Chapter Thirty-Four
FLASHBACK~
Naglalakad ako sa hallway palabas ng campus. Tatawagan ko na lang si kuya kapag nakalabas na'ko ng gate. Hays. Ang tahimik naman yata ng school ngayon. Ano meron? Nakiki-sabay din ang school sa stress ko ganern? Mas mabuti na 'to kesa makasalubong ko yung mga nambubully sa'kin.
Lakad..... lakad..... lakad......
Lakad...... lakad...... lakad......
Buntong hininga....
Lakad.... lakad..... lakad ng biglang may humatak sa'kin sa isang sulok. Tokwa! Kidnapping ba ito?!
Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan yung bibig ko. Gago! Kuya heeeeeeelp!!!!
"Don't be scared, it's me" sabi ng lalaking tumatakip ngayon sa bibig ko.
Ang familiar ng boses. Kinuha na niya yung kamay niya sa bibig ko at giniya niya ako paharap sa kanya. "Prof?! Bat may pahatak effect ka naman? Akala ko kung sino! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Akala ko may kikidnap na sa'kin!" Tuloy-tuloy kong sabi. Di ko na iniisip yung poise ko kasi nga kinabahan talaga ako! Pwede naman kasing tawagin ako o kahit sitsit na lang ganun! Bat kasi may pahatak effect pa?! Nakakaloka.
"Sorry Agatha hindi na ako nakapag-isip nung nakita kita. I miss you" sheeeeet! Bat ang husky naman ng boses prof?! Bat naman ganon kasarap pakinggan?!
"Prof next time naman kasi pwede mo naman akong tawagin ng super hina malakas naman pandinig ko. Huwag ka namang manghatak bigla akala ko kasi——" di ko na natapos yung sinasabi ko ng bigla niya kong....
(O\\\\\\\\\\\\\\\\\\\\O)
Bigla niya kong hinalikan.....
*chup*
Sheeeeeet! Nananaginip ba ako? Feeling ko nasa ulap ako.
Nakahawak yung kaliwa niyang kamay sa bewang ko habang yung kanang kamay naman sa likod ng ulo ko. Habang hinahalikan niya ko parang tinuturuan niya rin yung mga labi ko sa dapat gawin. He is taking the lead. Very soft and tender. Hindi marahas, hindi mapusok, a sincere kind of kiss. Yung halik na hinding-hindi ko makakalimutan at yung halik na nakakaadik.
Sinakop niya yung buong labi ko. Anlakas ng tibok ng puso ko na halos nagpapabingi sa tenga ko. Nakahawak lang ako ng mahigpit sa damit ni Clive habang nakapikit. Ganito pala yung first kiss? Or ganito ba talaga kapag hinahalikan ng taong gusto mo? Wala akong ibang naiisip. Biglang naging blangko yung utak ko. Yung pakiramdam na lumulutang ka. Ganun. Ganun yung feeling.
BINABASA MO ANG
Kapag Lumandi ang Api
Teen FictionNerd, losyang, pangit, out of this world na figure dahil sa sobrang dami ng taba-taba sa katawan at kung anu-ano pang imperfections na inembento sa sangkalupaan. Inaapi kahit saan mapunta dahil sa kapangitang taglay. Hanggang saan aabot ang pasensya...
