Chapter 17

3 0 0
                                        

GRACE

"Good for them, then. But I less care. Matagal na rin no'ng huli kaming nagkita at nagkausap. Hindi 'yon magiging kawalan pa."

I maybe had a little bit grudge against him. I don't like how he abandoned us just like that. When the confrontation happened again. My mother ask my father if their relationshit is continue working. His relationship to the mistress. He honestly said yes. Ang hirap na raw putulin.

------

"Gano'n na lang ba 'yon? 'Yong pagsasama natin sa loob ng dalawang dekada, mababaliwala na lang? Dahil lang sa kabit mo? Anong meron kay Anastacia? Paliwanag mo sa akin, Carlo." Nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa kaniyang mata. Unti-unti nang nawawalan ang lakas niya at dahan-dahan na napaluhod sa harap ni papa.

Nasa tabi ni papa si Ninang Anastacia. Wala akong makitang bahid na pag-aalala o guilty sa mukha niya. O sadiyang hindi pa ako masiyadong magaling kumilatis ng emosiyon.

"Napupunan niya ang lahat ng pagkukulang mo sa akin, Gela. Nakakagawa niya sa akin ang mga bagay na ayaw mong gawin. Masisisi mo ba ako kung natukso ako."

Pagak na tumawa si mama at tumayo. "Bakit parang kasalanan ko pa?" Sabay turo sa sarili niya. "Bakit parang kasalanan ko pa ang lahat? Kung sana sinabi mong may kulang pala sa lahat ng ginagawa ko. Edi sana nagawan ko ng paraan. But what did you do? Imbes na sabihin sa akin ang mga pagkukulang ko. Naghanap ka ng iba," marahas ang pagkakaturo niya kay ninang.

Hindi nila alam na maaga akong uuwi ngayon. Hindi nila nasara ng mabuti ang pinto. Kaya malaya silang nakikita. Kapag may lumingon sa kanila, for sure na mapapansin na nandito na ako. Pero masiyado silang busy. Paano pa ako mapapansin?

"At anong pagkukulang ko sa'yo na napupunan niya? Pagkukulang ba sa kama? Gano'n ba, Carlo? Kasi tangina. Ginagago mo lang pala ako."

Bakit gano'n? Sa bawat bigkas na salita ni mama ay nasasaktan din ako. Para bang ako ang naloko. Mararanasan ko rin ba ang ganiyan balang-araw? Sana hindi. Ayokong masaktan ng sobra-sobra. Ayokong maranasan ang ganiyan. Kung alam ko na kung paano magdusa.

"I'm sorry, Gela. I'm really really sorry. It's not my intention na saktan ka. Ayokong sirain ang pamilya natin sa mga maling ginawa ko," he sound sincere. Nakayuko ang ulo ni papa. Pero si Ninang? Hindi na natinag. Ibang-iba na talaga siya. Ang bilis niyang magbago.

"If your really sorry, Carlo. Then, stop this mistake. Stop your mistake. Fix your family," matapang na paghahamon ni mama kay papa.

May parte sa akin na natatakot sa maaari niyang maging sagot. Ayokong marinig. Kasi paano kung ayaw niya? Paano kung ayaw niya kaming piliin na? Pero may magagawa pa ba ako?

May maliit na parte sa akin na umaasa pa rin. Umaasa na kami ang pipiliin niya. Kami na pamilya niya. Kami nina mama. Kasi Mahal niya kami.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now