Chapter 33

1 0 0
                                        

          “Ano ba ang kasalanan mo papa at kailangang si mama pa ang magsasabi? Kung puwede naman na ikaw na lang?” Unexpected for them ang pagpapakita ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata sa gulat.
          Nasa tabi ni papa si ninang Anastacia. Hindi ko narinig ang boses niya kanina kaya I assume ay hindi siya kasama ni papa. Sa harap naman nila sina mama, kuya at ate Monique. Base sa pananamit, mukhang hindi sila pumasok ngayon. Does they already expected their arrival? Prepared na sila ngayon?
          I don’t have plan or intention to interrupt their conversation. But what should I do? Gawin ulit kung anong ginawa ko kahapon? To what? To overthink ulit. Overthink that lead to misunderstanding. Mas lalo lang ‘yon magpapagulo sa akong isipan.
          Ayoko na ng gano’n. Sawang-sawa na akong mag-isip ng kung anu-ano. Sawa na akong manghula. Kasi hanggang saan? Hanggang kailan nila itatago sa akin ang mga bagay na dapat kung malaman? Ang mga bagay na may kinalaman sa akin?
          Kaya nahihirapan akong magtiwala sa mga ginagawa at sinasabi ng iba dahil sa kanila. Tama nga siguro. Sa tahanan nagsisimula ang lahat. Depende sa kung anong nakikita o nararamdaman. Pero masisisi ko ba sila kung para sa kapakanan ko lang din ang ginagawa nila?
          “Grace!” Gulat na tawag ni mama sa akin. Tila ba ay ngayon niya lang na proseso na narito ako sa harap nila.
          “Akala ko pumasok ka na? May nakalimutan ka ba?” Mabilis ang naging kilos na lumapit siya sa akin. Aligaga pa sa kung ano ba ang dapat gawin.
          Kapansin-pansin din ang paglingon niya kay ate Monique. Tila ba nagtatanong. Umiiling na sumagot si ate Monique sa kaniya. Para bang nagkakaintindihan talaga sila.
          “Kailangan ko pa lang ihatid ulit ang mga bata. Mauuna na muna ako sa inyo,” paalam ni kuya at inakyat ang mga pamangkin ko. Tahimik pa rin ang buong bahay.
          Hindi rin nagtagal bumaba si kuya kasama ang dalawang anak. Kapuwa nakasuot ng uniform at may dalang bag.
          “Mauuna na rin po ako sa inyo at may trabaho pa ako.” Kinuha ni ate Monique ang bag na nasa upuan at muling nagpaalam. May pasok? Half day lang siya ngayon?
          Naunang lumabas si kuya at ang mga bata. Huli si ate Monique. Pero bago pa siya tuluyang makaalis ay may sinabi mo na sa akin.
          “Gusto ka niyang kausapin pero nagdadalawang-isip siyang tawagan ka. Baka raw ay galit ka pa rin. Hihintayin niyang ikaw unang tumawag sa kaniya. Pero nais niyang sabihin na gusto ka niyang makausap.”
          Mahina ang pagkakasabi ni ate Monique. Para sa’kin lang talaga. I nodded as a response.
          After this, kakausapin ko na siya. Hindi kami magiging maayos kung hindi namin iyon pag-uusapan. Pero sa ngayon. Sa ngayon ay kami na muna ang mag-uusap.
          Tuluyan ng nilamon ng katahimikan ang buong bahay. Hindi na naman ba nila sasabihin sa akin kung ano man ang tinatago nila?
          “Ma! Ano ba? Sabihin niyo na kasi sa akin ang totoo? Ano ba talaga ang tinatago niyo?” My voice almost broke. Kung hindi ako mauuna, hindi sila magsasalita. Kung walang magsasalita, hindi ito matatapos.
          “Gusto ko na pong malaman ang totoo. Kasi ayoko na. Sawa na akong mag-isip. Mag-isip ng kung anu-ano na hindi naman pala tama.”
          “Karapatan ko naman sigurong malaman yong totoo di’ba? Karapatan ko naman sigurong maliwanagan, hindi ba?” Kasi pakiramdam ko, oo. Karapatan ko ang mga bagay na iyon. Lalo na at tungkol sa akin.
          Bakas ang sakit sa mata ni mama. Gayundin si papa. While Ninang Anastacia? I can’t figure out. Nakayuko lang siya.
          “Kumalma muna tayong lahat at umupo.” Unang pinaupo ni papa si ninang. Habang aalalayan din sana ni papa si mama. Ngunit winaksi ni mama ang kamay niya.
          “Pero----” mabilis na umiling si mama. Anong problema? Anong mali? Bakit ayaw niya?
          “Gela, puwede ba? Tama na. Tama si Grace. May karapatan siyang malaman. May karapatan siyang malaman dahil may kinalaman ito sa kaniya.”
Those words. Those only words the reason to make her cry. But why?
          Wala ng magawa si mama kun’di umupo. Tumabi ako sa kaniya na puno ng pagtataka. Ano bang nililihim nila at ganiyan ang epekto sa kaniya kung sasabihin sa akin? Gano’n ba ‘yon kalala para maiyak siya?
          “Magagalit ka ba sa kung ano man ang malalaman mo ngayon, anak?” Pumipiyok na tanong ni mama. Kapupunas niya lang sa luhang hindi na mapigilan na kumawala.
          Humingang malalim. Tiningnan sila ng isa-isa. “Hindi ko sasabihing hindi. Kasi may possibility talaga na magagalit ako, mama. Pero ‘yong galit na ‘yon, kung sakali man, tiyak akong lilipas din. Maghihilom at makakalimutan na rin.”
          Kapag may nalalaman kang lihim, maaaring malaki ang epekto nito sa sarili. Maghahalo ang iba’t ibang emosiyon. Kahit pa man na sabihin mong handa ka na. Naihanda na ang sarili mo. Pero kapag nasa sitwasiyon ka na. May magbabago at magbabago talaga. Sisibol ang emosiyon na akala mo’y hindi na sisibol pa.
          “Kaya, mama. Hindi kita masisisi kung natatakot ka. Naiintindihan ko naman. Iniisip mo lang ang mararamdaman ko. Iniisip mo lang kung kakayanin ko. Pero kayanin ko man o hindi. May karapatan po akong malaman kung ano man iyon. May karapatan akong malaman ang bagay na iyon. Sapagkat may kinalaman ito sa akin.”
          Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako sa mga possible’ng malaman. Nangangamba kung kakayanin ko ba. Pero hanggang saan? Hanggang saan na hahayaan ko ang takot na mamutawi sa isipan at sarili?
          Hindi man halata, hindi man nila ramdam. Pero sa kalooban ko, may matinding takot ang nakatago. Takot at pangamba sa iba’t ibang dahilan.
          “Ikaw na magsabi. Total ay ikaw naman ang may gusto na ilihim sa kaniya ang bagay na iyon. Mas maganda na rin kung sa’yo manggaling.” Turo ni mama kay papa. ‘Yon din ang narinig kong usapan nila. Si papa ang may tunay na tinatago sa kanila.
          “Papa, ano ba talaga iyon? Tungkol saan? Bakit hindi niyo sinabi no’ng nagkausap tayo?” Hindi talaga mawala sa isipan ang pagtataka. Last time we talk, he said me na si mama na ang magsasabi. Ayaw na niyang makialam sa bagay na iyon. Si mama raw ang mas higit na may karapatan na sabihin sa akin ang tinatago nila. Yet, it turns out na secret niya pala ang bagay na iyon.
          “Ano? Nagka-usap na kayo? Kailan?” Kung kanina ay nagpapahid ng luha. Ngayon ay parang bulang biglang nag-atrasan ang luha sa narinig.
          Parang gusto kong tampalin ang sariling noo. Nakalimutan na hindi nga pala alam ni mama ang bagay na iyon. Napapakamot sa noo akong tumingin sa kanila. Habang siya ay paglipat-lipat ang tingin sa amin ni papa.
          “Kagabi lang po. Kaya ako natagalan ng uwi dahil galing ako kina papa,” kunot ang noo. Biglang pinagpawisan sa noo.
          “Paano? Paano mo nalaman kung saan siya nakatira? Anong dahilan at bigla mo siyang pinuntahan?” Sunod-sunod ngunit halata ang puno ng pagtataka sa mukha.
          Kung kanina ay sila ang inuusig ko. Ngayon ay ako naman ang inuusig. Alam kong nalilito lang siya. Pero natatakpan ang pangunahing dahilan ng usapan. May pag-asa ulit na hindi Ito masagot.
          “Maaga talaga akong umuwi kahapon. Pero narinig ko ang usapan niyo ni kuya bago pa ako makapasok. May connection pa rin pala kayo kay papa. At hindi ko alam ang bagay na iyon. Pero naiintindihan ko kung bakit. Pero may parte sa sarili ko na hindi maintindihan ang bagay na iyon. Nagkataon din naman na nalaman kung bumalik na sila rito. I search his address online, because his quiet famous din naman daw. And I saw his address over there. We had a little bit conversation. But not really necessary and relevant about the reason,” I had no choice but to storyteller her.
          Kung kanina nalilito. Ngayon ay dismayado and guilty. Hinawakan ang kamay niya at ngumiti. I don’t want her to think na may galit ako sa kaniya.
          Pero hindi ko rin naman masasabi na wala..pero at least hindi malala. Hindi kagaya ng iba na nagre-rebelde na agad. Akin ay maaagapan pa. Maaayos pa.
          “Kaya ngayon mama, papa. Huwag niyo na po akong iligaw pa masiyado. Sabihin niyo na sa akin ang totoo. Kasi ako? Gusto ko ng maliwanagan sa lahat-lahat. Ayoko ng mag-isip pa ng kung anu-ano. Kung anu-ano na mas lalong magpapagulo sa isipan ko.”
          I always chill about things. May nakikita na akong somehow ganitong situation sa mga drama and movie na napapanood ko. Yet, I did not take it seriously. Cause my life is not like a drama nor a movie.
          I thought everything will be okay. Magiging maayos lang ang bawat araw. Basic lang ang darating. But I was wrong. This is not a basic thing. Those drama and movie relevant in my situation right now, is the thing I need to deal with.
          Alam kong mahirap. Alam kong magiging malungkot o masakit ang usapan itong. Ngunit, kung ito lang ang magiging way para maging maayos ang lahat balang araw sa madaling panahon. Handa akong harapin ang mga bagay-bagay ngayon.
          I think kailangan kong mangako sa sarili na huwag maging padalos-dalos. Ngunit, kakayanin ko ba ang bagay na iyon?
          I’m waiting for their answer. Kahit sino na lang ang sumagot puwede na. Ilang beses silang nagpapalitan ng tingin tatlo. Animo’y nag-uusap ng mabuti gamit lang ang mga mata.
          Kahit may distansiya, magawang abutin ni papa ang aking kamay sa kaniyang nanlalamig na palad. Halatang kinakabahan siya.
          “I hope na mapapatawad mo ako sa pagtatago sa’yo ng bagay na ito. Ngunit natatakot lang ako. Noon. Pero ngayon. Matagal na panahon ko rin pinag-isipan ang bagay na ito na sabihin sa’yo. Kahit may pag-aalinlangan. Mas nangingibaw pa rin ang pagmamahal ko sa’yo. At ang pagmamahal na iyon, nagbibigay ng karapatan sa’yo sa lahat ng bagay na meron ako.”
          Sincerity is visible on his eyes. Tila ba ay iniisip ng mabuti ang pagmamahal at karapatan na dapat kong matamo.
          “Simula pa lang noon, hindi na namin ginusto ang bagay na ito. Mula sa kasal hanggang sa huli. I thought hindi tayo aabot sa ganito. Pero hindi ko pinagsisihan na dumating kayo sa buhay namin. Sadiyang complicated lang talaga ang lahat para sa akin, sa mama mo, at sa atin.”
          Hindi ko napansin noon na complicated pala para sa kaniya ang nangyari noon. I wonder kung napansin ba ni kuya ang bagay na iyon o matagal din bago niya malaman? Pero bakit gano’n? Bakit hindi ramdam yong complicated na sinasabi ni papa. Feeling ko nga ay naging masaya siya sa pamilya namin.
          “Bunga ng isang gabing pagkakamali. Dahil lang sa inuman at hindi sinasadyang pagkakasala, dumating si Gian sa mundong ito. Mula noon, kailangan kong panindigan ang responsibilidad ko kay Gela. ‘Yon din ang reason kung bakit kami nagpakasal. Kung bakit tayo naging pamilya.”
          Ang sakit din pa lang isipin na nag-umpisa lang ang lahat dahil sa pagkakamali. Ang sakit din pa lang isipin na napipilitan lang sila sa naging relasiyon para lang mabuo ang pamilya namin.
          “Pero hindi naging dahilan ‘yon para hindi ko matutunan na mahalin ang mama mo. Pero hindi ‘yon pala magiging sapat. Kahit nandito ka na sa mundong ito. I tried some ways para mag-unwind. Hanggang sa humantong sa ideyang kailangang ipalabas na may nangyari sa amin ni Anastacia.”
          What does he mean? Parang hindi naging malinaw sa akin ang bawat salita na binitiwan.
          “Do you love her? Do you love Ninang Anastacia?” Hindi siya nakasagot agad sa naging sabat na tanong ko.
          “Kasi kung oo. Paano? Bakit? Pagkakamali lang din naman ang bagay na iyon? How it did work?”
          Kung naging pamilya kami dahil sa pagkakamali na iyon. Sapat na reason ba yon para ulitin ang pagkakamali na iyon? Paano niya kaming nakayanan na iwan dahil lang sa panibagong pagkakamali? Hindi ko maintindihan.
          Akala ko ay tungkol lang ito sa akin. Tungkol pala talaga sa pamilya. What shock me more is his statement. Hindi ako makapaniwala sa katotohanan siniwalat niya.
          “Yong pagmamahal ko kay Anastacia ay hindi bilang asawa. Kun’di bilang kapatid. Ito yong bagay na nilihim ko sa inyo. Wala naman talagang nangyari sa amin. Never na may mangyayari sa amin. Bawal ‘yon.”
          “Hindi puwede. Hindi puwedeng mag mangyari sa amin ng kapatid ko. Mas pinili ko siya dahil kinakailangan. Kailangan kong piliin ang kapatid ko kaysa sa sarili kong pamilya.”

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now