GRACE
Hindi ko na sinagot ang tanong ni mama kagabi. Kaya may pag-asa na kukulitin niya ako ngayon. Kapag kasi sinagot ko siya kagabi ay alam kong may follow up questions ‘yon. Hahaba ulit ang usapan. Matagal bago pa ako makapagpahinga.
“Ano ‘tong naririnig ko kay mama, Grace? May boyfriend ka na raw pero ayaw mong ipakilala sa amin? Para namang mangangagat kami. Hindi naman.”
Ang gandang bungad naman ni ate Monique. “Good morning, too ate Monique,” natawa siya sa naging tugon ko.
Pagbaba ko mula sa taas ay hindi ko napansin na nandito pala si ate Monique. Mukhang kanina pa siya narito. Ang bilis maka-kuwento ni mama. May laging flash ba siya kaya gano’n?
“Sus. Inililihis pa ang usapan. So, ano na? Kailan mo ipapakilala ang lalaki sa amin?” Ayan na naman siya. Akala ko si mama ang mangungulit sa akin. Siya pala.
“Hindi ko siya boyfriend, okay? Friend lang po,” paglilinaw ko. Pero friend na ba kami sa lagay na iyon? Bahala na. Ang pangit din naman kung sasabihin kong stranger tapos hatid at sundo kahapon.
“Kunwari naniniwala ako.” Napailing na lang bago pumasok sa banyo.
“Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala? Hindi ko ‘yon boyfriend. Wala akong boyfriend,” agad na depensa ko paglabas ng banyo. ‘Yong tingin kasi nila. Tingin na may halong pang-aasar.
Kung nandito lang din si kuya. For sure mang-aasar din ‘yon. Siya ang may pinakamalakas mang-asar sa amin.
“Talaga ba, Grace? Nothing more? Nothing less?” ‘Yong tono ni ate Monique. Halatang nang-aasar lang.
“Ang kulit niyo naman eh. Sabi ng wala,” I tried na huwag magtunog defensive. Pero ang hirap. Ayoko na.
“Sabi mo eh,” kibit-balikat na sabi ni mama. Pero nakangiti naman. Nakakaasar naman sila.
“Oo nga pala. Tumawag si officer John. ‘Yong bagong in charge sa kaso ni Gian, mama. Ayon sa kaniya, nasa kamay na nila ang suspects. Malakas ang evidences against them. Next week, hahatulan na sila ng kaso.”
Ow. Mukhang hindi ko na need pumunta pa sa presinto bukas. May update na pala. Thank God at may progress agad. Ang bilis.
“Mabuti kung gano’n. Kahit papaano ay makakahinga tayo ng maluwag. ‘Yong hospital bills na lang ang iisipin natin kung paano mababayaran.”
Lahat kami natahimik na sa bagay na iyon. Magkasunod na nagpakawala ng buntong-hininga.
“Kumusta na pala si kuya, ate? Gising na ba?” Baka mamaya ay bibisitahin ko ang isang ‘yon. Kawawa naman. Walang ibang bibisita maliban kay ate Monique.
“Nagising kaninang madaling araw. Pero saglit lang at natulog ulit. Sabi ng doctor, bumubuti na raw ang kalagayan niya. Kapag nagtuloy-tuloy, hindi rin magtatagal at madi-discharge siya.”
So, ang problema na lang talaga rito ang hospital bills. Kapag puwede ng makalabas si kuya ay need na namin ang pera. Magkano kaya ang bill ng isa na iyon.
“Sa bill naman, mama. Huwag niyo na pong masiyadong problemahin pa ‘yon. Nag-offer ang boss ko na siya na ang sasagot sa bayad. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Pero nagpasalamat na rin. At least ay mababawasan ang problema natin.”
Natuwa kami sa narinig. Gusto ko tuloy makita ang amo niya at magpasalamat. Gano’n din si mama. Nagkuwentuhan pa kami bago ako naghanda papunta sa school.
Nauna na ng umalis si Ate Monique para ihatid ang mga bata. Halos magkasabay naman kaming umalis ni mama.
“Beshhhhhh," sigaw mula sa babaeng kilalang-kilala ko ang sumalubong sa akin sa gate. Nasa entrance sila ng boyfriend niya. Naka-akbay pa. Wao. Ang ganda na sana ng umaga ko. Pero sisirain lang pala ng dalawang ito.

YOU ARE READING
AS #2: Need You Now
Teen Fiction"Don't love someone more than yourself if you don't want to break yourself apart." Grace raise believing that motto in her life. She find it lame when someone being so much crazy over love. Just because the reason that they need the man for their li...