***Ran Nixs Gomez***"Pa,pauwi na daw si Mon" tugon ko sa aming ama na ngayon at katanghaliang tapat ay nagkakape.
"Kung saan saan ngpupunta yang batang yan,delikado pa naman ngayon may mga kabataang dinudukot,mabuti nga at nailigtas kayo"
"Kaya nga pa,kami nga di nakaligtas sa masasamang loob,pero nandoon naman daw si Mon kila Engr.Sam yon ang itinawag niya sa akin sa telepono,hindi ko pa nga nakukwento sa kanya yong nangyari sa amin"saad ko sa aming Ama.
"Delikado din pala maging Doctor dahil kikidnapin ka" singit naman ni Elle ang panganay kong kapatid na ngayon lang umuwi dahil nabalitaan ang nangyaring kidnapping sa akin
"Ganon daw kapag pogi,buti nga pinakawalan din kami" sabay kindat sa aking kapatid
"Pfftt,ang kapal talaga" bulong nito sarap irap.
"Pa,ate andito na ako" sigaw ni Mon habang hawak hawak nito ang mga gamit nito sa paaralan.
Sabay namin sinalubong si Mon at niyakap."I miss you pa,ate" mahigpit itong yumakap sa amin,parang may kakaiba sa kanya hindi ko lang mabatid kung ano.
"Ate Elle,andito ka!!"agad itong bumitaw sa pagkakayakap sa akin at mahigpit na niyakap si Ate.
"Bunso may sakit ka ba" sabay apuhap ko sa noo nito "hindi ka naman mainit" saad ko
"Bakit parang ang tamlay ang itsura mo"baling ni Elle
"Ate talaga okay lang ako stress lang ako sa mga drawings kong plates ko sakit sa ulo,saglit lang bibihis lang ako,anong ulam pa?" baling nito sa aming ama
"Adobo nak,adobong manok,siya magbihis ka muna at ng makakain na tayo" sabay higop nito sa hawak nitong kape
"Katanghaliang tapat pa nagkakape ka,tapos kakain na din ng lunch nagkape ka pa" napakamot ng batok si Mon habang paalis papunta sa kwarto nito.
Hinanda ko nandin ang hapagkainan para sakto na mamaya paglabas ni Bunso.Ilang minuto pa ay bumaba na ito.
"Hmm ang bango ng ulam" bungad nito sabay hila sa upuan at pasalampak na umupo.
Napansin kong hindi gaanong nagdadaldal ang kapatid ko,dati siya ang bida bida sa walang katapusang chismis sa mundo,ngayon nakafocus lang sa pagkain.
"Ahm bunso alam mo bang nakidnap kami" nag angat ng tingin ito na tila nagulat
"Luh anong nangyari ate,sinaktan ka ba nila,mabuti nakaligtas kayo,bakit anong ginawa nila sa inyo" halos sunod sunod nitong tanong
"May nagligtas sa amin mula sa Miguel na yun" napansin ko ang paglaki ng mata nito ng banggitin ko si Miguel.
Sumubo ito ng kanin "tapos anong nangyari?" sumubo ulit,na tila gustong punuin lahat ng espasyo sa kanyang bunganga
Iniligtas kami ni Dannylyn "pft," biglaang nabilaukan ito agad ko namang inabutan ng tubig.
"Ano ba nak dahan dahan naman kase nag pasubo" saway ni Papa
"Para ka kasing hindi lumamon ng ilang taon" dagdag naman ni Ate Elle habang tinatapik ang likod nito.
"Eh sa masarap ang ulam eh,tapos ate a-anong nangyari?" pagbabalik ko sa topic namin
"Dinala kami sa isang safe house daw nung boss Claire nila, doon kami tumira okay naman lahat nga kumpleto mga gamit nila parang sadya talaga na doon dinadala ang mga sugatan nilang mga kasamahan.Tapos Ayon nung may pinaexamine sakin na bottled water pinapainom daw sa boss nila kaya nanghihina.Tinatawag nilang Boss Claire,hindi na namin nakilala dahil pagkatapos ng laboratory pinakawalan na kami,buti nga mabait sila" mahaba kong kwento.
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.