Chapter 35

1K 52 4
                                    


***Mon Shy Gomez***

"Mon kumain ka na,maghapon ka ng hindi lumalabas ng kwarto mo,nag aalala na si Papa sayo" saad ni Ate Nixs

"Ate...ang sakit sakit" muli nanamang tumulo ang luha sa aking mata

Naupo si ate sa gilid ng kama at hinaplos ang aking buhok.

"Im sorry bunso sa sobrang busy namin sa trabaho,nakalimutan ka naming kumustahin,hindi namin alam na nasasangkot ka na pala sa isang napakalaking gulo" naiiling na saad nito habang patuloy ang paghaplos sa aking buhok

"Tinawagan ako ni Nicole noong araw na yon at sinabi niya ang lahat sa akin,kung anong relasyon nyo ni Engr Sam.at nalaman ko din na yung Boss Claire na sinasabi ng mga nagligtas sa amin mula kay Miguel ay siya din si Samantha,at hindi ko lubos akalain na yung Boss Mon na sinasabi nila ay ikaw yon"mahaba nigong salaysay

"Ate,wala na si Sam namimiss ko na siya" garagal kong tugon.

"Wala na tayong magagawa pa Mon,kundi tanggapin mo nalang ang lahat,kailangan mo na siyang kalimutan"

"Tama ang ate mo Mon,kailangan mong magsimula muli,aalis tayo sa lugar na to" wika ni Papa habang papalapit sa aming kinaroroonan.

"Pero pa!,ayaw kong iwan si Sam,madami kaming ala ala ni Sam dito sa lugar na to" humihikbi kong tugon

"Baunin mo nalang ang mga alaalang yon,ako din babaunin ko yung mga alaalang minsan nagkagusto ako sa isang Nicole Flores" napaangat ako ng aking mukha

Pinunasan ko ang aking mata at tumingin kaya ate Nixs "Bakit hindi mo na itutuloy ang panliligaw kay Ate Nicole?"

Umiling ito " Hindi na,gusto kong makalayo na tayo sa lahat ng masamang bangungot na nangyari sa atin dito"

"Mga anak kong broken,umpisahan niyo ng mag empake ng mga gamit nyo sa isang araw darating yung truck na maghahakot sa mga gamit"Naiiling si papa habang nakatingin sa amin

"Pero bago ang pag eempake kailangan munang kumain ang bunso" sabau tayo ni ate at hinila ako.

"Ayaw mong maglakad nak,halika kakargahin kita" akmang lalapit si Papa sa akin pero tumayo na agad ako.

"Binebaby nyo nanaman ako eh" nakanguso kong saad

"Kaso hindi ka na namin baby,dahil ikinasal ka ng hindi namin nalalman at sa babae pa talaga" reklamo ni Ate.

"Ikaw nga din diyan babae ang nais mo mo" irap ko dito

"Syempre ang poging doctor ay para sa babae" sabay wink nito sa kanyang kanang mata.

"Kapal mo talaga" saad ko

"Siya sumunod na kayo sa baba"  wika ni papa habang palabas na ng kwarto

"Halika na bunso" sabay akbay at ginulo ang aking buhok.

Napangiti ako at medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa aking pamilya pero hindi padin mawala sa isip ko ang bilis ng mga pangyayari..

______________________

"Mon alam mo madaming pogi dito sa probinsya,bakit hindi ka lumabas para may makilala ka namang mga kaibigan" saad ni Ate habang nagbibihis ito papasok sa baging hospital na pinapasukan nila.

"Kaya nga anak,may pogi ako akong tinuturuan baka type mo" umirap ako sa inusal ni Papa

"Pahh!!!,graade 1 tinuturuan mo i shiship mo ako sa bata" nakanguso kong tugon

"Biro lang anak,lumabas ka din may mall dito malapit baka gusto mo mag mall"

"Hindi mo naman kailangan ng pera dahil isa kang tagapagmana ni Villoso"sabay kindat ni ate Nixs.

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon