Chapter 24

938 41 1
                                    


***Dom Leith Delfuego***

"Dad,hindi kailangang gawin to kay Ms.Sam,alam mong hindi maayos ang kalagayan niya,shes suffering from hallucination tapos sasamantalahin mong ipakasal sa akin?" pag aamok ko sa kanya

"Sumunod ka sa gusto ko Dom kung ayaw mong mawalan ka ng karapatang maging Delfuego!" galit na saad ni Daddy,pabalibag nitong isinara ang pintuan ng aking kwarto.

"hays,Argghh kainis"sabay sabunot ko sa aking ulo.

Hindi na maganda ang kalagayan ni Engr.dahil sa sobrang gamot na itinurok sa kanya,minsan kung anong sinasabi ni Dad sinusunod nalang niya.

"Oo masaya ako na napasaakin siya ng walang kahirap hirap"

"Hayop ka Miguel bitawan mo si Engr.Sam" isang malakas na hampas ang pinakawalan ko gamit ang isang base sa kwartong iyon.
Nagkataon na pinapunta ako ni Dad kay Miguel para ibigay yung hinihingi nitong pera.
Nawalan siya ng malay,hinang hina si Sam kaya minabuti kong iuwi siya dito sa bahay.
Labis na ikinatuwa ni Dad ang mga nangyari

"Good job anak,isa ka ngang Delfuego"

Pero laging may pinapainom sa kanyang gamot sabi ni Dad para mabilis ang paggaling niya pero bakit parang palagi siyang nanghihina.

Biglang may kumatok kaya napahinto ako sa pagmumuni muni

"Busy ka ba?" boses ni Sam

Binuksan ko ang pintuan," Anong ginagawa mo dito,magpahinga ka na para lumakas ka" saad ko

"may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko akala ko tinatawag mo ako" wala sa sariling nagsalita ito.

"Sam,makinig ka sa akin basta kapag may narinig ka hayaan mo lang ,huwag kang lalabas,kung kailangan ka sila ang kusang lalapit sayo" may awa akong nararamdaman dahil sa kanyang kalagayan.

"I'll wait for Dad in living room,pinapatawag dw niya ako"
inalalayan ko siya sa pagbaba sa hagdan

"samahan na kita " nakangiti kong saad

Inalalayan ko siyang maupo sa sofa,ilang saglit pa nanghingi ito ng tubig.

"Yaya pakidalhan nga ng tubig si Sam"

"Dom may tubig para sa kanya nakahiwalay" saad ng isang bantay sa mansion

"Huh?bakit nakahiwalay ang tubig niya?" nagtataka kong tanong

"Prescribed yun ng Doctor iho"sabat ni Dad

"Bakit may sakit ba ako Dad" baling ni Sam sa aking ama

"Wala iha" nakangising tugon ni Daddy "siya nga pala ready ka na ba sa wedding nyo ni Dom?"

Ngumiti si Sam at tumango ito

"Good" makahulugang tumingin si Dad sa akin

"Sir ito na po yung tubig ni Ms.Sam" sabay abot sa maliit na plastic bottle na may lamang tubig na tila naksadya na talagang ginagawa para sa kanya dahil may pangalan pa itong Ms.Sam

"Sam,inumin mo na" agad naman ininom ni Sam ang tubig matapos iabot ni Daddy tila uhaw na uhaw ito.

"Bukas na tayo mag uusap ng maayos may emergency call ako sa opisina"

Tumalikod na si Daddy.

"Sam anong lasa ng tubig?" mahina kong tanong

"Wala,basta lagi akong nauuhaw kapag yung tubig lang na galingnsa despenser hindi ako na sasatisfied,pag ito okay na ako" nakangiti niya sagot

Nagkibit balikat nalang ako at kinuha ang pinag inuman at inihagis ko sa basurahan.

"Siya magpahinga ka nalng muna,pra next week malakas ka na" iginiya ko siya papasok sa kanyang kwarto.

"Dom ang Dad mo nasa landline"

Dinampot ko ang oditibo pagkalabas ko sa kwarto ni Sam "Hello Dad"

"Yung pinag inuman ni Sam ilagay mo muna sa kwarto mo at kukunin ko mamaya"

"Huh?Dad nasa basurahan na yon" tugon

"What???puny*ta ka talaga Dom,Kunin mo at itago mo walang pwedeng makakita sa plastic bottle na yun " galit na bulyaw ni Dad kaya medyo inilayo ko ang telepono sa aking tainga.

"Okay Dad kunin ko nalang ulit,bye"

"Kainis",tinungo ko ang basurahan na nasa tarangkahan ngunit wala na dito,.
Inihagis ko kanina dito,nag ala basketball player pa ako sa pag shoot sa basurahan.

"Yaya nakita mo ba yung tinapon kong plastic bottle kanina"

"Naku naitapon na sa labas baka hinakot na din ng basurero yung laman ng mga drum sa labas ng gate"

"patay ako kay Dad" napasabunot nalang ako ng ulo.

TBC...

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon