Chapter 22

1 0 0
                                    

GRACE

“Why are you here? Hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta ka pala,” bulong na tanong ko sa kaniya. Kararating ko lang. Nasa kusina si kuya. Naghahanda raw ng meryenda.

Mabuti na lang hindi kami masiyadong lumayo ni Arabella. Hagard sana ako ngayon. Si kuya pinapamadali ako. Parang tanga.

“Malalaman mo rin mamaya,” nakangiting sagot niya. Ayan na naman siya. Surprise na naman gagawin niya. Kaya hirap akong mag-react sa mga gagawin niya eh. Natameme ako.

“Nandiyan ka na pala, Grace.” May dalang sandwich si kuya. Mayonnaise ang palaman. Sinamahan niya na rin ng juice.

“Namamalikmata ka lang, Kuya. Wala pa ako rito.” Aabutin ko na sana ang pagkain pero nilayo niya sa akin. Masamang tingin ang pinupukol sa kaniya.

“Kuya naman eh.”

“Akala ko ba namamalikmata lang ako? Bakit ka kukuha?” Alam ko na ‘to. Pinagti-trip’an na naman ako. Kalaunan din naman ay binigay niya.

Si mama na lang ang hinihintay para makapagsimula na sa usapan. Hindi rin naman nagtagal ay magkatabi na sila ni kuya.

“Ano ba ‘yong sasabihin mo, Shaunne? Mukhang importante at kailangan complete kami,” si kuya na ang nagbukas sa usapan. Nakangiti lang si mama na nakatingin sa aming dalawa. Parang may something, ah.

“Gusto ko lang pong malaman niyo na...... Liligawan ko po si Grace.” My jaw drop on what I heard. Putek may sinabi ba akong gano’n? Bakit ayaw mo pa rin ba, self?

Kahit si kuya ay nagulat. Si mama ay nakangiti pa rin. Tila ba ay inaasahan na niyang mangyari ang bagay na ito.

“Kung ako rin naman ang tatanungin sa bagay na iyan ay walang problema sa akin. Malaki na si Grace. Alam na niya ang tama at mali. Kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya.” Hinawakan ni mama ang kaliwang kaway nito. “Basta lang ipangako mong aalagaan mo siya. Mamahalin ng buo at huwag lolokohin.”

I can’t help but to smile at my mother remarks. She’s so sweet and supportive. Pero kay kuya. Kinakabahan ako sa kaniya. Hindi mapagkakatiwalaan ang pagmumukha niya

“Sabi na nga ba at hindi lang kaibigan ang turing mo sa kapatid ko, eh. Tama ako ano?” Kinurot ko si Shaunne para hindi na sumagot. Mukhang gets niya rin naman. Napansin yata ni kuya ang ginawa ko at tumawa.

“Kapatid ko manhid. Siya lang pala nag-iisip na magkaibigan sila. Assuming yarn, bunso?” Ang sarap niyang suntukin sa mukha. Alam niyo ‘yon.

“Ano ba Gian? Magtino ka nga muna,” saway ni mama sa kaniya. Buti nga sa kaniya

“Kagaya ni mama ay support din ako sa bagay na ‘yan. Lalo na at inaasahan ko ng mangyayari ito.” Advance yarn?
Hindi ko sasabihing huwag mo siyang sasaktan. Kasi natural na ang sakit kapag nagmamahal ka. Kagaya ni mama, huwag mo siyang lolokohin pa. Kota na ang kapatid ko sa ganiyan. Sobra pa.”

Mula sa pagiging mapang-asar at naging seryoso ang boses niya. Hindi ko lang gets ang huli niyang sinabi. Sobra? Oo nasaktan ako noon. Pero hindi naman gano’n kasobra. Or they assume that sobra akong nasaktan that time.

Kaunting kuwetuhan muna ang naganap. Ang daming tanong ni Kuya na halata namang nang-aasar lang. Just like kung ano ba raw ang nagustuhan ni Shaunne sa akin. Bakit niya raw akong nagustuhan. At iba-iba pa na nakakapikon.

Kung hindi lang talaga siya tinawagan ni ate Monique na puntahan ang anak niya sa school. Tiyak akong hindi pa siya uuwi. Si mama naman ay pumunta sa kapit-bahay. Kaming dalawa na lang ang natira rito sa sala.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now