CHAPTER 3

4 2 0
                                        

GRACE

“Ano na naman ba ang ginawa mo ngayon, kuya? Hindi ka pa ba nadadala?” Rinding-rindi na ako. Si kuya parati ang nagdadala ng problema here. Simula no’ng tuluyan na kaming iniwan ni papa, ganito na ang nangyayari.

Hindi na nga siya nakapagtapos sa pag-aaral. Kailangan ng magbanat ng buto dahil may binuntis ng maaga. At ngayon ay dalawa na ang anak niya. Graduated din ang asawa niya. Pinapaaral niya. Kasi sayang naman daw.

Ang hindi ko lang gets ay kung bakit kailangan niya pang mangutang. Maganda ang trabaho ng asawa niya. Hindi rin sa ano pero malaki-laki rin naman ang sahod. ‘Yon nga lang hanggang ngayon ay hindi pa rin makakaipon at makabukod sa amin ni mama. Pero hindi naman ‘yon problema sa amin masiyado. Ang nakakalito lang ay kung bakit ang bilis maubos ng pera nila. Saan niya pa ba ginagamit?

“Last two months ay nabalitaan ko ring may pinagkakautangan ka. Tapos ngayon ulit? Gaano kalaki ba ‘yang utang mo, kuya?” Kung makaasta ako ngayon ay parang ako ang panganay. Lagi na lang pinapasakit ang ulo ko. Imbes na ako dapat ang nagpapasakit ng ulo niya.

“400,000,” simple lang niyang sagot. Animo ay barya lang ang inutang niya.

“400,000? Ang laki no’n. Saan mo naman ginamit ang perang iyon, anak?” Dinaluhan ko si mama ng akmang mahihimatay Ito sa narinig. Mas double ang inutang niya ngayon compare last two months.

“Nagipit lang naman ako, mama. Tsaka babayaran ko naman ‘yon paunti-unti,” ganito siya. Laging inililihis ang sagot. Hindi niya kayang sagutin kung saan niya ba ginagamit ang ganoon kalaking pera.

“Ganiyan din ang sinabi mo no'ng una, kuya. Nabayaran mo na ba ‘yon? Fully paid na ba?”

Impossibleng mababayaran niya agad ‘yon. 200,000 in just two months? Malabong mangyari. Ang kinikita ng asawa niya ay 25,000 tapos siya ay nasa 10-15k yata. Idagdag mo pa ang mga bisyo niya. Ang mga luho ng asawa niya. At pangangailangan ng anak nila. Pati na rito sa bahay na ‘to.

Kung walang utang nga ay kinakapos sila eh. Paano pa kaya kapag may utang na? Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang pumapasok sa isip niya. Para magdesisyon ng mga gano’ng bagay.

“Naubos na ba ‘yong pera, Gian? O baka naman may natira pa?” Naghihintay kami sa sagot ni Kuya. Curious din ako.

“Wala na, ma. Naubos ko na. Wala ng natira kahit kaunti man lang,” sabay kaming nanlumo ni mama sa narinig. Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yon...

“Wow. Just wow. Ewan ko sa’yo, kuya. Diyan na lang muna kayo,” ayokong maging bastos. Pero ‘yon ang nagagawa ko. Umakyat ako sa kuwarto at nagbihis. Gustuhin mang umidlip kahit saglit. Pero paano ko gagawin ‘yon kung ang ingay nila sa baba. Lalo na ngayon nakauwi na si ate Monique. Hindi niya rin pala alam na nangutang si kuya.

“Ano? Bakit gano’n kalaki, Gian? Nag-iisip ka ba? May utang pa tayo. Saan natin huhugutin ‘yong 600,000 lahat-lahat?” Nakikinig lang ako sa usapan nila. Pero sumasakit pa rin ang ulo ko. Ang laki ng 600,000.

Kung nagtayo siguro sila ng bahay o negosyo. Walang problema sa amin ni mama. It's for the better din naman. Pero kung ginamit lang nila ‘yon sa walang kabuluhang bagay, parang ang tanga naman niya.

“Gagawan ko ng paraan. At saka. Kasalan mo rin naman ito. Yong 200,00 binayad ko sa utang mo. Sa mga alahas na kinuha mo. Ako ang sinisingil nila dahil hindi ka nila makita. Tapos ang iba? Matalo sa sugal. Anong magagawa ko kung malas ako ngayon araw?”

Ayon. Lumabas din ang totoo. Kaya naman pala hindi makakaipon dahil sa mga luho at bisyo nilang hindi kayang kontrolin. Gaano ba kasi kahirap na pigilan yong sarili. Kung alam mo naman na ‘yon ang mas nakakabuti.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now