Chapter 31

1 0 0
                                        

          “Saan ka galing? Why are you not replying my messages?”
          “Sa susunod magpaalam ka kung saan ka mapapadpad, Grace. Pinag-alala mo akong bata ka.”
          “Kumain ka na ba? How’s your day?”
          Sunod-sunod ang naging tanong nila sa akin. But the last question sound comforting. I feel a little bit alright with that question. And for the record, ate Monique only show how much she care for me. Right now, she makes me feel how should I feel. ‘Yong tipong kumustahin ka muna bago tanungin kung saan ka galing.
          I feel drain for the whole day. Kahit galing ako kina papa ay tumanggi no’ng inalok nila akong kumain. Para akong busog kahit hindi naman.
          “Hey! You need rest?” A soft question from a soft voice of ate Monique. I’m about to answer, yet, got interrupted.
          Puwersahan akong pinaharap ni Kuya sa kaniya. Nakahawak sa magkabilang balikat ko. “Napipi ka na ba at hindi makapagsalita? O baka naman ay nabibingi na? Bakit ba ayaw mong magsalita? Pinag-alala mo na kami ng husto,” I can feel the anger. But do I care about it right now?
          “Gian, calm down yourself. Tinatakot mo na siya.” Nalayo si kuya sa akin dahil kay mama. Hinawakan niya ito sa kamay at pinapakalma.
          I want to answer them. All of them. Pero dahil feeling drain ako ay parang walang salita na gustong lumabas sa aking bibig.
          “Ma naman. Sa ginagawa niya mas lalo tayong kinakabahan. Lalo ka na. Paano kung may nangyaring masama pala sa kaniya? Paano na?” He sound frustrated. Ate Monique and mama trying to make him calm down. I also want to by answering them. Yet, right now I can't.
          “Stop it, Gian. Would you? Nothing bad happen to her. Look at her? Masiyado ka lang talagang paranoid.” Magrereklamo na sana si kuya at kokontra. But ate Monique made him stop already.
          “Sige na, Grace. Umakyat ka na sa taas at magpahinga. Mukhang pagod ka na talaga ngayong araw.” I follow what ate Monique said. Si mama naman ay pinalalahanan akong kumain kung sakaling magutom. May tinirang pagkain naman daw sila. I only nodded as a response.
          Automatically lay down in bed. Kahit lagkit ang katawan. Tinatamad nang magpalit ng damit. Pagod na pagod na ako ngayon araw. Hindi sapat ang nakuhang mga salita mula kay papa. He limit the words na sasabihin sa akin kanina. Sa kakaisip ay nakatulog din kalaunan.
           Pagod na pagod na bumangon. Kumuha ng pamalit at maliligo. Alas kuwatro ay kumakain na. Balak kong umalis ng alas singko. Saan pupunta? Hindi ko rin alam. Kailangan ko lang mag-isip-isip muna. Ayoko munang kumausap at humarap sa kanila. Kung ganito pa kagulo ang isipan.
          I need to fix my mind. I need to fix everything. I need to ready myself. Because after this? After this will be still a rollercoaster. I need to ask them. Seek an answer from what I heard. I also need to deal with my boyfriend.
          “Where are you going? Masiyadong maaga pa, Grace. Alas diyes pa klase mo, ah,” I stun after receiving a words from ate Monique. She caught me.
          I look at her. Feeling tired and drain. Kalalabas ko lang ng kuwarto dala ang bag. Pababa na sana ng hagdan pero saktong palabas siya ng kuwarto. Hindi ko inaasahan na maaga siyang lalabas ngayon.
          “Kailangan ko lang pong umalis ng maaga. Paki-sabi na lang po kina mama at kuya, ate Monique. Mauna na po ako,” wala akong balak na hintayin ang sasabihin niya. Nagsimulang ihakbang ang mga paa. Saktong pagbaba. She utter a word.
          “May problema ka. Iniisip mo ba ang narinig mo? Pinuntahan mo ba ang papa mo?” Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa sinabi niya. How did she know? There’s no way she could know.
          “Nakita ka ng kapatid ni Arabella na umuwi na rito. Pero hanggang pinto lang at hindi pumasok. Later on ay umalis na parang lutang. You came home exactly na pinag-uusapan namin ang bagay na iyon. So, you can’t deny the fact.”
          I sigh like defeated. She caught me off guard. “But don’t worry. I won’t tell them. Hindi kita uunahan sa mga pasiyang gagawin mo. Aasahan ko na magagawa mo ang sa tingin na tama.”
          Nanatiling nakatalikod sa kaniya. A small shape of smile curve in my lips. How I love her as my sister-in-law. I only nodded as a response. I know she already get.
          “You need a little bit time to unwind and fresh your mind. You had enough yesterday.”
          I thought na aalis ako ng bahay na sobrang bigat ulit ng nararamdaman. But vice versa happen. Because ate Monique words somehow lifted up the confusion and pain to myself.
          Naglalakad na parang lutang. Hindi ko alam kung saan pupunta ngayon. Hinahayaan ang sariling paa kung saan man ako dalhin. Isang busina ang nagpawala ng mga iniisip ko. May pumarada na isang car sa tabi ko.
          Inakalang paparada ito kaya binilisan ang paglalakad. Pero sumusunod pala ito sa akin. Dalawang busina ang ginawa ng kung sino man ang nagmamaneho. Tumigil sa paglalakad at humarap sa sasakyan. Waiting for someone to open the window, instead, bumaba ito.
          I’m quiet shock nang makita kung sino ito. Cara is in front of me. Nagkasalubong ang kilay ko. Wonder what she doing here. In this place. In this time.
          “I think, you should get it. We need to talk for a bit.” I didn’t follow her. Why would I do that? Why would she do this? At isa pa, sobrang aga niya naman yata.
          “There’s no reason na mag-uusap tayo. Wala tayong pag-uusapan...” I want to utter her name. Pero hindi ko kaya.
          She sigh. Para bang wala ng magagawa pa. Mas lalong nagsalubong ang kilay. Papalapit siya sa puwesto ko. At pumuwesto sa likod.
          “I know na hindi ka papayag ka. So, I need to this I’m sorry, Grace.” I feel confuse. What does she mean.
          Someone in her car get out. Isang lalaki. Before I can do anything ay may tinakip siyang panyo sa bibig ko na may halong chemical. Reason para mawalan akong malay.
          “This is the only chance para makabawi sa’yo, sa kaniya, sa inyo,” mahina niyang bigkas. Ngunit nagawa ko pa ring marinig bago tuluyang nawalan ng malay.
          Nagising sa isang kulay pink na kuwarto, malambot na kama, sakto lang ang lamig ng aircon. Wait! What?  Kinusot-kusot ang mga mata. Pero gano’n pa rin. Hindi pa rin nagbabago.
          “Why I am here?” The last time I remember ay kausap ko si Cara. Then, everything black out. “Where is Cara?”
          Bumaba sa kama at hinanap ang gamit ko. Nasa couch ito. As I look at to the clock, it's already 10:30 pm. I’m late. Shocks. Hindi puwede ito. I immediately grab my things. Before I can open the door, someone already did it.
          “No need to rush, Grace. Walang pasok ngayon. I think you don’t know yet that information,” nakangiti niyang usal. May dala siyang pagkain sa isang tray. Is that for me?
          “Why?” Paanong walang pasok? Hindi naman masama ang panahon ah.
          “May inaasikaso ang mga staff. All of them. Basta you don't need to worry about.” Nilapag sa study table ang tray.
           “Umupo ka muna rito at may pag-uusapan tayong mahalaga.” Tinapik ang tabi niya. Nakaupo na ngayon sa gilid ng kama. I feel no choice na sumunod sa sinabi niya.
          Katahimikan ang namayani sa mga naunang minuto. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Hindi ako magsasalita hangga’t hindi siya nauuna. Hindi naman ako ang may sadiya rito. Siya ‘yon.
          “You and Shaunne got fight because of me. Yesterday, when you called him, hindi niya napansin. He looks hopeless, depress, and in pain. Kahit torturing session namin kagabi ay hindi natuloy. Hindi siya makausap. Lumilipad ang usapan.”
          I never imagine na siya ang unang makakausap ko sa bagay na ito. Hindi naman kasi naabot sa isip ko na magkakausap kami. Parang malabo. Parang impossible. Pero heto na. Nasa tabi pa nga.
          “He could not able to answer your calls dahil nga wala siya sa sarili. I'm having an urge to answer you call instead but I stop myself. Thinking it might me, the reason why you two seems not fine. It got confirmed when someone I know chatted me na nagkausap kayo bago siya dumating sa meeting place namin and you mention my name.”
          “I don’t know the real reason kung bakit mo naiisip na lolokohin ka niya. Dahil ba nalaman mong first love niya ako? O higit pa roon?” She's trying to lifted up the akwardness through her laugh.
          “But, wala akong planong malaman pa. I might cross the line,” good to hear. At least she know kung hanggang saan lang puwedeng makialam sa buhay ng tao. May hangganan ang lahat.
          “My only concern here is your relationship. You know, dapat hindi ko na iniisip pa ito. Kasi relasiyon niyo ‘yan. But to the fact na may kinalaman ako. I mean, I’m the reason of misunderstanding. I need to do something.”
          Does Shaunne talk to her para gawin ito? Pero malabo. She look and sound sincere. Yet, should I believe? Gosh this trauma. I need to heal myself from it. I really need it.
          “If you’re thinking if Shaunne begs me to do this? Well, he’s not. I’m sure hindi niya iyon gagawin. Not in his vocabulary either,” I feel relieve to hear. Para namang nababasa niya ang nasa isip ko at nasasagot niya.
          Kapansin-pansin ang paghawak niya sa isang daliri. Tila pinaglalaruan niya ito. I remain seated. Walang ibang ginagawa kun’di tumingin at makinig sa kaniya. This is her time to talk. I won't interrupt her
          “To tell you honestly, I’m still in love with him. Kaya no’ng inaya ko siya last year to be my partner to the ball, I’m happy. Cause at least we can still be partner kahit hindi na kami.” She look like reminiscing the past. A curve of smile plaster on her lips. Namumula yong cheeks.
          “But no’ng nag-umpisa na pala siyang mapalapit sa’yo. He told me na maghanap ng ibang partner. Because may nililigawan na raw siya. I find it funny,” she even laugh. “Sa isip ko, ginagawa niya lang ang bagay na iyon para lumayo na ako sa kaniya. Wala naman kasi akong naririnig o napapansin na may nililigawan siya. Not until the ball came. I expected him na sunduin ako. Kahit sinabi niyang hindi na gagawin ang bagay na iyon. Dahil susunduin niya ang girlfriend niya.” The smile slowly faded. After imagining I came in the picture.
          Should I feel sorry to her? No. I shouldn’t. There’s nothing to be sorry with. And I have a feeling na hindi niya kailangan iyon. Nagmumukha lang siyang kawawa. Which is she’s not. Hindi siya kaawa-awa. I don’t feel her pity. Cause I know parte na yan ng pagmamahal. Ganiyan na talaga.
          This is so absurb. Saka ko pa na realize ang lahat kung saan nangyari na. Kung sabagay. Wala ka namang matutunan kung walang nagawa. Kung walang nangyari.
          “I’m ready to stop chasing him. After I witness how sweet you two are. But the fate doesn’t let me. Tito, which is his father, want me to be his tutor. His slowly failing his grades because of her mother illness.
          “Tito started na kunin ang mga gadget niya. Maliban sa phone at baka tumawag sila. Minu-munuto niyang tinitingnan ang phone. Hoping you texted him first. But I guess, you also waited the same thing. When you finally sent him a message, his so happy. But, I remember what Tito said. So, pinagbawalan ko siya.”
          Isa sa patunay yong nakita ko sa book store. Gano’n ba ‘yon?
          “Until, during our tutoring time. He always look upset. Do’n na pala ‘yon. Hindi niya sinasabi sa akin na nagseselos ka na pala. Edi sana I distance myself. Edi sana I already talk to you para makatulong. I feel guilty.” Nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri.
          “I’m sorry for what I’ve done. I’m sorry for almost ruining your relationship. It wasn’t my intention. Trust me.” Sinalubong ang tingin. Hinawakan ang kaliwang palad ko. May iilang butil na tumulo sa luha ko.
          I understand her. Tanggap ko na rin sa sarili na sa akin talaga ang mali at hindi sa kaniya. Masiyado lang akong nagpadala sa nakaraan. Masiyado lang akong nagpalamon sa galit ng nakaraan.
          There’s something I learn on this conversation. A something na nagpagaan ng kalooban at isipan. At sana magiging maganda ang gagawin kong hakbang sa araw na ito.
          “You don’t need to feel guilty. You don’t need to feel sorry. Kasi kasalanan ko naman ang lahat. Masiyado lang talaga akong nagpadala sa sakit ng nakaraan. Hindi na namamalayan na naaapektuhan na pala ang kasalukuyan.”

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now