GRACE
“Sigurado ka bang magkaibigan lang ang tingin ni Shaunne sa’yo, Grace? At gano’n ka rin?” Kanina lang ay nag-aasaran kami sa harap ng hapagkainan. Ilang beses pa ngang napagalitan ni mama.
Pero ngayon? Bigla na lang nagbago ang tono ni Kuya. Kaya hindi ko masasabi na nang-aasar ulit siya. Kun’di ay seryoso na talaga. Luhh! Bakit naman kami umabot sa usapan na ‘yan?
“Kulit mo, kuya. Sirang plaka ka ba at paulit-ulit ka?” Hindi ko seneryoso ang tanong niya. Bagkus ay nag-uumpisa na naman akong mang-asar. Akala niya ah. Hindi ako papatalo sa kaniya. Paulit-ulit siya eh. Hindi na mabilang kung ilang beses niyang tinatanong sa akin ang bagay na iyan.
“Tumigil na nga kayo. Pati na rin ikaw, Gian. Hindi mo na tinantanan ang kapatid mo sa tanong na ‘yan.” Benelatan ko lang siya ng palihim. Buti nga sa’yo. Akala mo always kampi si mama sa’yo ah.
“Naninigurado lang ako, mama. Malay mo naman pala may gusto ‘yong lalaki sa kaniya. Tapos nahihiya lang umamin. Kasi in the first place.” Pinutol niya saglit ang sasabihin at tumingin sa akin. “Kasi nakakahiya siyang kasama,” sabay tawa naman ng malakas.
Langya talaga ‘tong lalaki na Ito. Kanina lang seryoso tapos ganiyan. May saltik yarn? “Hindi ko nga rin maintindihan kay ate Monique, mama.” Natigil siya sa katatawa at nagsalubong ang kilay.
“Bakit? Bakit napunta kay Monique ang usapan?” Kahit si mama ay nagtataka na rin. Pero hindi mapipigilan ng pagtataka ang pagsubok ng pagkain.
“Nagtataka ako kung anong nagustuhan niya kay kuya at sinagot at minahal niya. Kasi, come on! Walang hiya na nga. Wala pang kagusto-gusto sa kaniya. Look at his face naman. Kanina ba ‘yan nagmana? Baka naman amount si kuya, mama? Aminin mo, ma.”
Muntik na akong batuhin ng baso ni Kuya. Confident akong hindi niya magagawa ang bagay na iyon. Mapapagalitan siya ni mama kapag nabasag ang baso.
Sasagot pa sana siya pero pinatahimik na ni mama. Hindi na tuloy nakaganti. Kawawa naman siya. Nauna akong natapos kumpara sa kanila. Maya-maya rin naman ay may bumisinang sasakyan mula sa labas.
“Nandiyan na pala ang ka-ibigan mo eh,” feel ko iba ang pagkakabigkas niya sa kaibigan. Bahala na nga siya.
“Mauna na ako sa inyo. Aalis na ako, ma.”
Three past after niyang humingi ng favor sa akin. Sino ba naman ako para tanggihan ‘yon? Isa pa, kaibigan ko siya. Siyempre tutulungan ko. Tinulungan ko nga si Arabella no’n. Parang siya pa ang lalaki kung mag-first move. Hiyang-hiya na tuloy ako nito.
“Maaga ba ako masiyado?” Nahihiya niyang tanong. Ngayon pa talaga nahiya e no? Umiling bilang tugon. Hindi na siya bumaba pa sa motor at hinintay akong makasakay bago pinaandar ulit.
“Saan mo na siya balak i-surprise? Bongga ba ang gusto mo? Or simple lang?” I already ask him about this matter. Pero hindi niya ako sumasagot. Secret daw muna.
“Nalalaman mo mamaya. Relax ka lang,” kaunti na lang. Kaunti na lang talaga mababanas na ako sa kaniya.
“Sige. Ito na lang. Anong mga favorite niya ba?” Gusto ko ng mag-isip ng mga possible na puwedeng gawin. Pero ang lintek. Ayaw din akong sagutin. Puro secret. So ano na? How can I help him?
“Why are we here? Balak mo here na mag-confess sa kaniya?” The place is not really expensive but the ambiance looks like.
Like come on! Who wouldn’t be in love in sea? Adding the calming sound of the waves and not so bright sun. Wala akong makita na lamesa sa tabing dagat. Just like sa ginagawa ng iba to make it romantic. Kaya mapapaisip talaga ako.

YOU ARE READING
AS #2: Need You Now
Teen Fiction"Don't love someone more than yourself if you don't want to break yourself apart." Grace raise believing that motto in her life. She find it lame when someone being so much crazy over love. Just because the reason that they need the man for their li...