Chapter 20

3 0 0
                                    

GRACE

"Do you have trauma about that situation?" Nagdadalawang-isip na sagot niya. Maybe he can feel the emotion and tension within myself. I shake my head as a response.

"Nope. Ayoko lang maramdaman 'yong nararamdaman ng iba na naloko na ng mahal nila. Bakit ikaw? Magloloko ka rin ba tulad ng iba?"

Wala sa isip ko na tanungin siya bagay na iyon. Basta na lang lumabas sa bibig na hindi namamalayan. He stunned. Nag-iwas ng tingin. Pinaglaruan ang buhangin sa mga kamay.

"Wala. Wala akong balak na magloko. Walang rason para gawin ang bagay na iyan," matagal bago siya nakasagot. Para bang pinag-isipan niya.

"Paano kung magkaroon ka ng rason? Gagawin mo ba?" Hindi niya raw gagawin kasi walang rason. Pero paano kung magkaroon? Ano ng mangyayari?

"Hindi pa rin. Cheating is not the solution to solve the reason. The communication is. Bakit ako maghahanap ng iba kung puwede naman namin pag-usapan ang mga magiging rason?" A shape on my lips curve upon hearing his answer. Parang pinaghandaan.

"By the way. I remember. How can I help you to prepare a surprise to her kung wala namang gamit here? Dito mo ba talaga siya isu-surprise niyan?" Lumalayo na kami sa tunay na pakay namin here. Nagiging mas mainit na rin ang araw. Sa tingin ko ay malapit ng magtanghalian.

"Yeah. Dito ko balak umamin. Pero mamaya na natin pag-usapan 'yan. Bumalik na muna tayo sa motor. Maghahanap tayo ng malapit na kainan."

Kahit nagtataka ay sumunod sa sinabi niya. Tinanggap ang kamay na nakalahad para tulungan akong makatayo. Tahimik lang biyahe. Ayoko rin munang magsalita. Parang naubusan bigla ng sasabihin. Walang bahay o kung ano malapit sa dagat. Kaya kalahating minuto rin ang lumipas bago kami nakahanap ng karinderya.

Alas onse pa lang pero marami-rami na ang kumakain dito. Paano pa kaya kapag alas dose na? Feeling ko masasarap ang pagkain nila. Hindi naman ganito karami ang customers kung hindi. Mukhang binabalik-balikan pa nga eh.

"Ayos lang ba sa'yo rito tayong kumain?" Nakaangat ang kilay na tumingin sa kaniya. Nalilito kung anong ibig sabihin nito.

"Bakit naman hindi? Hindi ako chosy ah. Akala mo naman hindi mo alam ang bagay na iyon," nakakatampo naman. Ilang buwan na kaming magkasama. Minsan nga ay sabay kumain. Tapos maarte pala tingin niya sa akin. Wow naman.

"Malay mo naman kasi." Naghahanap pa nga ng alibi. Inakbayan niya akong lumapit kami sa parang counter. Kung saan nando'n ang tinda nila.

Kung hindi ko alam na magkaibigan na kami. Baka kanina ko pa kinuha ang kamay niya. Masiyadong navigate at uncomfortable 'yon. Dahil nasasanay na rin naman kalaunan. Okay na rin.

Tatlong ulam at dalawang extra rice ang order. Sinamahan na rin ng drinks at baka mabulunan.

"Sino ba kasi 'yong babae na gusto mo? Sabi mo kilala ko," curious na talaga ako. At napapaisip pa. Bilang sa daliri ko ang mga babaeng kakilala. Kaya hirap din akong tukuyin kung sino sa kanila kahit kaunti lang naman.

"Huwag mong sabihin na secret ulit. Baka masapak na kita niyan," ang hirap kayang tuluyan siya kung hindi sasabihin ang pangalan. Hindi ko alam kung anong gusto no'ng girl. Hindi ko alam ang mga taste niya at kung anu-ano pa..

"Basta. Ang masasabi ko lang sa ngayon is 5,2 ang height. May pagka-tan skin. Minsan parang tomboy kumilos pero babaeng-baeng naman. Mailap siya kaunti sa lalaki. Nakakagaan ang mga ngiti at irap niya."

Pangalan tinatanong pero iba ang sinagot. Habang kumakain ay iniisip kung sino sa mga kakilala ko ang pasok sa lahat ng sinasabi niya. Ngunit wala akong maisip. Sino ba kasi ang may taglay no'n. Bakit feeling ko masungit 'yon? Or feeling ko lang naman.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now