Chapter 15

1 0 0
                                        

GRACE

"Kayo po pala 'yong amo ng asawa ko. Maraming salamat po sa tulong niya," kunwari anghel na pasasalamat ni Kuya. I know na bukal sa kalooban niya ang pasasalamat. Gano'n din ako.

Kung wala ang tulong nila. Siguro ay naghahanapan pa kami ng pera ngayon. Sadiyang hindi lang talaga bagay sa kapatid ko ang gano'n.

"Walang anuman 'yon, Mr. Abiar. Ganito lang talaga kaming mag-asawa. Isa pa, asawa ka ng employee namin. Isa sa mga mapagkakatiwalaang employee," nahihiya si ate Monique sa papuri ni Mrs. Villamonte.

Tahimik lang ako sa gilid. Nakataas ang kilay sa lalaking kanina pa pala nakatingin din sa akin. Umalis pa kung babalik din naman pala agad. Pero umalis ba talaga siya or nag-parking lang?

"Ay, ma'am, sir. Umupo po muna kayo. May gusto po ba kayong kainin?" Mabilis din namang umupo ang mag-asawa. Maliban kay Shaunne na nanatiling nakatayo.

"Naku! Huwag ka ng masiyadong mag-abala pa, Monique. Hindi rin naman kami masiyadong magtatagal. Akala lang talaga namin ay ngayon siya madi-discharge kaya gano'n."

"Masiyadong excited kasi ang asawa ko. Lalo na at pamilyar ang surname niyo."

Pamilyar talaga surname namin sa kanila dahil sa kanila nagtatrabaho si ate Monique. "May iba pa po ba kayong ibig sabihin no'n, sir?" Kahit si ate ay naguguluhan napatanong tuloy.

Nalipat ang tingin ng mag-asawa sa akin. Sabay pang ngumiti ang dalawa. I did the same thing.

"Grace, right?" I nodded as an answer. "You are also student sa campus na pinag-aaralan ni Shaunne?" 'Yong tingin ng dalawa sa akin, si kuya at ate, ay kakaiba. Mga ito. Ang sarap tusukin ang mata.

"Ah opo. Pero magkaiba ng department. Malayo rin ang department nila sa department nila," hinabaan ko na lang ang sagot. Nagtatango na ngumiti naman ang mag-asawa.

"I heard a lot about you. Maybe, sometimes we can invite you for a meal," I don't know what to answer. Nabigla ako sa narinig. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Ahm. Excuse me, ma'am. Pero... Can I interrupt you po? How did you know a lot about my sister-in-law?" Naunahan lang akong magtanong ni ate eh.

"Shaunne talk about her," casual and simple na sagot ni Mrs. Villamonte. Isang kilay na nakaangat na tumingin ako sa lalaki. Hindi nagbabago ang expression niya sa mukha. Mukhang inaasahan na sasabihin 'yon ng mama niya.

Bakit naman niya ako ikukuwento sa pamilya niya? Anong sinasabi niya? Bakit may pa gano'n ang kuya niyo?

"Ah. Gusto niyo po ba ng juice?" Pag-iiba ko ng usapan. Bago pa magsalita ang dalawa. Parang may ideya na ako kung ano ang sasabihin nila. At hindi gustong marinig.

"Any juice na lang iha," sagot ni Mrs. Villamonte. May pera naman ako here. Kaya kahit na nag-abot si Mrs. Villamonte ay hindi ko na tinanggap pa. Sobra-sobra na. Sila na nga ang magbabayad sa bill ng kapatid ko. Tapos sa pagkain, sariling pera pa.

Pagdaan ko sa harap ni ate ay bahagya niya akong kinurot. "Kaya naman pala hirap kang sabihin sa amin eh," mahinang bulong niya na may halong pang-aasar. Nasisingit niya pa talaga 'yon, ah.

"Sasama na ako. May bibilhin din sa labas," I'm sure si Shaunne 'yon. Namalayan ko na lang siya na kasabay ko nang maglakad.

"I did not know na magkapatid pala kayo ng asawa ni Ms. Monique," panimula niya sa usapan. Parehong sa canteen ng hospital ang punta. May own canteen kasi rito eh.

"Ayos lang 'yon. Hindi mo naman kailangang malaman," wala akong makikita na reason para kahit 'yon ay alam niya pa.

"I heard about what happened to your brother. About sa pinakulong mo at nangyari yesterday. Sila 'yon, right?" Wow. Ang talino niya rin naman pala. Napagtugma niya anh nangyari.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now