Chapter 16

1 0 0
                                        

GRACE

“So, ano na? Anong meron at magkasama kayo last time? Sa hospital,” Nandito ako ngayon sa bahay nina Arabella. Pinapunta niya ako here.

Na-discharge na si kuya kagabi. Kasalukuyang nagpapahinga. Siya na rin ang nagbabantay muna sa mga anak niya. Iniwan ko siya. Hindi naman siya pilay para hindi maalagaan ang dalawang bata. Hindi rin naman makukulit ang mga iyon.

“Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinagot ang tanong na ‘yan. Hindi ka ba nagsasawa, Arabella?” Nababanas na ako sa kaniya. After pumunta nila Shaunne sa hospital. Halos oras-oras niya akong tinatanong. Hindi kami nagkita kahapon sa school kaya naging peaceful ang pandinig ko.

“Gusto kong paulit-ulit na marinig eh. Bakit ba?” Ay wao. Matapang ‘yarn?

“Ikaw na rin sumagot. Total gusto mo naman,” tinawanan lang ako ng gaga. Nagpaalam siya at magluluto raw ng popcorn. Nagpaiwan naman ako sa sala. Naka-on ang tv.

Nanonood lang ng palabas while waiting. My phone ring. Unknown number. Tumayo muna bago sinagot ang tawag. Magpapakalayo saglit at may Chismosa akong kasama ngayon.

“Hello! Sino ‘to?”

“Si Shaunne ‘to, Grace. You haven’t save my number don’t you?” May halong pang-aakusa ang boses niya. Which is true rin naman.

“Who are you ba para i-save ang number mo?” Pagtataray na biro ko sa kaniya. He chuckle. Ang smooth naman no’n.

“We exchange message and still you don’t me? You like exchanging message to a stranger? Hmmm,” pakshet naman. Yes, I admit. After no’n ay madalas na siyang nag-message sa akin.

Kahit mag-alibi akong walang load ay hindi pa rin makakalusot. Paano ba naman kasi. Pinapa-load'an niya ako. Edi walang kawala. After those, I labeled our relationship as a friend. Friend na kami no’n.

“Hindi mo sure.” Tinawanan niya lang ako. “By the way, why did you call me?”

He clear his throat. “Hindi ko alam kung hindi mo napansin or hinahanap mo ito ngayon. But your wallet is with me. Naiwan mo ito last time sa bench while we waiting the pizza. I just forgot to return it to you at that day.”

“Huh?” Natatangang sagot ko sa kaniya. Nawawala ang wallet ko? Hindi ko napansin ang bagay na iyon. Kung sabagay may pera rin kasi sa bag. Doon ako madalas kumukuha ng pera kapag tinatamad kunin ang wallet. Shunga ko naman.

“I guess you still haven’t notice.”

“Its not only a guess. You’re totally, right. Balik mo na lang sa akin ‘yan bukas. I have class,” I’m not sure kung may class din siya tomorrow.

“Sure. See you tomorrow,” ako na ang nagpatay ng tawag.

“Sino ‘yon?” Usisa ni Arabella pagkabalik sa puwesto. Sitting pretty na siya habang kumakain ng popcorn.

“Chismosa mo,” tanging naging sagot. Ayokong sabihin na si Shaunne ‘yon. Mang-aasar lang siya walang halong duda.

“By the way, besh. I have question.”

“What is it? Tanong ko sa kaniya habang nanatiling nakatuon ang atensiyon sa tv.

“What if may manligaw sa’yo? Papayagan mo siyang manligaw sa’yo?” Muntik na akong mabilaukan sa naging tanong niya. Unexpected na itatanong sa akin. Hindi niya hilig magtanong ng ganiyang bagay. Siguro mga biro tungkol diyan, oo. Pero ganito? Hindi.

“I don’t know. It depends. Why did you ask?” Hindi ko alam kung papayagan ko kung sakali man meron.

Siyempre gusto ko munang kilatisin. Baka naman kasi kung sino-sino lang ‘yon. Hindi ko pa kilala. So, what if nagbibiro lang pala? Ayoko pa naman sa gano’n. Baka masuntok ko lang sa dulo.

AS #2: Need You NowWhere stories live. Discover now