Chapter 1

14 1 0
                                        

GRACE

“Hindi ko alam kung bakit ang bilis niyang pumayag no’ng sinabi ko na cool of muna kami. Like beh, ano ‘yon? Gano'n na lang? Papayag talaga siya agad?” Arabella rant as soon we seated on the bench here in the garden. The school garden. Hinila niya ako here kanina.

“Baka naman kasi nirerespeto niya lang ‘yong decision mo. Tapos ikaw naman masiyadong paranoid,” ewan ko ba sa babaeng ‘to. Siya naman nag-decision ng ganiyan. Tapos kapag nangyari na hindi matanggap. Ano ‘yon?

“Hindi kasi bes eh. I know that he’s just respecting my decision. Pero wala man lang kaunting pigil or ano. Direct tanggap lang sa sinabi ko gano’n?” Hindi ko talaga mababasa punto niya. Hindi ko gets.

“Alam mo nakakalito ka. Ano ba kasing gusto mong mangyari? Pigilan ka? Magmakaawa siya sa’yo? Sino ba nag-decision niyan? Ikaw. Kaya ayan. Magdusa ka.”

Hindi ko alam ang buong storya kung anong nangyari sa kanila. Nag-chat nga siya sa akin kagabi pero hindi naman sapat. Like, hindi niya sinabi ang reason kung bakit niya gagawin ‘yon. Kaya tuloy ngayon ay ang hirap niyang basahin at depensahan na tama ang ginawa niya.

“Hindi mo kasi naiintindihan eh.” Frustrated. Frustrated written all over her face. Gumugulo niya pa ang buhok.

“How can I understand you if you can’t tell me the whole story? What do you think of me? Manghuhula?” Mas lalo niya lang sinabunutan ang sarili. Tumayo siya naglakad pabalik-balik sa harap ko na parang ewan.

Maya-maya ay parang nakaluhod sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong hita. Looking closely her eyes para siyang maiiyak. Parang gusto niyang mag-kuwento na ayaw. In short, nahihirapan siya. Ano ba kasing problema nito?

“Kuwento mo na. Para kaya kitang depensahan sa ginawa mong decision. Hindi ‘yong nalilito ako kung Sino ba ang tama sa inyo o mali,” wala nga akong jowa. Pero bakit kailangan kong mamoblema ng ganito na parang meron? Kaya ayokong pumasok sa isang relasiyon eh. Dahil sa kaniya. Laging ganito ang relationship na pinagdaanan. Nagmumukha siyang tanga.

Tuloy minsan napapaisip ako sa sarili. What if maging ganito rin ako? What if maranasan ko rin ang ginagawa niya ngayon na parang nakakatanga? What will happen to me? Kakayanin ko ba? Nandito pa rin ba siya sa tabi ko para damayan ako? Tulad nang pagdamay ko sa kaniya?  Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya agad. Kasi siyempre kaibigan ko siya. Pero magtatagal ba ang pagkakaibigan namin?

Napapansin ko kasi ngayon na habang tumatagal. Nagbabago ang tao. Nagbabago ang pakikitungo. Nagbabago ang relasiyon. So what if, magbago rin ang pagkakaibigan namin? Tapos kung kailan kailangan ko siya saka pa siya mawawala? Kaya ayokong makarinig ng ganitong usapan. Kung saan-saan na lang lumilipad ang isipan ko. Hindi ko na alam kung bakit laging ganito. Nakaka-overthink.

“So, here’s the full story kasi besh. I smell something fishy on him. Feel ko his cheating on me. So, to clear my assumption to him. I did investigation.” Nakinig lang ako sa kuwento niya. Mamaya na ako magsasalita kapag tapos na. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.

“Tapos I tried to invade his privacy. Which I know na mali. But can you blame? Gusto ko lang naman malaman na mali ako. Gusto ko lang siguraduhin na hindi niya ako niloloko. Kasi ako? Hindi ko siya niloloko. At alam mo ‘yon, right?”

I nodded my head as a response. Paano pa siya magloloko kung sobrang mahal niya ang lalaki? To the point na nagiging ganito na siya. A little bit natatanga. But can’t still blame her.

“Kaya ayon na. He accidentally left his phone open while his taking a bath. Out of curiosity ginalaw ko Ito. I check his social media account. Nagbabasakali na baka may ka-chat na pala siyang iba. I clearly check the conservation kasi ayokong mag-akusa tapos at the end ay mali naman pala. Ayokong mag-away kami because of my immaturity.”

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now