GRACE
"Why are you here? Where's Arabella? Bakit ikaw ang nagdala nito here?" Sunod-sunod ang pinakawalang tanong. Hindi sinabi ni Arabella na hindi siya pupunta.
"Nakasalubong ko sila sa daan. I asked them where are you. They answer you're here. May balak talaga akong puntahan ka para maibigay ang pagkain.
He know my weakness. Ayoko na. "Kumain ka na ba?" Mukhang baon niya pa yata ito. Ang sosyal ng mga tupperware na pinaglagyan.
"A little bit," masamang tingin ang pinukol sa kaniya. A little bit pa nga. "Sabayan mo na lang akong kumain. Hindi ko kayang mag-isa nito," hindi ako ganiyan kagutom. A smile escape on his lips. Parang sira naman. Iniisip pa yatang madamot ako, ah.
"Gusto mong mamasiyal after this? Wala rin tayong pasok?" Simpleng aya niya sa akin. Hindi ako tumanggi.
"Walang problema sa akin. Pero saan mamasiyal?" Ang sarap ng pagkakaluto ng pagkain niya. Very good ito.
"Kahit saan. Saan mo ba gusto?" Can't he decide? Chariss. Kapag ganitong usapan ako pinapapili niya. This time, Umiling ako.
"Ikaw naman ang pumili. Lagi na lang ako," I want it fair. Dapat salitan kami. Nakakaumay kung ako na lang lagi mag-iisip. "Wala namang problema sa akin kung saan."
"Sige. Sa kahit saan na lang." Isang hampas ang inabot niya sa akin. Seryoso ako tapos ganiyan siya. Parang tanga lang.
Tumawa siya ng malakas. Mabilis ang naging pagsaway bago pa mapagalitan. "Shhhhhh," kinalimutan na nasa library kami. Ewan ko na lang sa kaniya.
"Fun run bukas. Sasali ka?" Kahit required ay tatanungin ko pa rin siya. Malay mo maging competitive at tatakbo talaga siya.
"Yes. Susubukan kong takbuhin ang daan papunta sa puso mo." Para akong mabibilaukan sa sinabi niya.
"Siraulo," nasasanay na ako sa paganiyan niya. Seryoso sa una. Pero may tupak sa dulo. Kuhang-kuha niya ang pikon ko.
"Ito seryoso na. Sasali talaga ako. Maliban sa required. Alam kong nando'n ka." Sabay wink sa akin. Hindi ko maiwasang subuan na lang siya. Kaya nagiging ganiyan dahil kulang sa kain.
"Ang sarap pa lang kumain kapag may taga-subo? Araw-arawin kaya natin ito para ganahan akong kumain. Gusto mong i-try?" Mabilis akong umiling. Nilayo ng bahagya ang ulo.
"Kaya ko sarili ko. Lulusot ka lang eh."
"Ako? Ako pa talaga ang lulusot lang? Ikaw nga itong para-paraan eh. Kanina mo pa pala ako gustong subuan. Nahihiya ka lang. Huwag ka ng mahiya. Ako lang 'to," wow ang yabang niya.
"Yabang mo," grabe na ang turnelio sa utak nito. Hindi ko kaya.
"Sus. Subuan mo na lang ako. Napagod ako kanina kaya hindi ko pa kayang pakainin sarili ko," he sounded like a child. A child na kinukulit ang Ina na subuan siya.
"Huwag ako, Shaunne. Lolokohin mo pa talaga ako, ano? Wala kayang klase. For sure nakaupo ka lang. Paano ka mapapagod no'n, aber?" Same lang kami na halos walang pasok. Naghahanda ang mga teachers sa fun run bukas.
"Exactly. Wala akong ginawa kanina kun'di umupo lang. Pero nakakapagod pa rin ang gano'n, my love," lulusot pa talaga eh. Maghahanap lang ng alibi.
Ayoko ng humaba pa ang usapan namin at sinubuan siya. Now I realize na iisang kutsara lang pala ang gamit namin. Kaya naman pala malawak ang ngiti na binibigay ng depungal. Isa siyang impakto.
"Ay kinikilig ka na ba sa my love? Hinahanap-hanap mo na ang call sign na 'yon, ano?" Hindi kami nagtatagal na tahimik lang. Hahanap at hahanap siya ng paraan para may mapag-usapan kami.
YOU ARE READING
AS #2: Need You Now
Fiksi Remaja"Don't love someone more than yourself if you don't want to break yourself apart." Grace raise believing that motto in her life. She find it lame when someone being so much crazy over love. Just because the reason that they need the man for their li...