Chapter 4

3 2 0
                                        

GRACE

“Paano kung hindi kayo siputin ng kuya ko?” Kalmado ang aking boses pero kumukulo na yong dugo ko.

Kinalampag ng lalaking may maraming earrings sa mukha ang gate at galit na tiningnan ako. “Puwes, pakisabi sa kaniya na kung hindi siya sisipot ay sa kulungan ang bagsak niya. Malaki pa ang utang niya sa casino. Kaya hindi puwedeng hindi siya bumalik doon.”

Isang tawa ang pinakawalan ko. “What if I don't want to tell him kung ano man ang pinapasabi niyo para sa kaniya? Anong gagawin niyo?” Kung tama ang hinala ko. Maaaring sila ang bagong barkada ng kuya ko. Kung sila nga. Hindi malabong sila ang dahilan kung bakit maraming utang ang kapatid ko.

“Bata, huwag kang masiyadong matapang. Kung ‘yong kuya mo nga ay nababahag ang buntot sa amin, ikaw pa kaya?” Nang iinsulto ba ‘tong pangit na ‘to? At ano nababahag ang buntot ni Kuya sa kanila?

“Siguro kayo ang gumagamit sa perang inuutang ni kuya, ano? Siya ang pinapautang niyo pero kayo ang gumagamit. Parang easy money lang gano’n. I am right?” Ngayon ko lang naisip ang bagay na ito. Hindi kasi kayang sabihin na kuya na dahil sa sugal ay nangungutang siya. Unlike before ba open naman siya.

Mas lalo nilang kinalampag ang gate. Tiyak akong dinig Ito hanggang sa kusina. Pero dahil nasa baba ang lock at hindi nila kayang abutin. Hanggang diyan na lang sila.

“Ang ayoko sa lahat ay sinasagad ang pasensiya ko, bata. Sundin mo na lang ‘yong sinasabi ko. Kung ayaw mong makulong ang kapatid mo.” Angas. Angas na naman. Puro Angas at salita. Hanggang diyan na lang ba.

“Wala akong pakialaman kung nasasagad ko ‘yong pasensiya mo. Kasi nasasagad na rin ang pasensiya ko riyan sa bunganga mo. Bakit kaya hindi muna kayo umalis? Para naman tumahimik itong bahay.”

Hindi ko sila kilala. Hindi ko rin alam kung anong kaya nilang gawin. Maaaring idamay nila ‘yong mga bata para lang makaganti. Pero tiyak akong hindi sila magiging masaya kapag ginawa nila ang bagay na iyon.

“Aasahan mong ang susunod na kakatok dito ay mga pulis na,” pananakot niya sa akin. Na akala siguro ay matatakot ako.

“Asahan mo rin. Sa susunod nating pag-uusap ay nasa kulungan na rin kayo. Nagmamakaawa na mapiyansahan. Kasi balita ko. Walang permit ang casino niyo. In short, illegal casino ‘yon? So, paano ‘yon? Kita-kita na lang kayo ni Kuya roon?” Maaaring mag-backfire itong sinasabi ko.

Hindi ko alam kung saan at ano ‘yong casino nila. Eme eme ko lang ang mga salita roon. Pero parang nakakuha naman ako ng ideya na tama pala ako.

“Natahimik yata kayo? Totoo ‘yon, ano?” Dalawang kalampag pa ang ginawa nila bago tuluyang umalis na walang salita.

“Grace, ano ba ‘yon? Sino ba ‘yon at ang ingay yata ng gate?” Lumingon ako kay mama nang magsalita siya. Mukhang kararating niya lang sa may pinto.

“Wala lang ‘yon, ma. Huwag mo ng isipin pa ‘yon.” Bumalik na kami sa loob at pinagpatuloy ang pagkain. Kagaya ng sinabi ko sa mga lalaking iyon. Wala akong sabihin kay kuya ang pinapasabi nila. Ano sila sinusuwerte?

Naunang umalis si ate sa akin. Halos magkasunod lang kami ngunit magkaiba ang direction. Dapat mamayang alas diyes pa ako papasok. Pero dahil may kausap ako ngayon at kailangan ko ang ID ay mas inagahan ko pa.

Exactly 8:20 I arrive in the university gate. I don’t know who he is. I didn’t stalk his account either. Hindi ko masiyadong pinagtuunan ng pansin ang profile picture niya. I wait patiently in the gate. Kahit ilang beses na akong sinabihan ng guard kung papasok ba ako.

But I said no. So, kuyang guard let me to shed in their mini guard house. 10 minutes after a motorcycle stop right at the front of university gate. So, I guess siya na ‘yong kausap ko.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now