Chapter 20

1K 48 1
                                    

****Doc Ran Nixs Gomez***

"Nurse Jhang" mahina kong tawag sa aking kasama

"Ano yon Doc"halos ng bubulungan nalang kami,maging mga kasamahan naming binilin ko na din sila na maging alerto.

"Ilang sandali nalang darating yung kukuha sa atin,maging mapagmatyag kayo" bilin ko sa kanila

"Doc,natatakot ako" bulong ni Nurse Jhang

May babaeng lumapit sa pintuan at tinanggal ang lock nito,tumingin lang sa amin at tumalikod na.

"Baka eto na yung hudyat na sinasabi nung babae kahapon" mahina kong saad sa kanila.

Naghintay pa kami ng ilang saglit,nakita ko yung babaeng ngbigay ng sulat kahapon.

"Master Miguel,nakatunog ang mga pulis dito sa hide out kailangang mailikas ang mga bihag" sigaw nito sa knilang Master.

Ilang sasakyan ang sunod sunod na pumasok sa compound,naunang sumakay si Miguel sumunod ang mga tauhan niyang iba.

"Isakay nyo sa isang van lahat ng bihag" sigaw ni Miguel

Sobrang nanginginig sa takot si Nurse Jhang kaya kailangan kong alalayan,pero lumapit yung babaeng ngbigay ng sulat

"Sige na Doc mauna na ka ng maglakad ako na bahala dito lampa mong nurse" saad nito,gusto kong ngisian si Jhang dahil sa tinawag siyang lampa pero winalang bahala ko nalang.

Nakita kong inirap ni Jhang ang babae,pero nakahawak ang babae sa kanyang braso.

"Kaya kong maglakad ng ako lang"sabay hawi sa braso nito.

"Huwag kang magtapang tapangan nanginginig ka na nga sa takot yabang mo padin" usal ng babae.

Pagkasakay namin walang imikan at nakikiramdam kami sa paligid,Yung babae naupo sa harap katabi ng driver.

Walang mga bahay sa aming nadadaanan,kahit mga street light  manlang sana  ay wala may mga paisa isang sasakyan na nakakasalubong namin.

Biglang huminto ang sasakyan at sunod sunod na putok ng baril ang aming narinig

"No!! " sigaw ni Nurse Jhang habang nakatalukbong gamit ang kanyang palad.

Bumukas ang pintuan ng Van na sinasakyan namin at pawang mga nakaitim ang bumungad,

"Dali baba" sigaw ng mga ito

"Nurse Jhang tara na!" hila ko sa kanya ngunit tila nanigas ang kanyang katawan sa sobrang takot qt nginig.

"Doc sige na sumakay na kayo,malapit na sina Miguel dito!" sigaw ng babae

"Ms.Ano ba gusto mong mabuhay,wag mong pairalin kalampaan mo" inis na saad ng babae kay Jhang

"A--aaw ko pang mamatay" nanginginig na saad ni Jhang.

Bigla siya inakay  ng babae at hawak nito sa bewang para suportahan sa paglalakad,bigla pagbabarilin sila ng parating na sasakyan.

"Traydor ka Danny!!" mabilis na ipinasok ng babae si Jhang sa loob ng van na sasakyan namin..

"Eljay andar na" sigaw nito sa Driver.

Pinindot ng babae ang nakasuot sa kanya na relo
"Roxanne kailangang namin ng back up hinahabol kami ng kampo ni Miguel"

Nakatshirt ng puti yung babae at tila may bahid ng dugo sa kanyang balikat.
Biglang umuga ang van,dahil sa pagbundol ng humahabol na sasakyan sa amin.

"Danny kailangan mo silang paputukan,subukan mong barilin ang gulong ng sasakyan nila"Dumukwang si danny sa bintana at sunod sunod na putok ang pinakawalan.

Hanggang sa may makasalubong kaming mga itim na kotse pinalampas nila ang aming sinasakyan atsaka sila humarang sunod sunod sa likuran ng aming sinasakyan na van.

Umupo yung babae sa tabi ni Nurse Jhang

"Tahan na Ms.ligtas na kayo" kalmado nitong saad

Tumingin si Jhang sa katabi  "mmmm--may sugat ka"

"Danny kaya mo pa?" saad ni Elljay

"Diretcho na tayo sa safe house " saad ng babae

Isang napakalaking bahay ang pinasukan ng sinasakyan namin,May mga nakaabang na mga stretcher sa labas sunod sunod na nagsidatingan ang mga sasakyan na itim kabilang ang aming sinasakyan.

Paisa isang isinakay sa stretcher ang mga sugatan kabilang na ang babaeng nanligtas sa amin.

Lahat kami at nasa lobby ng malaking bahay,mga sugatan ay ginagamot
Nagpresinta akong tumulong.

"Doc asan yung babae kanina may sugat siya sa balikat" tanong ni Nurse Jhang na ngayon ay kalmado na

"Doc Nixs baka po matulungan nyo kami para alis yung bala ng baril kay Danny" agad naming tinungo ni Nurse jhang ang babae

Kumpleto sila sa kagamitan kaya hindi na kami nahirapang maghanap ng mga mgagamit sa pang opera.

Naging maayos ang aming kalagayan sa mga taong nagligtas sa amin.Hindi man namin kilala kung sino yung Boss nila na sinasabi malaking pasalamat namin sa kanya dahil nakatakas kaming buhay

Nakita kong okay na din ang pag uusap ni Nurse Jhang at Danny

Naging hands on si Jhang sa kalagayan ni dati dahil sa hindi maigalaw ni Danny ang isang kamay

"Ayaw ko na busog na ako" natikom ang bibig ni Dan dahil pinipilit pa siyang subuan ni Nurse jhang.

"Last nalang para mabilis kang lumakas at makipagbakbakan ka na ulit" pagbibiro naman ng Nurse.

Napangiti ako dahil may mga katulad ni Danny na kayang ibuwis ang buhay mailigtas lang ang kapwa..

"Hays kumusta na kaya si Nicole" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa dalawa.

TBc...

𝙏𝙃𝘼𝙏 𝘿𝘼𝙔 [𝙁𝙧𝙚𝙚𝙣𝙗𝙚𝙘𝙠𝙮] /𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon