“My mom called me. Kailangan ko ng mauna muna, Grace. Nasabihan ko na si Brylle na sasabay ka sa kanila. I’m really sorry.” Nagmamadali itong lumabas sa gymnasium. I know the car is waiting for him.
Naiwang nakatulala ako sa pintuan ng gymnasium. Hindi ko na nagawang matanong kung sino si Cara. Nang ma-realize ng kaibigan niya na may kasama siya, na kasama ako ay nagpaalam din naman siya.
I know there’s something wrong. At kailangan kong malaman kung ano man ang bagay na iyon. Hindi rin nagtagal ay tumawag ang mommy niya. He said na may emergency daw at kailangan niyang pumunta.
Hindi na niyang magawang tapusin ang program. Kasi kailangan at kailangan niya na raw umalis.
“Bumalik na muna tayo sa loob. Let's enjoy this night. Okay?” I nodded on what Arabella said. Tama siya. I should enjoy this night. Paminsan-minsan lang naman ito.
Pero hindi ko magawang tuluyang mag-enjoy. Thinking kung ano ba ang nangyayari. Mas lalong gumulo ang isipan kung sino ba si Cara. Sino ba siya sa buhay ni Shaunne?
Umuwi ako na parang nakalutang ang isip sa kalawakan. Tulog na sila mama. Mabuti na lang hindi mahirap hubarin ang gown. Before I go to sleep, I check my phone if may message mula sa kaniya. Disappointed painted in my face. There’s no trace of message from him.
Malapit akong ma-late. Akala ko at susunduin niya ako. Pero nang makita ang oras ay umalis na lang. Hindi na naghintay pa sa kaniya at baka ma-late pa.
Ilang araw na ang lumipas. Kahit isang message man lang ay wala siyang paramdam. Hindi sinasadya makalimutan niya lang ba?
Ewan. Ayoko muna siyang isipin. Mas dapat kung ituon ang pansin sa mga performance task ko at baka bumagsak pa.
“Sasabay ka ba sa amin, Grace?” Parang bumalik ako sa dati. ‘Yong mga panahon na wala pa si Shaunne sa buhay ko. Lately, sa kanila ulit ako sumasama at sumasabay.
Minsan napapatanong na rin sa kalawakan. Parte ba to sa pagsubok ng buhay ko na kasama siya? Pero bakit masiyadong mabilis? Pinanghahawakan ko pa rin iyong mga salitang binitawan sa isa’t isa no’ng gabing sinagot ko siya. We often do mistake. I just need an explanation to resolve my puzzle thoughts in mind.
“Hindi na muna. Dadaan ako ngayon sa book store. May bibilhin lang,” they nodded at nauna ng umalis. Sinadya pa nila ako rito. Mukhang naiintindihan naman nila.
Inaayos ko ang gamit ko. “Tara na?” Ayang tanong ni Cath sa akin. Nagpapasama kasi siya sa book store. Pareho kaming may bibilhin kaya sumama na rin ako.
Sumakay ng jeep bago nakarating sa book store. “Doon lang ako banda, Grace. Magkita na lang tayo sa counter,” I agree. Nasa kabilang side rin naman ang bibilhin ko libro.
As I scan and finding the specific book, I found a familiar figure of man. Out of curiosity, lumapit ako sa puwesto nila with enough distance. May kasama siyang babae. Maz payat ito sa akin at eleganting manamit.
Is that Cara? I confirm na si Shaunne ang nakita ko ng bahagya itong tumagilid. Kaya nakita ang kalahati ng mukha niya. Para silang nagtatalo. Lumapit pa ako ng kaunti. Pero nagtitingin-tingin sa mga libro.
“No, Shaunne. Ang sabi ni tita, we will buy the books you need. And this book? This book is what you need,” hindi ako tumingin sa puwesto nila. Baka mamaya ay mahalata pang may nakatingin sa kanila.
Mababa ang boses niya pero parang may pang-uutos ang bawat salita. “Kahit na. May mas ibang book akong kailangan na dapat unahin pa.” Sumilip ng bahagya. At kinuha niya ang hawak na libro mula sa babae. Binalik ito sa shelves.
“Don’t act like hindi mo afford ang libro. Kaya kunin mo na ‘yan. No buts.” Wala ng magawa si Shaunne kun’di hayaan ang babae na kunin muli ang libro.
Kinuha niya sa bulsa ang phone niya. “No phone. Kasama mo ako kaya itigil mo muna ‘yan. Unless that’s important.” Sabay agaw ng phone ni Shaunne..
Mas lalong nagsalubong ang hindi kakapalan na kilay ko. Bakit parang may mali? Why is she controlling him? Sino siya? Ano siya sa buhay ni Shaunne? Anong papel niya sa buhay ni Shaunne?
“Alright. Nagagalit agad eh,” I feel a pain in my heart. After witnessing how sweet he wrap his hand into the lady small waist. Without hesitation umalis ako sa book store. Nakakairita makita ang mukha niya. Aish.

YOU ARE READING
AS #2: Need You Now
Teen Fiction"Don't love someone more than yourself if you don't want to break yourself apart." Grace raise believing that motto in her life. She find it lame when someone being so much crazy over love. Just because the reason that they need the man for their li...