Chapter 11

1 0 0
                                        

GRACE

Huminto ang motor sa tabi ng isang maliit na kainan. Kakaunti lang ang tao rito. Nauna akong bumaba at hinintay siya na ma-parking ang motor bago pumasok.

Papasok pa lang ay mabangong luto na agad ang naamoy. Mukhang masarap din ang pagkain dito ah.

“Amoy pa lang nakakagutom na ano?” Nalipat ang tingin ko sa kaniya. Nakangiting tumango.

“Ngayon ramdam ko na ang gutom kumpara kanina,” no lies. Bigla akong natakam. Parang ang sarap kumain ulit ngayon.

Lumapit kami sa mga ulam at nagtingin-tingin. Familiar lang sa akin ngunit hindi ko alam ang name. May sinabi siya kung anong order niya. Pero hindi ko na pinakinggan pa. Busy ako ngayon sa pamimili kung anong pipiliin. Gusto ko pa nga na siya na lang ang pumili. Pero ako na raw. Edi ako na.

Tinuro ko na ang isang putahe ng ulam at isang kanin. Nag-order na rin siya ng soft drinks. Pinauna na niya ako na pumunta sa bakanteng table. Siya na raw ang magdadala ng order. Ayoko sanang pumayag. Pero mapilit at siya na mismo ang nagpatalikod sa akin. Bahagyang tinulak pa para maglakad na talaga.

“Madalas ka rito?” Parang kilala na kasi siya ng mga Tao here. Base sa kung paano siya batiin ng tindera at iilang customer here. Na mukhang regular customer pa.

“Hindi naman masiyado. Pero kapag hindi ako nakakain sa bahay ay dito na ako kumakain.” Tumango-tango na lang bilang sagot. Kaya pala.

Hindi ko namalayan. Na habang kumakain ay nagkukuwentuhan na pala kami ng kung anu-ano. Parang kailan lang, hindi ko siya kasundo. Pero ngayon? Parang ang tagal na naming nagkakilala.

“Gusto mong mag-take out?” Tanong niya sa kalagitnaan ng pagliligpit sa pinagkainan.

“Oo,” napaisip ako na baka nagugutom na ang mga bata. Wala pa namang snacks na naiwan sa bahay. Bibili na rin siguro ako rito. May nakita akong banana que sa tinda na lang.

Lumapit ulit kami at nag-order ng take-out. Dalawang putahe lang at limang banana que. Buti na lang may pera akong dala. Dapat pamasahe ko Ito. Pero dahil hinatid niya naman ako. Bibilhan ko na lang sila.

Kukunin ko pa lang ang wallet. Pero naunahan na niya ako. “Ako na. Hindi ito kasama sa libre mo.” Nilayo ko ang kamay niya bago pa makuha ng tindera. “Ako na po. Huwag niyong tatanggapin,” sabi ko sa tindera. Nagtataka ang mukha niya.

Kinuha ko ang wallet at kukuha na ng pera. “Huwag na. Ito na po Aling Merta,” bago pa man ako nakagawa ng paraan ulit. Wala na. Natanggap na ng tindera. Pero patuloy pa rin ako sa pagkuha ng pera. Kung ayaw niyang ako ang magbayad sa tindera. Pwes, siya na lang ang babayaran ko.

Binalik ko na sa bulsa ang wallet. Pero may pera na sa kamay ko. Pambayad sana. Siya na rin ang nagdala ng pinamili ko.

“Maghintay ka muna rito. Kukunin ko lang ang motor,” hindi na ako nag-reklamo pa o nagsalita. Gusto ko ng umuwi. Nadisturbo ang balak kong pagtulog.

“Ano ‘yan?” Kumunot ang noo sa pagtataka. Inabot ko sa kaniya ang pera paghinto niya sa harap.

“Pera. Ano ba sa tingin mo?” His asking the obvious question parang tanga lang eh.

“I know na pera ‘yan. But you don’t need to give me that. Libre ‘yon,” I shake my head as disagree. Libre? Sinabi ko ba?

“Hindi ‘yon kasama sa libre mo. Kaya tanggapin mo na bilis,” I roll my eyes nang umiling din siya.

“Sakay na. Matatagalan lang tayo kung ipipilit mo ‘yan,” nakasimangot na sumakay na. Ang tigas din ng ulo. Nilagay ko sa bulsa ang pera. Nag-umpisa na rin siyang magmaneho. Malapit ng magdilim. Kailangan ko ng magsaing.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now