***Mon Shy Gomez***"Roxanne palayain nyo na yung Doctor at ilang mga kasamahan niya para makauwi na sila baka namimiss at nag aalala na ang mga pamilya nila" saad ko mula sa kabilang linya
"Nahuli ka na Ms.Mon,naitawag na sa amin ni Boss" nabigla ako na may communication pala sila
"Buti pa kayo tinawagan niya samantalang ako ni hindi manlang nagparamdam"malungkot kong saad
"Hayaan mo nalang baka busy lang yon"
"Oo busy siya sa kasal niya"mahina kong tugon habang nakatitig sa telebisyon."Sige na Rox next time ulit bye"
Binaba ko ang telepono at pinuntahan si Nay Agnes"Nay Agnes nakita ko sa news ikinasal si Samantha,bakit ganon a-ano nalang ako,kinasal din kami pero bat siya nagpakasal ulit sa iba" paghihimutok ko sa aming ina inahan.
"Mon anak,hindi natin alam ang dahilan ni Sam,ilang bwan na walang balita sa kanya"mahinahong tugon ni Nay
"Hays,,sige po magpapahinga nalang muna ako"iniwan ko si Nay agnes sa living room at umakyat ako sa kwarto namin ni Sam.Nakatayo lang ako na nakatitig sa bawat sulok ng kwarto.Hindi na ako ang titira sa kwartong ito,hindi na ako ang kayakap niya tuwing gabi
"sigh"
Yun ba ang dahilan bakit hindi na tinuloy nila Roxanne ang pagkuha sa kanya sa mansyon ng mga Delfuego.
"Roxanne ano nakahanda na ba kayo,siguruhin nyong maililigtas niyo si Sam"
"Ms.Mon,tinawagan na kami ni Boss Sam huwag na daw kaming mag alala at huwag gagawa ng kahit anong hakbang kahit pa ikaw ang mag utos.Okay na daw siya at uuwi na siya diyan sa mansyon sa mga susunod na mga araw"
"Sigh"
Napapabuntonghininga ako kapag naalala ko ang huling pag uusap namin ni Roxanne.
At yung huling chat ni Sam
"Mon bumaba ka na ng room,you can use the guest room sa 1st floor,me and Dom will be there tomorrow and fix all your things there ayaw kong may gamit kang maiiwan sa kwarto namin.Thanks" -Sam
Malinis na din ang kwarto,lahat ng naiwan ay mga gamit ni Sam.Bumaba ako para magpaalam kay Nay Agnes na isabit yung wedding photo ni Sam at Dom na dineliver kahapon.
"Nay Ag---" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nakasalubong ko si Sam at sa likod nito nakatayo si Dom
"A-andyan na pala kayo,maligayang pagbabalik" matipid kong ngiti,Gustong gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.
"Uy Mon andito ka pala" gulat na saad ni Dom
"Kasambahay namin ,isa siyang scholar ng SCV" seryoso niyang tugon kay Dom,it hurts me calling me kasambahay,pero wala akong magagawa sino nga ba ako mapait ang ngiting iginawad ko kay Samantha alam kong nahalata niya iyon.
"Nay Agnes ayusin ko lang yung room nila paalam ko,excuse me Maam" yumuko ako bilang paghingi ng pahintulot.Wala naman na akong aayusin dahil maayos naman na gusto ko lang huminga baka kase sumabog ako at mapahagulgol sa iyak.
Ang bigat ng dibdib ko,ang sakit sakit bakit kung kailan naramdaman ko ang kasiguruhang mahal ko siya atsaka naman ito nangyari.Hindi ba niya ako minahal bakit parang ang dali lang kanya ang lahat..
"Sam paano naman ako" bulong ko sa sarili, Pinipigilan ko ang luha ko dahil ayaw kong makita niya.
"Hays,,Mon kaya mo yan,kaya natin to.Pumayag ka naman kase sa mga gusto niyang gawin diba kaya mag dusa haha" mapakla kong tawa sa aking sarili. "Kung hindi ko lang talaga siya mahal wala sana ako sa sitwasyon na ganito" huminga ako ng malalim at inikot ang aking paningin sa loob ng kwarto.
Ngumiti ako ng may halong pait,mamimiss ko ang kwarto to.
"Sam umasa ako na sa pagbabalik mo ako padin ang kasama mo sa kwartong ito,katabing matulog pero nagkamali ako dahil sa umpisa lang pala ang lahat dahil sa dulo iba na gusto mo" muli aking bumuntong hininga,inayos ko ang sarili atsaka mabigat ang paang humakbang palabas ng kwartong minsan naramdaman ko ang pag aalaga ng isang Samantha Claire Villoso."Mon okay na ba?" agaw pansin ni Nay Agnes ngumiti ako at tumango
Tumayo ako sa side malapit sa kinauupuan ni Sam.
"Halika Dom samahan mo akong mag ayos ng gamit mo,wala namang gamit si Sam na dala dahil madami syang damit dito"
Ng makaalis na sila nagpaalam na din ako na may gagawin
Ngunit bigla akong hinila sa palapulsuan ko dahilan para ma out of balance mapasubsub sa kinauupuan ni Sam."Pa-sensya na" akmang tatayo ako pero mahigpit ang hawak nito sa braso ko,halos magkalapit na ang aming mukha.
Hindi ko maintindihan ang pagtibok ng aking puso,namimiss ko na siya ng sobra.Ang kanyang mata na parang laging galit kung makatingin,ang kanyang labing mapupula pero malaki ang ipinagbago ng kanyang kutis maputla siya hindi gaya noon na namumula mula ang pisngi nito,ang labi nito na tila nag dadry.
"Pwede kang umalis ng mansyon kung gusto mo,hindi ko kailangang makipagsiksikan dito" nawindang ako sa sinabi nito
Napalunok ako habang nakatitig sa kanyang labi
"Yan ba ang gusto mo?"garagal kong tugon, hindi ko na napigilang bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Aalis ako kung yan ang gusto mo" naramdaman ko ang pagluwang ng kapit nito kaya tumayo ako tumalikod sa kanya.
Bahagya kong pinunasan ang aking luha bago ulit ito nilingon.Ngumiti ako ng may halong pait at tuluyan ko na siyang iniwan.
Kinuha ko ang mga plates and drawings ko na nsa guest room,medyo madami dami din dahil sa di matapos tapos ng mga drawings.inilagay ko lahat sa box nirolyo ko nalang yung iba para maayos ang pagkakalagay.
Inilagay ko sa backpack ko yung mga tools ko sa pag guguhit.At ilang mga personal kong gamit.
Isinukbit ko ito sa aking likod at binuhat ang box.Paglabas ko saktong baba naman ni Nay Agnes.
"Mon saan ka pupunta?" nagtataka tanong nito.
"Errmm Nay uuwi muna ako,atsaka bukas balik face to face class na" nakangiti kong tugon.
"Sam" tingin nito kay Samantha
"Hayaan mo siya Nay,malaki na siya alam na niya ang ginagawa niya" walang emosyong saad ni Sam
Napakagat nalang ako sa ilalim ng aking labi dahil sa sakit na aking nararamdaman .Gusto kong humagulgul sa iyak pero hindi ko magawa
"Sige po Maam" paalam ko dito at hindi na ako lumingon pa
"Sam hindi mo ba siya ipapahatid"narinig kong tanong ni Nay Agnes
"No need Nay,madaming taxi na dumadaan dito" at tuluyan na akong humakbang papalayo sa kinaroroonan nito.
Agad namang may taxi na nakahinto sa harap,na parang alam agad na sasakay ako.
Bumaba pa ang driver at sinalubong ako atsaka nito inilagay sa compartment ng taxi ang mga gamit ko.
Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan,nilingon ko ang bahay ni Sam,tumingala ako na kung saan kita ko ang bintana ng kanyang kwarto,tinted ang salamin sa kanyang kwarto kaya hindi kita ang tao sa loob."Paalam love" mahina kong usal bago ko tulayang isinara ang pintuan ng sasakyan.
Kasabay ng pag alis ng sasakyan palayo sa bahay ni Sam ang pagtulo ng aking luha.Halos mapahagulgol ako sa iyak..
Nakisabay pa ang musikang pinapatugtog ni Manong driver
"Oh giliw naririnig mo ba
Ang yong sarili
Nakakabaliw lumalabas
Sa yong bibigAlam kong uto uto ako
Alam ko na marupok
Tao lang din naman
Kasi akoMay nararamdaman din ako
Di kasi manhid na tulad mo
Alam kong sanay bumitaw
Ang isang tulad mo
Lalayo na ba akoPano naman ako
Nahulog na sayo
Binitawan mo lang ba talaga ako"🎶🎶🎶🎶Ang bawat kataga sa kanta ay nanunoot ang sa aking puso.
"Ang sakit sakit"
Napapakagat ako ng labi para pigilan ang paglabas nang tunog ng aking paghikbi.
"Kalma na Mon"pag alo ko sa aking sarili
TBC...
BINABASA MO ANG
𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/
Fanfiction𝙂×𝙂 ⚠️🔞𝘽𝘼𝘿 𝙒𝙊𝙍𝘿𝙎 🔞⚠️ ⚠️🔞𝙒𝘼𝙍𝙉𝙄𝙉𝙂🔞⚠️ :THIS MAY CONTAIN SEXUAL AND VULGAR WORDS,THIS STORY IS ONLY MADE BY AUTHOR IMAGINATION IF YOUR NOT COMFORTABLE ON THIS SCENES JUST SKIP IT.