GRACE
“Hey, Grace! Are you okay? Kanina ka pa tulala at..... Umiiyak ka pa.” Sa tapik ni Arabella ay napabalik ako sa wisyo. Natatangang tumingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na nakaupo siya sa tabi ko. Tuyo na rin ang mga luha sa kaniyang mata at medyo maayos na ang kaniyang hitsura. Gaano pa ako katagal na inisip ang nakaraan?
“Hoy! Are you okay? Bakit tulala ka pa rin?” Isang sigaw naman ang pinakawalan niya. I blink my eyes at kinapa ang pisngi ko. Umiiyak na nga pala talaga ako. Hindi ko man namamalayan. Hindi pa buo ‘yong naalala ko pero umiiyak na ako. Paano pa kaya kapag naging buo na? Bahala na. Ayoko munang isipin ‘yon. No. Mali. Ayoko nang isipin pa ‘yon.
“I’m fine. Don’t mind me. How about you? Are you okay now? Mas naging okay ba compare kanina?” Sa tingin ko kasi is okay na siya. Parang nakahinga na siya ng maluwag.
Para sa akin kasi, mas gumagaan ang pakiramdam ng isang tao kapag nalalabas niya ang bigat sa dibdib nito. Kaya rin siguro na hindi humihinga o nababawasan ang bigat na dinadala ko sa kalooban. Dahil hindi ako marunong magbahagi sa iba. Natatakot akong magsabi ng saloobin. Kahit pa na pamilya ko sila. Ayoko. Hindi ko lang ramdam.
Mas nagiging comfortable ako kung sa akin lang lahat. ‘Yong tipong sapat na ako lang nakakaalam ng bigat sa dibdib. Kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na itong ilabas. Pero paano? Paano ko gagawin ‘yon kung natatakot ako?
“The truth is pinipilit ko lang maging maayos. I need to. Hindi puwedeng hindi ako okay. Nakakabawas ‘yon sa ganda ko,” I laugh on her last statement. Hahaluan pa talaga ng gano’n eh.
“So. What’s your plan after that? Cool of kayo for the meantime. What will you gonna do?” Curious ako sa kung anong katangahan na naman ba ang gagawin niya. Kilala ko na siya eh. May pakiramdam ako na siya na naman ang susuyo at magfi-first move. Just like their recent fights
Opo. Gano’n siya ka-tanga para sa lalaki. Parang ako ang kinikilabotan sa pinag-gagawa niya. Masasabi ko talaga minsan na hindi na ‘yan pagmamahal. Katangahan na ‘yan. Pero may magagawa ba ako para pigilan ang nararamdam niya? Nah. There’s no such thing I can do. So, let her be. That’s her life after all.
“I will talk to his friend. ‘Yong tumawag sa ganiyan that time. Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Puwes, sa kaibigan niya ako maghahanap ng sagot. Total naman kasalanan din ng kaibigan niya kung bakit kami nag-aaway ngayon.”
She had a point. Kung hindi lang ‘yon nag-text o tumawag. Hindi niya rin naman malalaman. Edi sana panatag na ang kalooban.
“Wait. Did you tell him na kaya mo naiisip ang bagay na iyon dahil din naman sa kaibigan niya?” Hindi ko narinig ang part na ‘yon sa kuwento niya.
“Of course I tell him. Kaya nga mas nagalit because I invade his privacy raw. Like dzuhhn. If hindi nag-message ng gano’n ang kaibigan niya. Sa tingin niya I will invade his privacy?”
“Sa tingin ko, oo. Kahit naman hindi nag-message ‘yon, you already checking his phone. His social media account and more. So, yes. You literally invade his privacy,” masama ang tingin na pinukol niya.
I’m just telling her the truth kaya. There’s nothing wrong about it. Minsan pa nga ‘yong iba ay nagpapalitan ng account eh. In now generation, nagiging normal na lang ang bagay na iyan.
“Kailan mo planong kausapin ang kaibigan ni Brylle? Sa tingin mo ba ay hindi na ‘yon kinausap ni Brylle?” Kung tama ang hinala niya. I’m sure kinausap na niya ito. Hindi naman mahirap basahin ang mga hakbang na gagawin nitong kaibigan ko eh. Hindi malabong naisip niya ang ideya na ‘yon.
“Maybe, you’re right. Hahanap talaga ng lusot ang gago na ‘yon. So, paano na? Ano ng gagawin ko?” Kung kanina hope is visible in her eyes. Ngayon ay nawala na ‘yon dahil sa what if thing ko.
YOU ARE READING
AS #2: Need You Now
Teen Fiction"Don't love someone more than yourself if you don't want to break yourself apart." Grace raise believing that motto in her life. She find it lame when someone being so much crazy over love. Just because the reason that they need the man for their li...