Chapter 22

970 47 1
                                    


***Samatha Claire Villoso***

"Mon,aalis ako pupunta kami kila Peach" paalam ko ng makita kong tapos na siyang makipag usap sa cp

"Sam"

May sasabihin pa sana siya pero biglang dumating si Roxanne

"Boss handa na ang lahat"

"Sige,mauna ka na sa sasakyan susunod ako"

"Aalis na kami,Mon yung mga bilin ko sayo ha" paalala ko dito.

Akmang lalabas na ako ng pintuan ng maramdaman ko ang pagyakap nito mula sa aking likod.Lumakas lalo ang tibok ng puso ko.

"Mag iingat ka my bigboss"ramdam ko ang pagdantay ng kanyang pisngi sa akong likuran
Napangiti ako at humarap sa kanya

"Yes may lil Boss mag iingat ako,babalik ako bukas at maghahoneymoon  tayo" nakangisi kong saad.

Bahagya niya akong kinurot sa tagiliran "Sira,walang ganon"
Dinampian ko ng halik ang kanyang labi "babalik ako" malumanay kong saad ng maghiwalay ang aming labi.

Iniwan ko itong nakatunganga sa pintuan
Kumaway ako sa kanya bago  pinaandar ni Eljay ang kotse..
May convoy kami dalawang kotse sa harap at dalawang kotse sa.likod may sakay na tig apat na tao dito apat din kami si Eljay,roxane at dannylyn iba pa yung mga nakamotorsiklo.

"Boss basta huwag mong pabayaan ang pamilya namin" basag ni Danny sa katahimikan

"Gaya ng pangako ko sa inyong lahat kahit magresign na kayo may monthly allowance padin ung matatanggap ng inyong pamilya dahil sa pagiging tapat nyo sa akin" pagbibigay ko ng assurance sa kanila

Ng biglang sabog ang dalawang kotse sa likod at sa harap.Napalunok ako sa kaba.

"Humanda kayo saad ni Roxanne"
Nkikipagbarilan ang iba kong mga tauhan na nakasakay sa motorsiklo.

"Iligtas nyo si boss" dinig kong sigaw ni Danny habang nakikipag palitan ng putok.
Biglang inapakan ni Elljay ang preno ng sasakyan dahil sa limang sasakyan na humarang sa aming harapan.

"Yuko" sigaw ni elljay kaya napayuko kami hawak ang aming mga ulo.

Ng huminto sila sa pagpapaputok ay siya namang biglang pagbabarilin sila ng mga nakamotorsiklo
Kinuha namin ang pagkakataon na yon para makalabas ng kotse.

"Danny may sugat ka " saad ko habang naka cover silang tatlo sa akin.

"Wala ito boss ang mahalaga makaligtas tayo"
Patuloy kami sa pagtakbo,sumiksik kami sa mga talahiban
Medyo nakalayo na kami sa pinag-iwanan namain ng sasakyan.
Ng bigla itong sumabog.

"Hayop kayo Miguel" galit kong saad

"Anong gagawin natin hindi tayo basta makakalabas dito" tanong ni Elljay
Namumutla na din si Danny dahil sa hindi pagtigil ng pagdugo ng kanyang sugat.

"Master dito mukhang galing sila dito may bakas ng dugo,napuruhan siguro ang isa sa kanila"halos hindi kami huminga habang papalapit sila sa aming kinaroroonan.
Gumapang si Elljay sa bandang likod ng isang lalaki at si Roxanne naman sa isa ,ako naman kay Miguel mahina na si Danny kailangan namin makatakas.

Sinensyasan ko ung dalawa at sabay sabay kami.
Hinablot ko ng bigla ang palapulsuan ni Miguel at bahagya ko itong pinilipit dahilan para mahulog ang baril nito.

Nakipag bunuan ako kay Miguel.Isang malakas na tadyak sa tiyan ang iginanti ko.

"Argh hayop ka Samantha" habang hawak ang tiyan nito
"Mas hayop ka traydor" akmang sisipain ko sana ng sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko napalingon ako kila roxanne at elljay

"No!Roxane, elljay!!" isang malakas na halakhak ang narinig ko mula kay Miguel ..

Tinutukan ko ng baril si Miguel ngunit may dalawang dalawa ang nakatayo sa aking likuran at nakatutok ang baril sa aking ulo.

"Huwag ka ng lumabas Danny"alam kong nakikita nito ang sign language na ginawa ko dahil sa dikalayuan nakakubli ito.

Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa katawan ni Elljay at Roxanne na duguan at nakahandusay

Muling nabuhay ang galit ko,bigla akong lumingon sa likod at hinablot ng sabay ang baril na nakatutuk sa akin.Sabay putok sa dalawa.
Ngunit kasabay ng kanilang pagtumba ay ang dahan dahang pagdilim nag aking paningin.

At naramdaman ko ang isang matigas na bagay na dumapo sa aking batok.

____________________

TBC
Sorry for the late update,thank you for still waiting and reading ❤

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon