnam ang matamis na halik ni Sam.

Dahan dahan nitong inilayo ang kanyang labi at muli akong tinitigan,hindi ko alam pero kinikilig ako sa oras na to.
Wala sa isip kong niyakap ko siya naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa aking likod at hinagod ito.

"Woohh Cheers sa bagong kasal" sigaw ng kaibigan nito,lumingon ako at nginitian ito hindi ko alam kung saan ko siya nakita,maganda din gaya ni Sam.

Binigyan kami ng tig isang baso na may lamanh redwine at sabay naming itinaas

"Cheers" saad ni Sam,pinag toost namin ang aming wineglass

"Kainan na,sarap ng mga handa,wooh sigaw ni Roxanne" nailing nalang ako dahil sa kaaningan niya.Kung gaano ka jolly si Rox ganun din naman kaseryoso si Elljay.

Naging maayos ang lahat,busy na ang lahat sa pagkain.Habang kami ni Sam narito na sa kwarto para magpalit ng damit.

Nagdamit nalang ako ng hanggang tuhod na dress,samantalang si Sam naka slacks ng itim at nakawhite longsleeves na polo at bahagyang nakabukas ang butones nito hanggang dibdib sakto lang na nakalitaw ang tattoo nito.

Ang hot niya tignan.

"Baka matunaw ako niyan" nakangiting lumapit sa akin.

"Tse,tara na nga sa baba" kasasabi ko lang pero tumakbo na ito palabas ng pintuan..

Saktong paglabas ko, naliparang mga red and black balloons ang sumalubong sa akin..

"Happy Birthday to you,happy birthd day happy birthday Happy Birthday Minnnn!!!"halos sabay sabay nilang sigaw.Halos mapaluha ako sa saya,Im not expecting anything,sobra na ang nangyayari sa gabing ito..

"Make a wish" habang hawak ni Sam ang cake

I close my eyes and wish for myself atsaka and I blow the candle.

Happy Birthday!...

May mga gift din silang  inabot sa akin

"Happy Birthday Mon" bati ng pamilyar na babae,kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita.

"Ahmm thank you po" siya namang lapit ni Sam at may kasama ito

"Mon ,ahh meet Si Nicole and Marro mga bestfriend ko" pagpapakilala niya sa babaeng kaharap ko at sa kasama nito.

Tama si Nicole Flores yung type ni Ate Nixs ,naalala ko na siya yung nasa picture na pinakita sa akin.

"Nice to meet you po" nahihiya kong tugon.

"Lets party party" sigaw ni Marro

"Tara sayaw tayo wooh"sigaw naman ni Roxanne

Hinila na ni Marro si Ate Nicole at pumunta ito sa gitna at sumayaw.

"Are you Happy?"habang hapit ni Sam ang aking bewang

"Hmm sobra,thank you" inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat

Ng isang sweet music ang pinatugtog

"Tara sayaw tayo"Hinawakan niya ang isa kong  kamay at ipanatong sa kanya balikat habang hawak niya ang isa,Ang isang kamay nya nakahawak din ito sa aking bewang.

🎵"There I was, an empty piece of a shell,Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about
Then you came…"🎵

"Thank you" bulong ni Sam sa akin

"hmm for what?" ngiti ko sa kanya

"Ah basta,i dont need to explain everything" bahagya kong kinurot at mahina itong tumawa.

"Tse suplada mo talaga kahit kailan.."

To Be continue....
Happy Reading

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon