Chapter 37

1K 52 4
                                    

***Mon Shy Gomez***

Mabilis ang ginawa kong
pagpapatakbo kaya mabilis din akong nakarating ng bahay.
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan at patuloy na umiyak.

"Ang daya daya mo Samantha , wala ka manlang pakialam sa mararamdaman ko, ahh!!!!"
Pinagsusuntok ko ang unan na nahablot ng kamay ko

"Nakakainis ka!!" Patuloy kong pinagpapalo ang unan.

Ng tumunog ang cellphone ko.

Si Ate Nichole..

Naging close na din kami simula noong nakaburol yung samanthang peke na yun. Alam na kaya niya na buhay pa ang kaibigan niya?.

Kinalma ko ang sarili ko bago ako nagsalita "H-Hello ate Nicole"

"Hi Mon, Sam called me a while ago and sabi niya nagkita na daw kayo" saad nito.

Napahinto ako ng bahagya "What?? so alam mong buhay siya?",

"Uhmm,Mon nakiusap si ate Sam na huwag isabi sayo" tugon nito.

"So, ako lang ba ang hindi nakakaalam? Lahat kayo alam ang nangyayari? Don't tell me na pati pamilya ko alam ang lahat?" garalgal kong saad dito.

"Mon, makinig ka muna sa akin ha" mahinahon nitong tugon.

"Huh?? Makinig? Sarili mo ang pakinggan mo ate, puro lang pala kasinungalingan ang lahat, magsama sama kayo!!" pinatay ko ang tawag at inihagis ko ang cellphone ko sa pintuan.

Sakto namang bukas at bumungad si ate Nixs na nakasuot ito ng kanyang uniporme bilang doctor. Tumingin ito sa akin na tila nagtataka anong nangyayari ngunit hindi ako umimik bagkus isang masamang tingin ang ipinukol ko sakanya. Atsaka ako humiga at tibalukbong ang unan sa aking mukha.

Narinig ko ang pagtunog ng kanyang cellphone, Si ate Nicole ang kausap.

"Okay Nicole salamat bye"

"Bunso nagkita na pala kayo ni Samantha" naramdaman kong umupo ito sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang mukha ko.

Patuloy sa pagtulo ng aking luha because of pain knowing that even my family betrayed me. All throughout lahat pala ay puro kasinungalingan.

Tumayo ako at walang lingon kong iniwan si Ate Nixs, nakasalubong ko si Papa sa sala pero hindi ko ito pinansin.

"Anak saan ka pupunta, mag gagabi na" narinig kong tanong nito ng mapansing hindi ko siya kinausap. Hindi na ako umimik kinuha ko ang helmet ko at lumabas ng bahay.

Huminto ako sa isang coffeeshop at 24/7 silang bukas dito. Sa pagkakaalam ko may mga binibenta din silang alak sa kadugtong ng shop pero iisa lang din ang may ari. Ayaw ko naman doon sa pinuntahan ko kanina mukhang kay Samantha yung Coffeeshop na yun. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko ng maalala ko nanaman ang panloloko nilang lahat.

Gusto kong mag inom kahit ngayon lang. Gusto kong kalimutan ang lahat.

"Hey andito ka din? What a coincidence" malapad na ngiti ng babae, Ang ganda niya.May katangusan ang ilong pero si sam ang nakikita ko sa kanyang mata.

"Hello, ikaw yung nasa kabilang coffeeshop diba?" habang nakatitig ako sa kanya.

"Ma'am Nieca,papirma lang po saglit" singit ng isang empleyado.

Kinuha nito ang sining pen na naka
sukbit sa loon ng casual coat nitong kulay itim atsaka mabilis na pumirma.

Tumingin ito sa akin at ngumiti "Hmm bat ka nag iinom?" hinila nito ang isang upuan at umupo sa tabi ko.

"Gusto ko lang" matipid kong tugon.

"Ahm,is it okay if I join?"ngumiti ito ng bahagya dahilan para lumitaw ang maliit nitong dimple sa pisngi.

"Okay lang naman Ma'am" ngumiti ulit ito habang hawak ang isang maliit na bote ng SanMig na may apple flavor.

Nalilibang akong makipag usap sa kanya at medyo nawala na din yung  hiya ko kanina dahil napapadami na din ako ng inom.

"Alam mo Mon,ang ganda mo" sabay hawak nito sa kamay ko na nakahawak sa baso na may alak.

"Mas maganda ka Nieca huwag kang papatalo" sabay kaming nagtawanan sa baso na may alak

Minsan napapahampas ako sa balikat niya kapag nagpapatawa.
Nakahawak ako sa braso nito ng may biglang humawak sa akin para itayo.

"Oy Pinsan andito ka na pala" tingala ni Nieca sa babaeng napakaseryosong nakatingin sa akin na tila tigreng gusto lumapa ng tao dahil sa di maipintang mukha nito.

Bigla akong natauhan ng mapagtanto ko na si Sam ang nakahawak sa akin.

"Sandy, ipasok nyo sa opisina tong si Nieca at patulugin huwag nyo papalabasin ng shop ng ganyan na lasing" utos nito sa isang empleyado.

"At ikaw naman, bata ka gabing gabi na andito ka pa" madiin nitong saad.

"Babe, bye" paalam ni Nieca napangiti ako sa tinuran nito.

"Sige Babe, see you tomorrow"saad ko naman sabay flying kiss sa kanya kunwari naman nitong sinalo.

Uulitin ko pa sana ng hinawakan ni Sam ang aking kamay. Kaya hindi ko na ito naigalaw pa.

"B-Bakit ka a-andito Villoso huh, lasing ka ba? b-bakit mo ako sinusundan?"

"Ikaw ang lasing, kaya umuwi na tayo" inalalayan niya akong tumayo ngunit nahihilo ako kaya mabigat ang aking katawan.

Sinenyasan niya ang isang crew at tinulungan niya si Sam na isakay ako sa kanyang kotse.

Hindi ko na alam ang mga nangyari dahil sa sobrang hilo ko.

Sumakit ang mata ko ng makita ang liwanag na nanggagaling mula sa bintana.. Ang sakit ng katawan ko, ang ulo ko ang sakit din.

Ng mapansin ko na iba na ang aking damit, isang looseshirt at maiksing cotton short ang aking sout, ng kapain ko ang itaas ko wala akong suot na bra.

"Nooo!!!" malakas kong sigaw kaya mabilis naman ang pagpasok ng isang babae sa kwarto na tila nagulat sa pagsigaw nakabuhol ang buhok nito at bahagyang may ilang bahagi ang nahuhulog.

Nakasleeveless  lang ito nakashort lang din ng maiksi.

"A-anong ginawa mo sa akin?!!" Ibinato ko sa kanya ang isang unan at niyakap ko ang sarili ko, itinabing ang kamay sa aking dibdib.

TBC..

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon