Chapter 31

940 49 1
                                    

**Samantha Claire Villoso***

Nag i-scroll ako ng photos sa laptop ng lumapit si Nay Agnes

"Pinaalis mo siya tapos titignan tignan mo siya diyan" lumingon ako at muli akong tumingin sa laptop

"Mas maigi para hindi siya masaktan Nay ,gusto naman niyang umalis kaya hayaan nalang" seryoso kong tugon

"Alam ko babalik siya" nakangiti nitong saad

"Maiging wag nalang"

"Hinabilin ka niya,nakiusap siyang wag ka ng painumin sa mga gamot na binibigay sayo,at kailangan mong kumunsolta sa doctor ng walang nakakaalam kahit sino" napatingin ako sa sinabi ni Nay Agnes.

Nagdududa ba si Mon sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Tumawag si Rhea kanina pauwi na daw sila dito,maiwan na muna kita tawagin mo lang ako kung may kailangan,huwag ka masyadong magkikilos baka bigla ka nanamang mahilo"paalala ni nay agnes bago ito nagtungo sa kusina.

Naghahanap ako ng pwedeng mapanood ng biglang bumukas ang pinto.
Si Mon,biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng makita ko itong ngumiti at binati ako.

aktong iinom ako ng tubig ng bumulong ito sa akin,naramdaman ko ang mainit nitong hininga malapit sa aking tainga,bigla akong lumingon dahilan para madampi sa labi niya ang labi ko.
Agad naman siyang napaatras.

Ibinaba ko ang tubig na hawak ko,
Akala ko hahayaan na niya talaga ako.,matapos niya akong kausapin nagpaalam ito na magbibihis na muna
Saktong lapit ni Yaya Raquel,Huminto si Mon sa trangkahan ng kwarto at tumingin sa akin at umiling.

Isinubo ko ang gamot at kunwaring uminom ng tubig.Kaya napailing nalang si Mon na pumasok sa kwarto.
Agad kong iniluwa ang gamot ay binalot ko ito ng tissue atsaka ibinulsa

Pagbalik niya magkasama na kami ni Dom sa sala habang hawak nito ang aking kamay.Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang paghimas ni Dom sa aking kamay.
Kaya agad ko itong hinila at nagpanggap na hindi ko siya napansin dahil tumutok ako sa telebisyon

Nilampasan niya kami at tinungo ang kusina.

"Nay Agnes nakaluto na kayo ng dinner?" rinig kong saad nito

Ilang minuto pa sabay sabay kaming humarap sa hapag kainan.Hinila ni Mon ang upuan ko  sa pinakaulo ng mesa

"Ikaw Mon hindi ka pa kakain?" tanong ni Nay Agnes

"Busog pa ako nay,nagmeryenda kami ni Lester kanina doon sa school" ewan parang nainis ako sa narinig pero kinalmahan ko nalng ang sarili ko.

Akmang tatayo ako  dahil nawalan ako ng gana,pero hinawakan niya ako sa balikat at pilit na pinaupo.

"Yaya Raquel kapag andito ako huwag mo ng asikasuhin si Sam ako na bahala sa kanya" nakangiti nitong saad kay Yaya Raquel ng bigyan ako ng soup,itinulak ni Mon ang mangkok at itinabi kay Dom.
Pinalitan din niya ang tubig na binigay ni Yaya.
Anong pinag gagawa niya at ayaw niyang ipakain mga binibigay sa akin.

Pagkatapos naming kumain inaya na din ako ni Dom na pumasok ng kwarto.
Gabi na pero hindi padin ako dalawin ng antok kaya bumaba ako para magtimpla ng gatas.Himbing na ng tulog ni Dom sa kabilang kama.

Nagpalagay ako ng isang single bed dito sa kwarto ayaw ko siyang katabi,gusto ko lang palabasin na natutulog kami sa iisang kwarto.

Lumingon ako sa kwarto ni Mon,nakaawang pintuan nakaupo ito at nakasandal sa upuan.

Hindi niya namalayan ang aking paglapit.

"Hallucination"bulong ko mula sa nakalagay na search button ng google

Nilingon ko siya, nakaawang ang labi nito.
Dumukwang ako at banayad na dinampian ng halik ang labi nito.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam pero ramdam ko kaligtasan ko kapag nasa malapit siya.

"I feel safe when youre near" out of my mind na nabigkas ko kaya umakto akong di ko sinadya ang sinabi ko.

"Magnanakaw ka talaga" saad nito

"Huh?bakit anong ninakaw ko?" kunot noo ako tumitig sa kanya

"magnanakaw ng halik" seryoso itong nagtitipa ng laptop niya wala na din yung sinesearch nya kanina.Isinara niya ito tumayo

"Halika na hatid na kita sa room nyo ng asawa mo" sabay hawak nito sa aking braso at iginiya palabas ng kwarto.

"pwede bang dito ako matulog?" huminto kami sa paglalakad

Tumingin siya sa akin,mukhang papayag naman " Hindi pwede" madiin nitong sagot.

Nag assume lang pala ako na gusto niya" Baka kung anong sabihin ng asawa mong hilaw" napangiti ako sa sinabi nito.

Hinatid niya ako sa kwarto ng walang imik ito.

"Goodnight"halos sabay naming paalam.

Ng bigla sumakit ang ulo ko,
"Ouch,parang mabibitak ang ulo ko" sambit ko.

"Sam are you okay?"saad nito

Biglang nanlabo ang aking paningin kasabay ng pagbagsak ko.

" Sammmmm!!!"

tBc....

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon